Chapter 17

12 1 1
                                    

Let go

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Let go

I must say that skating is not something to learn over the day. It is not something to look into and say that it was easy because it was hella challenging.

Ilang beses akong nakikipaghello sa malamig na yelo habang nagsasanay ako kung paano kontrolin ang paggalaw. Ngunit gayon pa man ay nag-eenjoy naman ako dahil nararamdaman ko na malapit ko ng matalo si Shone.

“Can you crush the ice? Like…” idinemo ko sa kaniya ang aking napanood noong nakaraan sa YouTube gamit ang kamay dahil hindi ko naman iyon kayang gawin gamit ang aking paa. Sa video kasi ay mabilis na nag ice skate ang lalaki at pagdating sa gilid ay pa-slant itong pumreno, making the ice crush. Manipis lang naman ang natanggal sa ice pero it is amazing enough to make my mouth hanged.

“Of course, I can do that. Watch, Aer.”

Mabilis siyang nag skate papalayo sa akin, nakasunod naman ang aking mga tingin sa kaniya at kung pwede nga lang na hindi kumurap ay ginawa ko na para makita ko ang lahat ng kaniyang galaw. I wouldn’t dare to miss any second.

My lips automatically fomed an o when he killed the move. Mas magaling pa yata siya sa napanood ko. He even turned around, arms wide open while smiling widely, as if he was feeling the air.

To tell no lie, he looks surreal. He looks like someone straight from a noble family. A prince who knows what to do with his life.

“Galing!” I clapped my hands and gave him tons of thumbs up.

“Of course, I am magaling. I am qualified enough to skate overseas with the name of the Philippines in my being.”

“What?...” I tilted my head on the side. What he said won’t just sink in.

“I competed before. I was a figure skater.”

“Ha?” tanong kong muli. Hindi ko lang talaga maipasok sa kokote ko na ang taong nasa harap ko ngayon ay isang figure skater na nagcompete sa ibang bansa at dala pa ang ngalan ng mahal na Pilipinas. How is that possible? Akala ko joki joki lang kami dito pero big deal pala itong kasama ko.

“Why are you so shocked?” tanong niya habang nakangisi. Siguro tawang tawa na siya sa itsura ko dahil I look like a confused mess.

“Bakit hindi ko alam?” hindi pa rin makapaniwala na tanong ko. Ilang buwan kaming magkasama noon at nitong nakakaraan lang, bakit hindi ko nalaman?

“Because I didn’t tell you?” patanong niyang sagot.

“I mean, you are famous enough…” and also handsome, “for me to know you.” for us to not know you. Nalalaman naming magkakaibigan ang kahit na sinong tao na sumisikat gawa ng social media.

“It was before. Already in the past.” nagkibit balikat siya na parang wala lang.

It was so shocking for me to know this. I cannot believe this.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now