Chapter 16

21 1 1
                                    

Rink

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Rink

“The who ang hindi nagpakita dahil nakisabay ng lunch sa iba?”

“The who ang nag-enjoy?”

Magkasunod na tanong ni Ian at Ishi nang magkita kami kinabuksan. Tinawanan ko lang ang mga ito dahil wala rin naman akong magandang isasagot sa sarkastiko nilang tanong. Nag-enjoy naman kasi talaga ako.

“Pero ano ulam mo kahapon? Masarap siguro ulam mo kaya tinakasan mo kami?” anas ni Ian.

I grinned at her only for her to show her ‘I felt betrayed’ look.

“We had bacon, spam, eggs, and sandwiches,” proud kong saad. Ian raised her brows along with the side of her lips. She looks disgusted with the food that I enumerate.

“Yun lang? Nothing special naman pala! Akala ko pinagluto ka ni Titang paborito kong bicol express!”

Inirapan ko ito. It is special!

“Yabang mo! Anong nothing special? E ako nagluto non!” I reasoned. Sabi nga ni Shone, masarap at nabusog siya.

“Oh, ganon?” sarkastiko nitong saad habang nasa dibdib ang kanyang kamay, animo gulat na gulat pero nanggagago lang naman. “Kayang kaya ko rin ‘yung lutuin kaya nothing special.”

I rolled my eyes at her. Binubully niya akong ganito without knowing na anak ako ni Mama! At binubully niya ako without knowing na nasa akin ang alas.

Ngayon ko pa naman baon ang paborito niyang bicol express. Hindi ko nga ‘to sabayan ulit mamaya sa pagkain para matikman niya ang ganti ng minamaliit niyang fried cook.

“Shone, masarap na ulam ko ngayon. Sabay tayo?” tanong ko sa aking katabi na parang wala sa wisyo pero nang marinig ako ay parang biglang bumalik sa reyalidad.

“Matino ang isip ko pero ako’y sabog na?” Bigkas ko sa kantang nauso sa TikTok noong nakaraan. Mukha siyang nasa outer space kanina, nakatulala, at tila lumilipad ang utak.

“Sira. Ano na nga ang sinasabi mo kanina?”

Hindi niya talaga narinig?

“Sabi ko, masarap na ang dala kong ulam. Gusto mo bang sabay tayo?” I muttered again, shooting my shot.

“Sure! Tara.”

Nabuhayan ang kaniyang itsura at ang kaninang mukhang walang plano sa buhay ay masigla na.

Kung saan kami kumain kahapon ay doon lang din kami pumwesto.

"Pagka-init!" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa bench. May payong naman ako sa bag pero 'di ko inexpect na ganito kaya hindi ko na dinala.

Inabot sa akin ni Shone ang kaniyang lunch bag. Naguguluhan ko iyong kinuha. Anong trip nito?

"Better?" He asked. Ang dalawang kamay ay nasa aking noo, nakaharang sa sinag ng araw. Nararamdaman ko ang kaniyang braso sa likod ng aking ulo.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now