Chapter 42

2.9K 47 0
                                    

Dapit hapon na at pagod na ang dalawa pero hindi parin nila malaman kung saan hahanapin yong address. Ginalugad nila ang buong distrito pero walang makapagsabi kung saan nakatayo ang espisikong bahay na iyon.

"Hindi na makapasok yong kotse"

Unti- unti ng nilalamon ng madilim na ulap ang liwanag ng araw. Ang kaninang kulay orange na kalangitan ay unti unti ng naging gray.

Muling binasa ni Rhian yong address na isinulat niya sa kaniyang palad.

" Dacanay Rd, Rolling Hills 2,Brgy San Antonio , Madrid Residence"

Uminom muna siya ng tubig at tsaka muling nagsalita.

"Eh wala namang lugar na ganoon Chase. Kanina pa tayo paikot -ikot. Huwag naman sana tayong ginogoyo ni Ma'am. Ang dami na nating tinanong eh ni hindi nila alam kung nasaan ang Dacanay Road o kung nag exist ba iyon. Wala ding ganong kalsada sa mapa na nakuha natin sa munisipyo"

Nilibot nito ang tingin sa paligid. Nasa panibagong dead end na naman sila.Dito sila huling dinala ng lead at sa pagtatanong tanong sa mga tao. Pero katulad ng mga nauna,mukhang wala rin silang mapapala. Nasa harap sila ngayon ng napaka sukal na gubat  na natatakpan ng matataas na damo at walang hanggang mga puno. 

Pagod ding napa buntong hininga si Chase, Gaya ng inaasahan niya, hindi magiging simple iyon. Gusto niyang tawagan ang agent niya para ito na ang maghanap ng address pero ayaw umuwi ni Rhian. Kanina pa ito
anxious at hindi na mapakali.Ni hindi narin ito makakain .

"We need to go home for now, Rhian."

Napakagat ito ng labi at tumitig sa kaniya na tila ba nagmamakaawa . Ayan na naman sa pagpapa cute at dapat hindi siya madala.

"What if she's alive Chase? Paano kung hinihintay niya lang pala akong mahanap siya."

Ilang luha na naman ang tumulo mula sa mga mata nito.

"She leave some clues Chase. Ibig sabihin alam niyang hahanapin ko siya. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Dapat... dapat matagal ko ng nalaman. Dapat hindi ko nakalimutang may kapatid ako.. Kailangan ko siyang mahanap Chase"

Tuluyang humagulhol ang dalaga. Nakakaintinding niyakap ito ni Chase. Sumubsob naman ito sa dibdib niya.

Is it really a clue Aurora? Or you're trying to save Rhian before?No one get the message and knew the signs.Nakilala kita ng makuha ka ni Gregory sa casa.

Humiwalay na ang babae kay Chase bago niya pa matuluan ng sipon ang suot nito. Nagpahid siya ng luha at kinolekta ang sarili Tuluyan  ng nilamon ng dilim ang liwanag. The sorrounding is peach black.Kinuha niya ang cellphone at sinindi ang button para sa flashlight.

"Teka... saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko si Aurora. Dito ka lang , susubukan kong pumasok sa kakahuyan"

"What?!"

Naunat lahat ng buhok sa ulo ni Chase sa kabaliwan ng babae. Sinubukan niya itong pigilan pero nakababa na ito ng kotse kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito.

"Fuck Rhian don't be ridiculous!Umuwi na muna tayo. Mamaya may ahas pa diyan o engkanto at hindi na tayo makalabas sa kakahuyan! "

Habol na sigaw ni Chase habang hinahawi ang mga dahon at kahoy na makapal na nakaharang sa daan nila.

"Naturingang kang mafia at kung ano ano ang duwag duwag mo!Bumalik ka na doon sa kotse at hintayin mo nalang ako doon! "

Sagot ni Rhian na mas binilisan ang paglalakad kahit nagsimula na siyang masugat at matinik sa mga sanga ng kahoy . Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Where stories live. Discover now