Chapter 23

4 0 0
                                    

Bake

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bake

"Bebs, naiiyak ako. Malapit na tayong grumaduate," Ishi said as she faked her cries.

"Bebs!" I also said and made a fake crying noise.

Sa wakas! Matatapos na ang isang paghihirap.

Nagpatuloy kami ni Ishi sa pekeng pag-iyak habang magkahawak pa ang aming mga kamay. Si Ian ay nakataas lang ang nguso at kilay habang tinitignan kami.

"What is happening? Bakit kayo umiiyak?"

I turned my eyes on him and slightly hit him. Bahagya siyang napa-atras kahit na hindi naman ganoon kalakas ang palo ko.

"Gra-graduate na tayo."

"Isn't that a good thing?" He chuckled. Nagtatago ng kaunti ang kaniyang mga mata habang nagpapakita ang kaniyang mumunting pangil.

"It is. OA lang yang dalawa na yan," singit ni Ian at inirapan kami.

"Ian…" iyak ko kunwari at nilipat ang kamay sa braso niyo. She looked away and cleared her throat. "Mamimiss kita." Iyak ko ulit.

Shone tapped my back lightly as if consoling my heart. Pag nakatalikod parang totoo niya akong inaalo pero sa front view, kitang kita na tinatawanan niya ako.

"Go away, Aera!" Ani Ian, ginagaya ang tono ng boses ni Elsa sa Frozen.

"Kakapuyat niyo yan." Si Ishi na parang hindi nakidrama sa akin kanina.

I looked down at her and rolled my eyes. Sama sama nga kami rito kanina. Napangiwi ako nang isensyas niya ang kasama ng lalaking nasa likod ko. Kaya naman pala.

"Won, wala kayong ganap sa club niyo?" I asked, stopping my little drama.

"Wala, Ate Aera. Chill muna kami ngayon." He smiled as he shook his hand.

Porma ng magkakaibigan na 'to. Pag ngumingiti, mga nagtatago ang mata.

"Ay naks naman!"

Tinignan ko ang umismid na si Ishi na ilang beses ng sinasabi nung nakaraan na nakamove on na siya sa 'happy crush' niyang pusa.

Sinend ko nga sa kaniya nung nakaraan yung napanood ko sa TikTok na 'You can't uncrush your happy crush'. Nagwala si gaga.

"Aalis kayo ni Shone?"

Tumango kaming dalawa ni Shone. Magbebake kami sa kanila. Ayaw ko nga sa amin, baka iissue ako ni Mama.

Hindi sanay sila Mama na nakikita ako na may kasamang kaibigang lalaki kaya pag dinadala ko si Shone sa bahay ay parang nahihiwagaan siya sa akin.

Shone said he wants to learn how to bake but I can’t just bring him in our house. Kahit na mas sanay ako sa mga gamit sa bahay at kumpleto rin. Sa susunod na lang siguro.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now