Chapter 23: I'll Be Your Star

37 8 12
                                    

May kausap sa telepono si Lianne nang marinig niya ang pagbubukas ng elevator. Napalingon siya at nakita niyang lumabas roon si Cassidy. Peach ang suot niyang long sleeves blouse ngayon pero matalim ang tingin ng babae sa kanya na parang toro na nakakita ng telang pula. Mabilis siyang nagpaalam sa kausap at marahan na tumayo sa kanyang upuan upang batiin ang Marketing Manager. Naiinis man siya sa babae ay alam ni Lianne na mas mataas pa rin ang posisyon nito sa kanya.

"Good morning, Ms. Gonzales!"

"Where is Dylan?" May kalakasang tanong ni Cassidy dahilan upang pigil na pigil si Lianne na mapasinghap at maningkit ang kanyang mga mata nang marinig na tinawag ni Cassidy sa first name ang CEO.

Close ba sila?

"May virtual meeting siya.."

Hindi na naituloy ni Lianne ang sasabihin dahil mabilis na binuksan ni Cassidy ang pinto ng opisina ni Dylan. Napilitan si Lianne na sumunod dahil alam niyang hindi pinapayagan ang babae na makapasok sa opisina ng CEO. Iyon ang sinabi ni Dylan sa kanya noong isang gabi.

Nakaharap sa kanyang laptop si Dylan at may kausap. Umangat ang tingin ni Dylan kay Cassidy at saka sinenyasan ang kausap sa laptop na tumahimik muna. Pinindot ng CEO ang mute button at in-off ang kanyang kamera bago tiningnan si Lianne sa likod ng Marketing Manager na halatang hindi nagwagi para pigilan ang huli na makapasok.

"Ms. Gonzales, you are not allowed..."

Hindi natapos ni Lianne ang sasabihin dahil hindi siya pinansin ng Marketing Manager at mataas ang boses na kinausap ang CEO. "You submitted a proposal to Leicester Bank without consulting me?"

Tumaas ang isang kilay ni Dylan at saka humalukipkip. "Why would I?"

"Have you forgotten that you hired me as the Marketing Manager?" Mataas pa rin ang tono na tanong ni Cassidy.

Isang ngisi ang pinawalan ni Dylan. "Maybe you were the one who forgot your position in this company."

Kumunot ang noo ni Cassidy.

"Yes, you are the Marketing Manager for AI- Victoria, and I am the President and CEO of the whole AI. I own AI, and you are my employee." Madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Dylan dahilan upang ang kanina'y taas noong si Cassidy ay bahagyang napayuko.

Lumamlam ang mga mata ng babae. "But I was expecting that you would consult me regarding this because this is about our bank."

Pinasadahan ni Dylan ng tingin si Lianne na mukhang naguguluhan na sa mga nangyayari ngunit ayaw rin niyang paalisin ang babae dahil alam niyang pinagseselosan ni Lianne si Cassidy.

Tumayo si Dylan. "Precisely, it's your family's company. So, you are not supposed to be involved in the proposal."

"I am involved in this!" Muling tumaas ang boses ni Cassidy.

Napatiimbagang si Dylan sa tigas ng ulo ng babaeng kaharap niya. "I asked the AI-Leicester Marketing and Programming Teams to collaborate regarding this project because they will be the ones in charge of working with Leicester Bank in case your company approves the proposal."

Pikon na napahawak sa kanyang noo si Cassidy. Binalingan niya ng tingin si Lianne bago muling ibinalik ang tingin kay Dylan at saka padabog na naupo sa couch. "Tell your temporary secretary to give us some privacy."

Ipinamulsa ni Dylan ang kanyang mga kamay. "I told you my secretary takes note of everything, she cannot leave."

Galit na tiningnan ni Cassidy si Dylan. "Then tell her to take note also while I am kissing you as my fiancé."

Nanlaki ang mga mata ni Lianne. Pakiramdam niya ay may bumagsak na bloke ng semento sa kanyang mukha. Iniangat niya ang kanyang tingin kay Dylan na umiiling sa sinabi ng Marketing Manager. Naramdaman ni Dylan ang tingin ni Lianne kung kaya't tinapatan niya ito.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now