Chapter 38

4 0 0
                                    



Amin

Naging busy nga si Shone nung mga sumunod na Linggo kagaya ng sabi niya kaya ayos lang sa akin na hindi kami magkita dahil ganoon din naman ako.

He always update me about the ganaps. Almost every after class silang may groupworks pero pag vini-view ko naman ang stories nung isang groupmates ni Shone na ka-friend ko sa facebook dahil kaklase ko dati ay parang naghahang-out lang silang lahat dahil wala man lang bakas ng papel o kahit na laptop sa mesa nila.

Palaging nasa coffee shop. Halos dalawang beses lang yata sa apat na beses niyang stories and may laptop at papel. Pamilyar pa ang background. Palaging nasa Beans 'n Nature.

Ako na nga ang nagpasalamat nung sinabi ni Shone na wala silang groupworks kagabi kaya hindi ko sinayang ang pagkakataon na magpunta sa OFU.

Nag-enjoy yata ako sa pagbalik balik sa OFU kaya nung nagsuspend ng pasok dahil may meeting ang mga professor ko ng hapon ay hindi ako nag-atubiling pumunta.

Hindi ako nakapasok sa OFU dahil bawal ang outsiders. Naka-uniform pa ako ng SUNIV habang naghihintay sa isang gilid. Dito kami nagkita ni Shone nung nakaraan kaya alam ko na rito siya dumadaan.

Napa-ayos ako ng tayo nang mamataan ko na ang groupmates ni Shone. Hindi ko agad nakita ang lalaki dahil nasa gawing dulo pa ito, katabi na naman ang babaeng natuwad kuno nung nakaraan.

Naiirita na naman ako. Ano ba 'to deja vu?

Naknangtokwa, natapilok na naman e tapos natuwad na naman kay Shone kaya sinalo na naman siya ni Shone! Nakakabwisit na ah!

Pa-irap kong tinanggal ang tingin sa kanila at naglakad papuntang Beans 'n Nature. Sa sobrang inis ay mabilis ko lang iyong nalakad kahit na may kalayuan.

Sobrang bulok talaga nung tactics nung babaeng yun para magpapansin. Nung nakaraan natapilok siya tapos dapat ngayong taon din may entry siya?

Nginitian ako ng mga pamilyar na staff dun sa Beans 'n Nature nang pumasok ako. I was never really talkative and friendly towards them, nahihiya kasi ako, but I know them by their face. May bagong mukha nga lang. Sa tagal ko ring hindi napunta rito ay marami na ring nagbago.

"Hanap mo si Shone?" tanong ni Kuya Adrian na palaging kasama ni Shone noon sa paggawa ng drinks.

"Hindi po." I smield sweetly at him. It was so sweet that it could even rot an apple right away. "Hanap ko po ay Caramel Macchiato."

"Okay, I'll take that as your order. Anything else?"

"Yun lang, Kuya."

Hindi ko ba alam kung pampalubag ko yung kape o pangpapalpitate para mas ramdam ko yung iritasyon sa puso ko.

Umupo ako sa single seated na table sa gilid. Nasa pinakagilid yun kaya hindi kita ng mga tao masyado pero kita ko kung sino ang mga papasok at mapapapalpitate na lang talaga ang puso ko ng todo todo nang makita ko mula rito na magkasabay na naman si Shone at yung babaeng palaging nahuhulog sa braso nito.

What a sore in the eyes.

Second year na pero wala man lang bagong move, naiirita ako.

Hindi ko na sila sinundan ng tingin hanggang sa makapasok sila sa loob. Akala ko ba ay walang groupwork itong si Kuminang? Bakit nandito na naman sila?

Hindi ba sana sila ma-overdose sa kape?

Nasa kabilang dulo naman sila nung sulyapan ko kaya hindi na ako mahihirapan sa pagtago ng irita ko. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mukhang katawa ng puno na dingding sa harap ko kaysa panoorin ang mga galaw nilang pangit.

Entangled Series: PromisedWhere stories live. Discover now