Chapter 40

5 0 0
                                    


"Kumain ka na," sabi ni Shone pagpasok namin sa bahay.

Sinundan ko siya papuntang kusina. Ipinaghila na niya ako ng upuan. May mga pagkain na sa mesa.

I sat down and served myself. Hindi pa naman ako balbado para ipagsandok pa ni Shone ng kakainin.

Hindi pa ito umupo at nagdiretso pa sa kitchen counter. He got a cup and asked me. Nakatalikod pa at talaga namang abala sa ginagawa.

Bahay mo?

"Gusto mo ng milk? Coffee or hot chocolate?"

"Kahit water na lang, Sho. Ako na kukuha. Umupo ka na at kumain din."

Nakakaisang subo na ako ng kanin at saktong tingin niya sa akin nang sumubo ako. Ang funny siguro ng itsura ko non. Tumayo ako habang ngumunguya. Gusto ko na lang tumawa sa sarili ko dahil parang ako pa ang hindi mapakali kahit na nasa pamamahay namin kami.

"Let me. Upo ka na ron. Kumain na ako."

"Hmm. Thank you." hindi na ako nakipagtalo, bumalik na ako sa upuan ko. "Anong inulam mo?" kyuryoso kong tanong.

"Kung ano 'yang inuulam mo ngayon. Dito ako kumain e." Chill niyang inilagay sa mesa ang pitcher matapos akong pagsalinan ng tubig sa isang baso.

"What?" halos mabilaukan ako sa narinig. Maagang nagb-breakfast sila Mama.

"Inabutan ko sila Tita na kumakain kanina tapos inanyayahan ako, hindi naman ako makatanggi kaya..." he shrugged his shoulders and slightly pushed the glass of water towards me.

"Anong oras ka bang nagpunta rito?"

Now I am feeling guilty because I didn't wake up early.

Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya! At saka ang sarap matulog!

"Almost nine nung makarating ako."

Almost nine, e alas onse na?!

Nakasabay niyang kumain si Mama that also means na kasabay si Papa. Agad na dinaga ang dibdib ko dahil sa kaba. Baka magalit?

"Anong sabi ni Papa?" palunok-lunok kong tanong. Baka sinungitan pala siya, nakakatakot pa namang magsungit yun.

"Wala naman. We talked and that's it."

I tilted my head to the side. Something's not right. Is Papa really okay with this? Walang sinabi, that is very not Papa.

"Pero bakit ang aga aga mo naman kasing magpunta?" Balik ko sa topic. Hindi pa nga ako gising tapos pupunta siya.

Hindi lang yata ako ang binibisita e. Pati na sila Mama, binibisita niya.

"I want to have breakfast with you. Masyado akong na-excite, hindi kita nasabihan beforehand. When I went here, you were not reading nor replying to my messages so I figured to drop by to say hi and check if you are awake but it turns out that you are still asleep. Kaya pinakain na ako rito tapos Tita asked for a favor. Aalis si Tito kaya ako ang sinama niya sa paglilipat ng paso."

Sa dami ng sinabi niya, sa naexcite lang ako nagfocus. Gustong gusto ba akong makita?

Parang ako lang pala nung kauuwi niya lang sa Pilipinas. Ang kaibahan nga lang ay wala kaming guard para mang-interview sa kaniya.

I realized that even when we have a business that is still running, Shone's fortune was far from ours. Ibang level ang kakayahan nila sa buhay but I never feel the distance nor the gap of our relationship just because of it.

"Miss mo na 'ko niyan," biro ko. Honestly, I did expect him to say yes kaya nang suklian niya ako ng nahihiyang pag-iling ay nagulat ako.

Ibig bang sabihin no'n ay hindi? O nahihiya siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now