Chapter 29

5 0 0
                                    

Not alone

Parang bago na naman ang lahat. Ang lugar na nakikita ko, ang mga taong nakakasalubong ko, at ang mga leksyon na dapat na aaralin ko. Bago.

Bago man ang lahat pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong excitement, tanging kaba lang ang nararamdaman ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang papasok ako sa room na naka-assign para sa akin.

All of my friends decided to study here and to our bad luck, ni isa sa amin ay hindi naging magkaklase.

The campus was super wide. Meron pa ngang tri-bike na lumilibot sa campus para sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay fifteen pesos ang isang sakay depende pa sa layo ng pupuntahan mo.

Tahimik akong naupo lang sa gilid kung saan ko nagustuhan. Malapit ako sa bintana. Hindi ko man hilig magsight seeing tuwing klase ay dito ko napiling pumwesto.

Paparami na ang mga tao sa classroom. Wala pa akong masyadong kakilalang nakikita. Kung meron mang pamilyar ay nasa dalawa lang o tatlo. Hindi pa yata hihigit sa mga daliri ko.

We had a fifteen minutes break after the second period. Agad kong inilabas ang cellphone. Sana ay break din nila Ishi. Hindi na namin nagawang magkita kanina dahil sobrang aga ng first period ko, alas syete y media.

Business management ang kinuha kong kurso, ganoon din si Anni. Si Sej at Ishi ay nasa HRM. Magkakahanay lang ang kurso namin kaya parang magkakamag-anak lang din ang hirap kung saka-sakali.

Anni: nasa caf ako. Break namin.

Sej: malapit kami ni Ishi diyan. Hintayin mo kami.

Mukhang malapit lang naman ang cafeteria sa kinaroroonan ko kaya nagsimula na ako agad na maglakad papunta roon. Anong klase ba naman kasing break ang ibinigay sa amin, fifteen minutes. Ni hindi nga yata sapat iyon para makabili ng tubig.

“Hindi ako makapaniwala na inabot ako ng college. Akala ko nga hindi na rin ako aabutin ng eighteen. Pero eto pa rin ako,” nagkibit balikat si Sej at saka kumagat sa sandwich niya.

Maraming tao, sobra. Ilang department kasi ang gumagamit ng cafeteria. Ang isa pang cafeteria ay malapit sa engineering. Malayong malayo iyon dito.

“Nakakapagod, ‘no?”

“Oo, jusmeyo marimar! Madami nga tayong reklamo pero nagagawa naman nating makasabay.”

Kung may makakarinig siguro sa usapan namin, iisipin nilang pare-parehas kaming patiwakal at walang patutunguan ang buhay sa sobrang dami ng reklamo na lumalabas sa mga bibig namin.

“I was so shocked when our professor asked us to pass an index card. Feeling ko hihimatayin ako kanina dahil wala akong dala.”

Natatawa ako dahil lahat naman kami ay kasama sa honors nung senior high school pero kung ang pinag-uusapan namin ang pagbabasehan ng mga nakaririnig, para talagang naliligaw kami ng landas.

“Samahan niyo nga ako mamaya. Bibili ako ng index card,” saad ni Anni. Isa-isa niya kaming tinignang tatlo. Agad akong nag-iwas dahil hindi ako makakasama.

“Pass. Aalis ako.”

“Saan ka?” taas kilay nitong tanong.

“Aalis kayo nila Tita?”

I shook my head. Noon palagi akong sumasama kahit na saan nila ako kaladkarin basta hindi lang gagabihin at ang tanging nakakapagpaliban lang sa akin sa mga lakad namin ay ang lakad naming pamilya pero iba kasi ngayon.

Shone and I had an agreement. He will pick me up after class and we’ll eat isaw just like what we promised before.

“Ayan. Pinagpapalit mo na kami,” nagdadramang saad ni Ishi.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now