Chapter 39

1 0 0
                                    

Liked

Hindi ko alam kung sinusubok ba ako o ano. Hindi ko na tinanong si Shone tungkol don sa nakita ni Ishi pero nung ako na ulit ang nakakita, parang sasabog na ako.

Hindi na lang simpling iritasyon ang nararamdaman ko ngayon. Alam kong higit pa ron at sa oras na may humawak sa akin ay baka sumabog na ako.

When I came, I saw Aireen placing her hands on Shone's arm. Inaalis iyon ni Shone pero hindi siya gumagamit ng pwersa. Sa paulit ulit na pag-alis ni Shone sa kamay ng babae ay paulit-ulit din nitong binabalik sa braso niya.

Hilaw na ang ngisi ni Shone at kunot na ang noo pero nagpatuloy pa rin ito at ang mga kaibigan sa pang-aasar.

"I am sorry but please, remove your hand away," he said politely, and yet no one listened.

Sila na yata ang pinakamaingay na grupo na nagdadaan. Malapit na sila sa akin pero dahil busy si Shone sa pagtanggal sa babae ay hindi niya ako napapansin.

Siguro selos na ang nararamdaman ko o higit pa ron kung meron pa mang pakiramdam na ganon. She was able to walk with Shone no matter the time is. Malapit siya kay Shone, hindi katulad ko na kailangan pang sumakay para magkita. Abot kamay si Shone sa kaniya.

They probably eat together like what we do last time. They probably walked through that pathway every day. They are probably sitting next to each other during class time.

She can talk to Shone the moment she wants and yet I need to wait for his replies. He's a fast texter though.

She can eat with Shone during lunchtime when I can't even do that anymore since we are both away.

Naiinggit ako...

At nagseselos.

Parang karamihan din sa mga kaibigan nila ay boto sa kanilang dalawa. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na gusto ni Aireen si Shone. Kaya nga naiirita ako. Pero ang tanong, tama ba 'tong nararamdaman ko?

Is this appropriate?

"Oh! Shone, ayun na pala yung friend mo!" pahiyaw na saad ng isa sa kanila.

Friend. Parang nanliit ako ron ah. Parang pinamukha sa akin na wala akong karapatan na maramdaman ang lahat ng ito.

Naiinis ako sa sarili ko. Sa tagal kong tinago 'to, bakit parang nakalimutan ko na magkaibigan lang kami?

I always felt so special when I am with him. At ang salitang friend ang nagpagising sa akin.

I gave them an uncooked smile so it would not be rude.

I should pull myself together. I need to wake up from that special world that I am living.

Masakit pala.

"Aera!" once again, he removed her hands on his arms. Medyo ginamitan na niya ng pwersa iyon dahil parang ayaw pang bumitaw.

I realized that if I really want to keep this relationship going, I should also make an effort. Hindi pwedeng si Shone lang ang palaging pupunta sa akin kaya naging madalas ang pagpunta ko rito pero kada punta ko ay nag-iinit ang dugo ko.

"Tara," excited niyang sabi sa akin at marahang kinuha ang braso ko.

Sa tingin ko ay hindi na siya nakapagpaalam sa mga kaibigan dahil hinila na niya ako paalis.

The only thing that I could do is to follow him. Hindi ako nagpaalam sa mga kaibigan niya. Kung siya nga hindi, ako pa kayang may sama ng loob?

"I am sorry if you witness that kind of thing. It's just that Aireen is really annoying."

Entangled Series: PromisedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant