Chapter 09

19 2 1
                                    

Invite

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Invite

I sighed as my back touched the soft mattress of my bed. I am not tired of doing my schoolwork but thinking surely occupies ninety-five percent of my brain and it is making me exhausted now.

"Ma, what if lumabas tayo bukas? What if lang naman," I uttered, trying my luck to divert myself from the questions and the possibilities concerning Shone.

I uninstall my social media accounts kasi natatakot ako na baka nga ichat ako ni Shone para sabihin kung ano man ang rason niya. Honestly, natatakot lang ako na malaman kung may mali nga ba sa personality ko.

"What if bangasan ko 'yang nguso mo?"

Natatakot na umatras ako papalayo kay Mama.

"Joke lang, ito naman, kung makaatras. Sya sige, ayain mo 'yung papa mo."

"Ayun naman pala, hindi naman pala ako matitiis."

Kahit naman kasi sabihin ko na gusto kong pumuntang ibang bansa ngayon baka pagbigyan din ako ora mismo basta may pera. They want the best for me and appreciate that. I love how much they want to give what I want pero kahit na ganoon ay alam ko naman ang limitasyon ko.

I bought my dream shoes with my own money and I am proud because I didn't ask them for that.

"Matagal tagal na rin naman simula nung huli tayong lumabas. Saan niyo ba gusto?" tanong ni papa at saka ako inakbayan. Yumakap naman ako sa kaniyang baywang habang parehas kaming naghihintay ng sasabihin ni Mama.

"Kung saan gusto ng anak mo."

"Yown! How about we watch a cinema?" excited kong tanong. Kung makikita ko siguro ang sarili ko ay mahahalata ko ang pagningning ng aking mga mata.

Palagi man kaming magkakasama sa bahay pero iba pa rin 'yung lumalabas kami at nagbabonding.

"Pag tapos mong maghugas ng pinggan, umakyat ka na sa kwarto mo para makatulog ka na."

"Noted, captain," sinaluduhan ko si Mama kahit na may bula pa sa kamay ko.

Tinawanan lang ako ni Mama bago umalis sa kusina.

Habang naghuhugas ay sinasabayan ko ng kanta at kembot ang bawat pagpunas ko ng sponge sa mga plato. Mas maganda kasing may tunog pag naggagawa ako, mas nakakagana. Parang nabubuhay ang lahat ng dugo ko sa katawan at nagkaka-isa para sipagin ako sa paglilinis ng plato.

Sinilip ko ang phone kong tumutugtog. Ang peaceful ng phone ko pag walang social media pero at the same time boring dahil wala akong magawa kaya nag-install na lang ako ng block puzzle pampatulog.

Maganda ang naging gising ko kinabukasan. Wala pa man din ay naligo na ako at nagbihis. To put it in Mama's words, excited pa ako sa excited.

I played some music as I picked an appropriate attire for our bonding. Sa huli isang mom's jean ang napili ko at oversized na damit. I partnered it with my nike air uptempo. Cool.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon