Chapter 35

3.1K 51 1
                                    

  Naramdaman ni Chase na gumanti siya ng halik at bigla itong natigilan.Lumambot ang pagkakahawak nito sa kanya at ito na mismo ang tumigil ng marealize kung anong ginagawa niya.
 
  Mabilis itong lumayo sa kanya. Pulang pulang ang mukha nito, tenga hanggang leeg. Kitang kita iyon dahil maputi ang lalaki. Nanlalaki ang mata nito at hindi makapaniwala.
 
  "Tang ina Rhian! Bakit ka gumanti?!"
 
  "Hindi nga ako si Aurora! Wala akong aaminin!"
 
  Gaya ng inaasahan ni Rhian, ang lalaki na mismo ang lumayo sa kanya. The art of seduction. Mga lalaki nga naman.
 
  "Shit Rhian hindi mo dapat ginawa iyon!"
 
  Ramdam niya yong pagkataranta ng gago. Mabilis itong pumasok sa banyo dat agad na binuksan yong shower at pumailalim doon.
 
  "Hoy Chase! Letse ka huwag mong sabihing nag iinit at tinitigasan ka sa akin! Lintik naman , hindi nga ako iyon!"
 
  "You kissed me fucking back Rhian! Mas lalo akong hindi makakatulog nito!" Ani Chase na gusto ng iuntog ang parehong ulo sa tile ng cr.Balak niya lang naman takutin yong babae pero nauunahan siya ng emosyon. And that stupid woman, she kissed him back.
 
  Tho he knew it lacks emotion but Rhian really know how to protect herself. Nag aalala siya sa puwede nitong gawin kapag ibang tao ang gustong gawan ito ng masama .
 
  Naginhawaan at luminaw ang isip niya ng makalabas sa shower at agad na nagsuot ng pantalon at damit.
 
  Muli niyang hinarap si Rhian. Bakit tila mas gumanda ito sa paningin niya?
 
  Put your fucking head together Chase! At siguradong magpapatayan kayo ni Gregory.
 
  "You stupid woman, you don't kiss people back if you don't like them. Dapat tadyakan o kalmutin mo o lumaban ka. You shouldn't kiss me back! "
 
  Napanganga ito sa sinabi niya at tila nainis.
 
  "Wow? At ngayon bakit parang ako pa yong may kasalanan!"
 
  " Dapat hindi mo ako hinalikan pabalik! "sigaw ni Chase at halos lumabas na yong litid niya.
 
  "Bakit ba sobrang big deal sa'yo?!"
 
  Muling natigilan si Chase. Nagsisi siyang pumunta pa siya dito. Rhian don't understand anything. Nakalimutan niyang tanga nga pala ito. Nakalimutan niyang iba ang paraan nito ng pag iisip at prinsipyo sa buhay.
 
  Kaya nga 'di niya ito makalimutan eh. But kissing him back is really a big mistake. Siguradong magugulo ang sistema niya ng ilang araw.
 
  "Oh fuck Rhian, what will I'm going to do with you?!" Sumusukong sabi niya dito.
 
  "So naniniwala ka ng hindi ako si Aurora?I kissed you back because I know it's your weakness. I kissed you back because I know you'll stop. Ganon mo irespeto ang pagkakaibigan niyo ni Gregory. At alam ko kahit papaano may pakialam ka sa akin. I can feel it in your kisses. "
 
  "If not for Gregory I won't stop. At wala akong pakialam sayo feel mo lang yon"
 
  "Grabi ka naman? Para sa kaniya lang? Tinuring kitang kaibigan Chase"
 
  Pinipigilam ni Rhian na umiyak sa harap ng lalaki.Nakaka frustrate ito.
 
  Chase collected himself at muling hinila ang babae.At buti naman sumama na ito pababa.
 
  " Saan tayo pupunta? "
 
  "Mag uusap"
 
  "Anong dapat nating pag usapan? "
 
  Huminto si Chase at muntik pang mabangga si Rhian sa likod niya. Napatingin siya sa kamay nitong hawak niya at agad na binitawan iyon.
 
  "Lahat ng kalituhan mo at kalituhan ko"
 
  Biglang naalala ni Rhian iyong babae. Malamang na kilala din ito ni Chase. Actually marami siyang tanong. Tama, ito lang ang makakasagot sa kanya.
 
  Dumiretso sila sa dining.Uminom muna ng tubig ang lalaki at inabutan din siya ng isang baso.Binigyan pareho ang isip nila ng pagkakataong kumalma.
 
  "Sit down"
 
  Pinaupo siya ni Chase sa isang counter stool at nanatili itong nakatayo at nakasandig sa counter.
 
  "I won't beat around the bush Rhian. Marami ng nangyari sa nakalipas na minuto at ayaw ko ng dagdagan iyong isipin ko.Just please answer me truthfully. Sino ka ba talaga? "
 
  " Ako si Rhian. "Madiin at siguradong sagot niya sa lalaki.
 
  "Have you ever been into a hospital? Na aalala mo ba lahat sa nakaraan mo?"
 
  "Hindi. And yes I've been to hospital."
 
  "May kapatid ka ba bukod kay Laiza?"
 
  "Ang alam ko si Laiza lang ang kapatid ko."
 
  "Nasaan ang totoo mong mga magulang?"
 
  Hindi na nagtaka si Rhian na alam ni Chase ang parteng iyon ng kaniyang buhay.
 
  "Hindi ko alam"
 
  "Do you remember anything from your childhood?"
 
  "Kunti"
 
  "Anong ginagawa mo kanina? "
 
  "Naghahanap ako ng susi"
 
  "Para saan?"
 
  "Para buksan yong ibang kuwarto"
 
  "Dahil?"
 
  "Dahil gusto kong malaman kung sino si Aurora."
 
 
  Nangunot yong noo ni Chase. Hindi niya na alam kung ano ang iisipin. Hindi niya rin mapagkatiwalaan kung totoo nga ang mga sinasabi nito.
 
  " Gusto kong malaman kung bakit ko siya nakikita at bakit niyo ako pinagkakamalan? "
 
 
  " Nakikita mo siya? "
 
  " Oo dito sa bahay. Sa kahit anong sulok. Hidni ko alam kung multo iyon o baliw na siguro ako, pero nakakakita ako ng babae dito"
 
  " And you think I'll believe that? "
 
  " Bahala ka pero iyon ang totoo. "
 
  " Maybe it's just part of your memory. Naalala mo ang mga bagay na ginagawa mo dito dati dahil tumira ka na dito. "
 
  Huminga ulit ng malalim si Rhian. Bakit ba walang naniniwala sa kanya?
 
  " Uulitin ko, hindi ako si Aurora"
 
  Napakagat ng labi ang huli. Halatang nag iisip.
 
  " Pero nagkaroon ng gap Rhian. Nawala ka ng anim na taon at sabi mo wala kang masyadong naaalala.Kaya kami naguguluhan. Paano ka nakakasigurong hind nga ikaw iyon eh ikaw mismo hindi sigurado sa mga alaala mo"
 
 
  "Sino ba si Aurora at anong kinalaman niya sa akin? "
 
 
  Malamlam ang matang tumitig si Chase sa kaniya.
 
 
  "His wife"
 
  She's speechless. Hindi siya agad nakapag salita. Nagsimulang bumilis yong tibok ng puso niya.
 
  "Asawa?At akala niya ako ang asawa niya kaya niya ako dinala dito?!"
 
  Hindi niya namalayan na napalakas na pala ang kaniyang boses. Laksa laksang realisasyon at emosyon at ang umiikot sa tiyan niya at ayaw niya iyong ilabas.
 
  "Ikaw si Aurora Rhian"
 
  Napasabunot na siya ng buhok. Bakit ba ayaw nitong maniwala?
 
  "Hindi nga ako ang babaeng iyon! Iba ako. Ako si Rhian.Ganon na ba ako kabobo para hindi niyo paniwalaan?!Mistaken identity kayo! "
 
 
  " Pero lahat ng ebidensya iyon ang sinasabi. Lahat ng nakalap namin nakaturo sa iyo. Walang ibang nabuhay na may ganiyang mukha maliban sa'yo Rhian. Nawala ka ng ilang taon sa bayan niyo at iyon yong mga taong nagpakilala ka kay Gregory bilang Aurora! "
 
  Parang sasabog na yong ulo ni Rhian. Wala siyang alam sa mga sinasabi nito. Imposible iyon.Marami pang sinabi si Chase pero isang bagay ang tumatak sa isip niya.
 
  " And you just confirmed that you forgot most of your memories and that you've been into an hospital."
 
  " So .... magka.. mukha .. kami? "
 
  Tumango ang lalaki.
 
  Natawa siya na parang maiiyak. Mukhang naiintindihan niya na kahit paano kung anong nangyayari.
 
  " Kaya ba ako nandito? Dito sa bahay ni Gregory ?!Dahil akala niya ako ang asawa niya? "
 
  Malapit na siyang umiyak. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pigilan iyon. Kaya pala....
 
  "Pero ikaw ang asawa niya Rhian!"
 
  "Hindi.. Hindi ako si Aurora Chase..Alam ko iyon sa sarili ko kaya huwag niyo akong pangunahan!"
 
  "Patunayan mo sa akin. Tutulungan kitang maretrieve yong mga alaala mo. Tulungan mo akong malaman kung ano ang totoo sa pagkatao mo."
 
 
  Doon na nagsimulang mamalisbis ang mga luha ni Rhian.
 
 
  "Wala akong dapat patunayan.Pagod na ako Chase. Ang tagal niyo na akong minamandohan at gusto ko nalang umuwi.Hindi ako yong kailangan at hinahanap niyo.
 
 
 

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum