Chapter 26

5 0 0
                                    

Assume

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Assume

Mama was already up when I made my way towards our sala. Hinahakot ko na ang mga gamit ko dahil base sa groupchat ay nagsusunduan na sila. Hihintayin ko na lang si Shone na kunin ako rito sa amin.

“Kumain ka muna, ah,” Mama said. Nag-aayos na siya ng mga pagkain sa mesa pero parang masikip ang tyan ko para kumain ng kanin ngayon. Madaling araw pa lang naman kasi kaya wala pa akong gana kumain. Mabuti at mayroon namang tinapay at kape sa mesa.

“Ma, kaya ko na po rito. Bumalik na po kayo roon sa kwarto niyo at matulog.” Hindi ko rin kasi alam kung anong oras na silang pumasok sa bahay dahil nga sa celebration kahapon.

“Hintayin na namin ‘yung susundo sa’yo.”

I nodded in response. Si Papa naka-upo lang sa sofa habang nagkakape. Paano na silang makakatulog niyan ulit?

Pasulyap sulyap ako kay Mama at Papa habang hawak ko ang mainit na kape. They are both silent. May mga hangover pa siguro dahil sa kasiyahan kagabi.

This will be my first time going out without them. Pag kasi may mga outing ay magkakasama kaming tatlo o ‘di kaya ay ang mga pinsan kaya hindi ko rin alam kung isa ba iyon sa rason kung bakit tahimik sila ngayon.

Chineck ko muna ang gamit ko nang matapos ako mag coffee. Para kasing may kulang sa mga gamit ko kahit na ilang beses ko ng tinitignan ang mga ito.

After a few minutes, my phone rang for Shone’s call. Nakarinig na rin ako ng ugong ng sasakyan sa labas kaya isinara ko na ulit ang bag ko.

“Ako na, ‘nak,” sabi ni Papa.

Sinamahan nila ako ni Mama sa labas. Namataan ko na si Shone na nakatayo sa labas ng SUV. Dalawang magkasunod na SUV ang nakaparada sa labas ng bahay namin. That made me realize na ang dami dami namin.

Sinalubong kami ni Shone at kinuha niya ang bag ko kay Papa.

“Good morning po.” Nagmano pa muna siya kay Papa at Mama bago niya dalhin sa likod ang bag ko.

Inabutan ako ni Papa ng pera nang tumalikod si Mama saglit. Madilim pa sa labas pero natanaw ko ang kulay non, blue… at makapal. Agad ko iyong binulsa bago pa kami mahuli ni Papa.

Papa smirked as I wink at him. Isa na namang transaction ang hindi nakita ni Mama.

“Mag-iingat kayo,” sabi ni Mama nang pumasok na ako sa loob ng SUV.

Tulog na ang ibang kasama namin sa likod. Kaming dalawa lang ni Shone at saka ‘yung driver ang dilat. Nakapagitna si Shone sa amin ng isang babaeng hindi pamilyar ang mukha. Sa shotgun seat ay nandoon si Esean. Sa likod naman namin ay si Ian, Ishi at Wonielle.

Nasa tabi ako ng bintana pero mas pinili kong magpokus sa pagtulog kaysa panoorin ang labas. Shone is watching me when I set my eyes on him.

“Are you comfortable?” he asked.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now