Chapter 51

2.3K 55 7
                                    


"Bakit wala akong tatay?"

"Sino naman may sabi sa iyong wala kang tatay?"

"Mga kalaro ko sa kalye"

Napa angat ng kilay si Rhian at napasilip sa labas ng bintana.Dapit hapon na pero naglipana parin doon ang mga makukulit at marurungis na bata na maghapong naglalaro.Mabuti nalang at masunurin itong si Asul at tumatapak na sa bahay bago pumatak ang alas singko.

"Naniwala ka naman eh mga bobo mga yon.Makukulit ,marurungis at maglaro lang maghapon ang alam"

Natigilan ang bata at bahagyang sumeryoso.Tumutok ang asul na asul nitong mga mata sa gawi niya na tila ba pinag iisipan ang nga sinabi niya.Batid ni Asul na hindi ganon ka totoo ang sinasabi ng ina.Asul ang palayaw nito dahil sa kulay ng kaniyang mata.Tatlong taong gulang palang ito pero matatas ng magsalita.Tatlong taong gulang palang ito pero nakaka intimidate na.

Hindi pinahalata ni Rhian na bahagya siyang nataranta sa mga tingin ni Asul at itinuloy ang paghuhugas ng pinggan.Mula ng matutong magsalita ang anak ay hindi niya na gusto ang mga lumalabas sa bibig nito.

"Ubusin mo na yang merienda mo at tsaka ka maligo."

Kumagat ito sa skyflakes na hawak at muling bumalik ang asul na mata sa kaniya.Napakaraming alaala ni Rhian sa matang iyon.Napaka gandang nilalang ng anak niya pero hindi niya maiwasang matakot.He's too intelligent for his own good.

"Kung ganon ay nasaan siya?Nasa'n ang tatay ko?"

Nanigas si Rhian at napakamot sa batok ng makabawi.Bakit ba hindi nagmana sa kaniya ang anak?Wala naman siyang pakialam noon sa tatay at sa paligid niya ah.

Muli niyang iniwasan ang mapang arok na mata ng bata at kunwa'y nagpunas lamesa.

"Di'ba sabi ko patay na.Dati siyang Kapitan ng barko pero kinain ng pating nong minsang lumubog ang barko dahil sa bagyo.Mula noon hindi ko na siya nakita.Ni hindi niya naabutan ang paglabas mo ."

Bahagya niyang pinalungkot ang boses at sinilip ang bata pero walang epekto.Seryoso lang itong nakatitig sa kaniya.

"Bakit wala kang maipakitang pictures?Bakit hindi mo maikuwento kung paano kayo nagkakilala?"

Napairap si Rhian sa ere.Here we go again Drey.Hindi niya alam kung saan nito nadadampot ang nga tanong dahil maghapon lang naman itong pawisin sa labas.

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Masama bang nagtanong?"

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa anak.Sa mata niya ay napaka cute nito.Guwapong bata na may asul na mata,mapulang labi at matambok na pisngi.

Pero paanong....

Bigla siya nitong nginitian kaya natunaw naman agad ang puso niya.Mas nagiging asul kasi ang kulay ng mata nito.Naging bata na ulit ito sa paningin niya.Apaka rupok Rhian.

"It's okay you don't need to tell."

" At marunong ka ng mag ingles ngayon?"

Aniya na muli itong pinanlakihan ng mata.

"I can find him myself"

Sagot ng bata at tsaka ito nanakbo papasok ng cr para maligo.

----
"Nagsisimula ng maghanap ang bata,anong isasagot mo?"

Napabuntong hininga si Rhian sa tanong ng ina.Kasalukuyan silang nasa kusina ngayon  at naghahanda ng hapunan.

"Ano ,maghahabi ka na naman ng kuwento ?Kuuuh matalino ang batang ere.Alam niya kung kailan ka nagsisinungaling dahil napaka inconsistent mo.Paiba iba ka lagi ng kuwento"

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Onde histórias criam vida. Descubra agora