Chapter 36

3.1K 55 3
                                    

  "Mukhang kailangan ko ng umalis sa bahay na ito Chase.Mukhang nandito lang ako dahil napagkamalan ninyo ako.At iyon ang masakit"
 
  Nagpahid siya ng luha.Hindi naman siya tanga para hindi marealized iyon.Akala niya normal lang.Akala niya na excite lang si Gregory.Pero mukhang tama ang hinala niyang ibang tao ang nakikita nito sa kaniyang katauhan.
 
  "Kaya pala parang biglaan lahat.Kaya pala nagising nalang ako mahal niya na ako"
 
 
  Napasabunot si Chase at lumapit sa kaniya.Umangat yong kamay nito at ito na mismo ang nagpahid ng luha sa mga mata niya.
 
  "Rhian..hindi ka puwedeng umalis ngayon at siguradong mababaliw si Gregory.Yon' ang iniiwasan naming mangyari.At ayaw mo bang malaman ang totoo?Sabihin na nating hindi nga ikaw si Aurora,hindi ka ba interesadong malaman ang tunay mong pagkatao?Anong nangyari sa mga magulang mo?Bakit ka namin pinagkakamalan?There's a reason why you're tangled with all of these Rhian.May matinding dahilan kung bakit nasali ka sa mundo namin.
 
  "Ayoko ng gulo Chase.Ayoko ng problema.Masaya ako sa buhay ko at ngayon pa lang sobrang nasasaktan na ako.Hindi ako ang asawa niya"
 
  Nagsimulang maalarma si Chase.Malaking gulo ito kapag umalis si Rhian.Sigurado siya doon.Gregory can alter and heaven and earth.Babalik na naman ito sa dati.
 
  Pinakatitigan niya ang babae sa mata at nagsimulang magpaliwanag.
 
  "Gregory needs you ,Rhian. Hangga't hindi namin napapatunayan na hindi nga ikaw si Auroa ,pakiusap huwag ka munang umalis.Kailangan ka niya.He needs your for his sanity"
 
  "At paano naman ako?Ni minsan ba naisip niyo kung anong mararamdaman ko?Kung okay lang sa akin lahat ng ito?Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasangkapan lang pala ako sa lahat ng ito dahil akala niyo ako iyong asawa niya"
 
  Bumuhos ulit ang mga luha sa mata niya.
 
  "Ni minsan ba nakita niya ako bilang si Rhian?!Ni minsan ba ...."
 
 
  Hindi maituloy ni Rhian ang sasabihin sa sobrang sama ng loob.
  Sigurado siyang masasaktan lang siya sa mga sasabihin niya.
 
  "Please stay,"Kumbinsi ni Chase.
 
  "Please stay a little bit more.Pakiusap huwag mo muna siyang iwan.Malapit na siyang gumaling Rhian.He cannot take another trigger"
 
  Tumingin sa malayo si Rhian at nawalan ng gana sa kausap.
 
  "At ..at ako yong mananatili dito at totorturin ko yong sarili ko sa sakit.Kahit alam ko ng  hindi naman talaga ako yong iniisip niyang ako.Kahit hindi naman talaga para sakin ang mga iyon."
 
  "Just give us few days to prove it's not really you.Ano nalang ang iisipin ni Gregory kapag bigla kang nawala?Kapag nalaman niya ang lahat ng ito?His brain cannot take it it Rhian.
 
  Napahinga nalang siya ng malalim.Ayaw niya ng magpaliwanag dito dahil hindi naman siya nito pinapaniwalaan.Sarado na ang isip ng lahat.Nag iisip siya ng malalim.Ayaw niya ng gulo pero mukhang mas malaking gulo kapag umalis siya ng walang paalam.At kaya niya ba talagang iwan si Gregory ng ganon nalang?
 
  Kaya niya bang manatili kahit masakit?
 
  " 'Tang inang buhay ito Chase..'Tang ina niyo!Ngayon ko palang napapagtagni tagni na maaring hindi nga aksidente ang pagkakakuha niyo  sa akin.Simula palang alam niyo ng kamukha ko yong asawa niya.Ginawa niyo akong tanga!At ngayon ako pa itong magsasakripisyo?!"
 
  Puno na ng hinanakit na sigaw niya sa kausap.Pumipintig pintig yong sintido niya  sa sobrang sama ng loob.
 
  Walang lakas na napaupo si Chase.Guilt is written on his face.Siya naman talaga ang promotor ng lahat ng ito.Mababa na ang boses nito ng muling nagsalita.
 
  "Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon.Muntik na siyang tumalon sa building.Kung hindi namin siya itatali ,nagwawala siya at sinasaktan yong sarili niya.He wanted to die.Hindi na ako nakapag isip.Kumuha ako ng kamukha ni Aurora at ikaw iyon.Nakakita kami ng opurtunidad na gagaling siya dahil sa'yo.Sabi ko sa kanya bibigyan ko siya ng ilang araw na patunayan na ikaw nga ang asawa niya,and he confirmed  it Rhian.You are his wife.Doon na nagulo ang lahat"
 
  Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kausap.Hindi na ata matatapos ang sorpresa ng diyos sa kaniya.
 
  "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa kamay niya?!...Seriously?! Ilang beses na akong muntik mamamatay at ako lang pala yong pinaglalaruan niyong lahat.Pucha!Alam kong unfair ang mundo pero mga halang talaga yong mga kaluluwa niyo!Bakit ninyo ako dinamay sa lahat ng ito?!"
 
  Nagsisimula ng kumulo yong dugo ni Rhian at manginig ang kalamnan sa galit.Gusto niyang magsisisigaw sa realisasyon pero hihintayin niya munang umalis si Chase at baka mapatay niya ang lalaki ng wala sa oras.
 
  "Rhian...Gregory's family were murdered.If ever Aurora's alive ,then her life is in danger.Kaya ka nasa amin.Kaya ka niya kasama ngayon.There's still the possibility that you are her.Maaring patayin ka nila ulit sa pangalawang pagkakataon 'pag may nakaalam na buhay ka pa.It's safer to stay here.
 
  "Nagulo lang yong buhay ko nong' sumali kayo!"
 
  Umiling si Chase.
 
  "My agent found out that some people were eyeing you months before you met us.Matagal ka narin nilang binabantayan"
 
  "At bakit ako?!Ano bang kinalaman ko sa putang inang babaeng iyon?!"
 
  "You have her face that's all!"
 
  Napasabunot ng buhok si Rhian habang umiiyak.Hindi niya na alam kung ano'ng dapat maramdaman sa lahat ng ito.Kung ano ba ang dapat isipin.Masydong maraming impormasyon ang kailangang iproseso ng isip at damdamin niya at para silang laksa laksang demonyo na sabay na pumapasok sa kaniya.She doesn't even know if she can truly handle it.Baka mabaliw na rin siya kapag nagpatuloy pa ito.Paulit ulit lang yong pinag uusapan nila.Ayaw niya ng mag isip at baka bigla nalang siyang magbreakdown.
 
  Aurora...Dahil sa kaniya ang lahat ng ito.Gusto pa yata siya nitong idamay sa miserableng nitong buhay  kahit wala naman siyang ginagawang masama.Hindi niya din alam kung bakit niya ito nakikita.Tila gusto siya nitong kausapin o ano.Once and for all gusto niyang malinawan sa lahat ng ito ng makaalis na dito.No matter how perfect the situation is,something is wrong.And that is her.
 
  Palabas lang ang lahat at isa lang siya sa mga tauhan.Napaiyak nalang siya sa isiping iyon.She knew she's slowly losing her shit.
 
  "Please stay.Please endure more.Kailangan ka ni Gregory.Stay here and be safe."
 
 
  "Fuck you"
 
  Hinawakan ni Chase yong kamay niya at may inilagay doong isang bungkos ng susi.
 
  "Hindi ba't ito ang hinahanap mo?I'll let you investigate here.Feed your curiosity.Pero sana lahat ng malalaman mo sabihin mo sa akin.Let at least learn why you have Aurora's face.Please help us Rhian."
 
  "What is my gain to all of it,Chase?"
 
  Tumutok ang mata nito sa kaniya.Nagtagisan sila ng tingin.
 
  "Your safety.Your identity.Your future.Your life"
 
  Napakuyom siya ng kamao.Mas lalong nadagdagan yong sama ng loob niya sa mga ito.
 
  "Buhay ko parin pala.Nag iba lang yong dahilan pero buhay ko parin pala ang nakataya.Ano bang naging kasalanan ko ,bakit niyo ako ginaganito?Wala ba talaga akong choice dahil mahina lang ako?..."
 
  Nag crack yong boses niya at tuluyan siyang napahagulgol at ilang tubig narin ang namuo sa gilid ng mata ni Chase.Ayaw niyang kaawan yong sarili niya pero iyon ang nararamdaman niya ngayon.Para lang siyang laruan ng mga ito na walang damdamin at kakayahang pumili.
 
  Niyakap siya ng binata at umiyak siya sa balikat nito.
 
  "I'm sorry Rhian.Im sorry.Im sorry"
 
 

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Where stories live. Discover now