Chapter 25

2 0 0
                                    

Selfish

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Selfish

Hindi ako makapaniwala na 'yung iniiyak namin ni Ishi nung nakaraan ay mangyayari na ilang Linggo simula ngayon. We are practicing for the graduation now. Hindi ko pinalampas ang kahit na anong araw na may practice dahil ayaw kong magkaroon ng mistake sa oras ng graduation.

"Namili na nga ako ng dress nung nakaraang Linggo pa," proud na saad ni Ishi.

Nginusuan ko lang ito dahil wala pa akong nabibili. Plano kong um-order na lang online dahil hindi ako maalam sa pagbili ng ganoon sa market. Ayaw ko namang bumili sa mall dahil pang-isahang suot lang naman. Hindi naman ako palaging nagd-dress. Magpapasama na lang ako kay Mama sa weekend.

"May pa party ba sa inyo? Invite niyo ako."

"As if naman. Malamang invited ka, Ian. Hindi ka ba kaibigan?" sarkastiko kong balik dito.

Kinalabit ako ni Shone. Medyo umusod ako palapit sa kaniya dahil parang may gusto itong sabihin.

"Sama kayo sa amin," saad nito, kaming dalawa lang ang nagkakarinigan.

"Saan?" kyuryoso kong bulong pabalik. Hindi ako nakalibot nung nakaraan dahil sabi ay masama raw na libot nang libot ang mga g-graduate dahil they are prone to experience an accident during that time.

"Beach house nila Seo."

Nagningning ang mga mata ko sa narinig. "May mga kasamang adults?"

Umiling siya. "Wala. Tayo tayo lang."

Tuluyan ng nagpuso ang mga mata ko dahil doon. Kailangan ko pa yatang gumawa ng powerpoint presentation after ng graduation para mapapayag ko si Mama. Lalatagan ko siya ng facts o kaya gamitan ko na lang ng red herring para payagan ako.

I will definitely make sure that they'll grant me permission.

Puting conservative na dress ang napili ko nang samahan ako ni Mama. She brought me into a botique. Four digits kada dress kaya nag-uusok yung mata ko pero hindi ako pinalabas ni Mama hanggang hindi ako nakakapili. Sana nag-order na lang ako sa online!

"Hindi ko ba alam kung saan ka nagmanang bata ka. Panay pagtitipid ang nasa utak mo. Bakit hindi ka maging gastadora kahit minsan? Para naman sa graduation mo ito! Ilang beses ka lang tatapak sa entablado para sa mahabang taon na pinag-aralan mo. Bakit hindi mo pa pagbigyan ang sarili mo?" Tuloy tuloy na ratrat sa akin ni Mama nang makapasok kami sa sasakyan. Tahimik lang si Papa na nakikiramdam at sinusulyapan ako sa likod habang nagdadrive.

Mama's last question struck me. Bakit nga ba hindi ko mapagbigyan ang sarili ko?

"Tama na 'yan. Kumain na lang muna tayo."

"Iyang anak mo kasi na 'yan. Akala niya siguro hindi ko napapansin. Kayang kaya ko nga siyang bilhan ng LV o kahit YSL pa yan, ayaw pang mamili sa boutique kanina!"

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon