Chapter 43

2.9K 47 0
                                    

Tulala si Rhian habang pinupunasan ni Chase ang basa niyang buhok ng tuwalya.Masama na ang tingin sa kaniya ng lalaki.Nagshower siya sa banyo ng condo ng lalaki at pinahiram naman siya nito ng T shirt at isang boxer.Pagkatapos non' tinamad na siyang kumilos at basta nalamang tumitig sa pader.

Punong -puno siya ng putik kanina at ngayon niya lang napansin na marami siyang kagat ng insekto at sugat. Pagod na pagod yong buong katawan ni Rhian pero buhay na buhay ang isip niya. Kung hindi pa siya sinungal ngalan ng pagkain ni Chase kanina ay hindi niya rin malalamang gutom na gutom na pala siya.

"Don't lose your shit Rhian and stop making me do things for you!"

Inirapan niya lang ang lalaki at ipinaabot dito ang suklay na ginawa naman nito. Bagong ligo din ito katulad niya.

"Baka gusto mo ako pa magsuklay sayo? I never did all  these before. Buti sana kung may bayad eh di din naman kita girlfriend "

Sinuklay niya ang buhok." It's never too late to have a girl bestfriend Chase"

" Tssssk! "

Reklamo lang ng lalaki at tsaka niligpit ang tuwalya at damit niya na basta niya nalamang nilamukos at nilagay sa lamesa.

Naririnig niya parin ang walang hanggang pagrereklamo nito hanggang ng makalabas ito hanggang sa laundry .

Patang pata si Rhian pero napangiti siya sa boses ni Chase.

"Bastard....Someday , someone will be so lucky to have you"

__________________
Ipinakilala ni Chase sa kaniya ang isang lalaki.Napakaguwapo nito,charming   at matikas pero mas bata ito ng ilang taon sa binata.

"My personal agent"

"Pleasure to meet you ma'am,"

Tinanggap niya ang kamay ng lalaki na may pilyong ngiti.Palipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa na para bang may alam siya at kasama sila.

"No wonder...you're so beautiful "

"No wonder what?"Takang tanong niya.

"No wonder you're an off limits" sagot nito,emphasizing the last two words.

Lumipad ang mapang asar nitong mata kay Chase at tsaka ibinalik sa kaniya.

Tinignan sila ng masama  ni Chase at iginiya na sila para umupo sa pahabang lamesa na nasa loob ng library nito. Dim ang ilaw, dark ang theme ng kuwarto na may ilang lumang chandelier at napapalibutan iyon ng mahahaba at nagtataasang estante na punong puno ng libro.

She doesn't know what to feel. No wonder  Chase is very weird. Dumagdag sa nararamdaman niya yong napaka unkomportableng disenyo ng kuwarto.

Ilang dokumento na nakalagay sa itim na folder ang dala ng lalaking walang pangalan dahil wala itong binanggit pero tawagin daw siya sa code name nitong Black .

Mga weirdo.

Nasa tabi siya ni Chase. Hinawakan nito yong kamay niya.

"Ready?"

Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti.

Dahan dahan ang pagdukot ni Black sa mga papel na nasa loob ng itim na folder. Mas lalo siyang pinagpawisan lalo na at walang maririnig na iba sa kuwarto kundi ang tunog ng papel na hawak ng kaharap.

"Bakit hindi mo sinabi agad sakin lahat ng ito?"

Bulong niya kay Chase habang inaantay si Black na ilabas ang mga papel mula sa folder.

"Dahil akala ko ikaw si Aurora"

Napalunok siya.

" Hindi mo ako mapagkatiwalaan kasi ako si Aurora?"

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن