Chapter 46

2.5K 53 4
                                    

Masuyong pinagmasdan ni Gregory ang mukha ng kaniyang asawa.Buto't balat ito at napaka dry na ng balat dala ng pagkakahimlay sa hospital bed sa loob ng anim na taon pero bakas parin ang kagandahan nito.Napangiti siya at hinaplos ang mahaba nitong buhok.Muli niya itong pinagmasdan ,mula sa maganda nitong pilik mata,ilong at  mapulang labi sa kabila ng kalagayan.Parang natutulog lang ito.Walang kahit anong sensyales ng buhay pero gano'n parin ang epekto sa tuwing titingin siya sa mukha nito.Nakakaramdam siya ng kapayapaan at kakuntentuhan.Nagiging magaan ang loob niya sa kabila ng mga problema at alam niyang ligtas siya at puwede siyang magpahinga.No one could ever make him feel like that but Aurora.

His wife.

Yumuko siya para halikan ang noo nito.

"I love you"

Hindi magsasawang pagmasdan ni Gregory ang asawa.Kahit noong mga panahon na gulong gulo ang isip niya sa kung ano ba ang halusinasyon at reyalidad ay lagi niyang binabalik balikan ang asawa at pilit niyang hindi kinalimutan na nailigtas niya ito at meron pa itong pulso nong matagpuan niya ang pamilya.Kahit anong sabihin ng doctor na imposibleng hindi na ito gumising dahil sa inactivity ng utak nito  ay pinilit niyang ipagamot ito sa hospital at nagawa niyang mag antay ng anim na taon sa paggising ng babae.

Hanggang sa mahanap at makilala niya si Rhian.Ang kakambal ng asawa niya na ipinahanap sa kaniya ni Aurora bago ito mawalan ng malay.He was so excited to see his wife so energetic and alive. To kiss , hug and feel her again. To make love to her to no ends.Nagsimulang mabuhay ulit ang sexuality niya ng makasama niya ito at isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa kaniya sa nakalipas na taon.

But reality hit and waves of realization wake him again.That his wife is in the hospital waiting for him. His wife is suffering alone,His wife needs him and no matter how he loves to be around Rhian.... she's not her wife.

She's someone he wants Aurora to be again. Young , carefree.... and happy.

Kapag nakikita niyang masaya ang babae dahil sa kaniya,nagkakaroon siya ng sense of living.Nang dahilan para magpatuloy at maging masaya.Na makitang magaling at nagagawa na ulit ni Aurora ang dating hindi nito nagagawa.Bottom line,hindi siya si Aurora.

Hindi iyon ang plano niya at patuloy siyang hinihila ng kapalaran sa mga dapat niyang gawin para hindi na mahirapan pa ang bawat isa sa kanila.He needs to end it with his wife and let Rhian have her happy ending. Masiyado ng nadamay ang babae sa lahat ng ito.

Tapos niya na ang kailangang gawin.Nakita niya si Rhian at masaya siya na nagkaroon ito ng maayos na buhay, malayo sa lahat ng pinagdaanan ng kaniyang asawa. Lumaki itong mahirap pero malayo sa karahasan. She has her own little world with her known family. Aurora will be very happy to learn that. Siguradong, matatahimik at magiging kontento na rin ito.Madrid will fall down.Magkakaroon na ng tuldok ang lahat.

Muli niyang hinalikan ang asawa sa pisngi at nagtagal ito doon ng ilang minuto. Pumikit siya at ilang luha ang pumatak sa mata niya.

"We've come along way babe and I know that we are both tired. Soon ,finally... we can rest"

Pinahid niya ang mga luhang nalaglag sa pisngi ng asawa niya.

"I forced myself to live without you... it was hellish.A damn fucking hell I wouldn't want to experience again. I lost my mind and I almost forget you. That you are waiting for me. "

Yumakap siya dito at ipinatong ang ulo niya sa dibdib ng asawa.

" Im so fucking tired babe. So tired. Now that I lost everything , experience d every pain, accept every punishment...I hope god will forgive me and let me be with you and our children in heaven".

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon