Chapter 39

3.5K 72 10
                                    

  "Bakit ganiyan suot mo? Ba't ang sexy?"
 
  Inirapan niya lang si Chase at pumasok sa kotse nito. She's wearing one of Aurora's kind of dress.Isang Dior white puff mini dress na hanggang sa taas ng tuhod at hapit sa katawan niya. Hinayaan niya lang na nakabuhaghag ang kaniyang kulot kulot na buhok at nagpahid ng kunting lipstick. Yong ganda niya iaasa niya nalang sa after glow ng sex nila ni Gregory kagabi.
 
  Ang damuho namumulang nag iwas ng tingin mula sa kaniya.
 
  "Bakit in love ka na naman?"
 
  Aniya ng makasakay sa kotse nito. Today is another day. Operation hanapin ang babaeng weirdo ang peg nila ngayon ni Chase. Mukhang kahit papaano ay nakumbinsi niya narin naman ito na hindi siya si Aurora.
 
  Pinaandar nito ang kotse.
 
  "Kapal. Kahit ikaw nalang ang babae sa mundo hindi ako magkaka gusto sa'yo."
 
  Naningkit yong mata niya sa sinabi nito.
 
  "Talaga lang ah.Kapag natikman mo ako baka kainin mo yang sinasabi mo"
 
  Napahawak siya sa dashboard ng kotse ng bigla itong magpreno .Namumula na naman ang lalaki at halatang inis ito sa kanya.
 
  " Pasmado talaga ang bibig mo ano? Hindi ka ba tinuruan ng personal development at proper way of thinking? How could you say that Rhian?! "
 
  " Edi sorry! Sakit mo kasi magsalita eh. Kung di'ko pa alam , pinagnanasaan mo ako"
 
  Nagpatuloy ito sa pagdrive.
 
  "Bakit naman kita pagnanasaan eh malaki pa braso mo sa dibdib mo. Hindi ka rin kissable lips, at siguradong marami kang libag. Mas gugustuhin ko pang makipag sex sa saging kaysa pumatol sayo"
 
  Pumitik yong ulo niya sa sinabi ni Chase. Tang inang tao talaga ito. Nagsisimula na naman siyang mabanas sa hayop na lalaking ito. Bakit kung gaano kabait si Gregory ay siya namang sama ng ugali nito.
 
  " At sino namang may sabing pagnanasaan din kita eh ang baho ng hininga mo.Amoy amag karin at ang cute cute ng pototoy mo. Parang bagong panganak. "
 
  Muli itong nagpreno at muntik na siyang mauntog. Umuusok na ang ilong nito at ang sama na ng tingin sa kaniya. It's a big mistake going with Chase. Siguradong walang magandang patutunguhan ang lakad nila.
 
  "Anong sabi mo? Parang bagong panganak?"
 
  Hindi makapaniwala si Rhian na napaka pikunin nito.Nasaling ata ang pride. Siguro totoo kaya galit.
 
  "Sigurado ako. Gumagawa ako ng dildo remember?"
 
  "Mas matikas at mas matanda pa ito sa mga ninuno mo Rhian"
 
  She even wonder why are they talking about it in the first place.
 
  " Puwe! Kawawa naman mga babae mo. Malaki pa ata clit ko jan eh! "
 
  Hindi na kinaya ni Chase ang sinasabi ng babae kaya tinakpan na niya ang bibig nito. Oh Rhian. How are u built?
 
  " Manahimik ka na pakiusap. Baka isampal ko pa ito sayo para malaman mong hindi ito bagong panganak. Let's get along please ng may matapos tayo. "
 
  " Eh ikaw kaya yong unang nang aaway sa akin. Ikaw na nga humihingi ng pabor ikaw pa matapang! "
 
  Napailing iling nalang si Chase at nagpatuloy na sa pag dra drive.Nilakasan niya nalang yong aircon at tinutok kay Rhian para hindi ito pagpawisan. Hindi niya na ito kinausap at natatakot siya sa iba nitong sasabihin.
 
  They already talk about it. Gusto nitong sumama sa pag iimbestiga. Ilang araw na rin niya itong kausap sa cellphone.Hangga't maari hindi puwedeng malaman ni Gregory yong ginagawa nila. Ipinaliwanag niya rin dito yong progress ng investigation nila at kung nasaang stage na sila.Nahirapan pa siyang explain yong semantic map na nasa board ng office niya dahil hindi iyon magets agad ni Rhian.
 
  Walang nakitang gamit na puwedeng kunan ng DNA ni Aurora sa mansyon kaya kailangan nilang humanap ng alernatives para malaman ang pagkakakilanlan nito.
 
  So Rhian suggest that they should start with the school where she graduated in high school.Ipinaliwanag niya dito na nasuyod na iyon ng agent niya at hindi na kailangan pero sinabi nitong kung talagang gusto nilang malaman ang lahat ng tungkol sa kaniya at ang mga taong nakasalamuha niya ay magsimula sila sa paaralan kung saan siya galing.Alam narin nila ang lahat ng impormasyon  tungkol doon, pero sinamahan niya nalang ito para hindi na humaba ang usapan.
 
  His agent already gathered everything about her and there's nothing much to know about her. She lived a simple life. Lahat ng records nito sa barangay kung saan ito lumaki ay nasubaybayan nila,pati yong hospital kung saan ito nag stay ng ilang taon ay nasuyod narin nila. Sa mga kakilala,kamag anak,business partners pati ang mga teachers nito noong elementary.Everything that there is to know about her, they have it.
 
  Pero wala namang kakaiba sa mga iyon. Everything's pretty normal. Nabuhay si Rhian bilang si Rhian.Walang ibang taong nabuhay na may parehas niyang mukha sa lugar nila. Only her.
 
  But after everything that she told her, she's still  determine that its not her.That there's another story behind it.Another person.Sinubukan niyang isalang sa session ang babae at baka nalilito at in denial lang ito pero muntik na siya nitong sapakin at sinabing hindi pa naman siya nababaliw. He want to laugh just the thought of it. This woman is beyond ... everything. Dati ata itong alien.
 
  Nilingon niya ito at tulog na ito at nakasandal sa bintana.Nakangaga at bahagya pang humihilik.His smile widened.
 
  Ipinaling niya ang isip para mawala ang mga sapot na panggulo lalo na ng pumasok sa isip niya ang mukha ni Gregory.
 
  Dahil sa nangyari mas naging determinado si Rhian na humanap ng ibedensiya na magpapatunay sa pagkatao nito. He also dont know why she's so cooperative and determined. But he's thankful. Rhian can help them disc and connect everything on their links. Dahil kahit nasa kanila na ang lahat ng ebidensya hindi naman nila iyon mahanapan ng paliwanag.It was perfectly set up.So clean.Like it was planned for decades.Ang pinanghahawakan lang nila ngayon ay mga posibilidad. Na baka may kakambal nga ito.
 
  Bumalik ang tingin niya dito.
 
  If he's to follow all the evidence ,it clearly shows that Rhian is Aurora.And he doesn't know why is it sound so dissapointing to hear . Kahit iyon naman yong gusto niyang mangyari mula sa umpisa.
 
  Gusto niyang magsimula sa imporamsyong iyon para hanapin ang organisyong may hawak kay Aurora.And everything that happens after that.
 
  Pero kailangan niya ring makinig kay Rhian at sa mga deductions nito. Kaya kahit tapos na ang imbestigasyon at imbes na pagtuunan ang naging buhay ni Aurora, nagsimula na naman sila ulit ng bagong lead at bumalik sa lugar kung saan galing si Rhian.Kung saan nagsimula ang lahat.
 
  "Nandito na tayo"
 
  Ginising niya ang babae at nagpunas ito ng laway ng magising. Gusto na namang tumawa ni Chase.
 
  "Huwag mong ipunas yan sakin kundi ipagkakalat ko dito sa school niyo yong soen mong panty na maluwag"
 
  " Kagigising ko palang Chase baka di kita matantiya"
 
  Tinawanan niya lang ito. Inalalayan niya itong bumaba at sabay na umikot ang mata nila sa maliit na Barangay high school kung saan ito grumaduate.
 
  Meron lamang tatlong building. May malawak na field , maraming puno at bulaklak at presko ang paligid. Ilang bench din ang nagkalat sa loob.
 
  Itinaas ni Rhian ang kamay ,tumingala sa langit at dinamdam ang hangin.
 
  " Oh my nakakamissssss! "
 
  Pinagmasdan niya lang ito.
 
  " Namimis ko tuloy yong dati kong sarili. Kita mo yong mga bench doon? Don kami kumakain sa tuwing tanghali. Kahit pancit canton at saging lang ulam ko kala po nag picnic narin kami sa park"
 
  Inalis niya ang tingin kay Rhian.
 
  "Tara na pasok na tayo.Baka maalala mo pa kung gaano ka kabobo nong high school"
 
  Nauna na siyang maglakad at iniwan ang babae.
 
  " Aba'y! Hoy Chase! Bakit ba ang sungit sungit sungit mo sa akin?! Kala mo naman guwapo ka!"
 
  Habol nito sa kanya. He just laugh again.
 
  ________
 
  "Good morning Rhian!Ay kuh bata ka! Lumaki kang napakaganda!"
 
  Yumakap siya kay Mrs Ramirez, dati nilang guro na siya ng principal ngayon ng paaralan. Puno ng paghanga ang mata nito.Nandito sila ngayon sa maliit nitong office . Napaka bait parin ng ginang at nakikilala parin siya nito sa paglipas ng panahon.
 
  "Grabe nak, parang kailan lang. Ngayon napakayaman at nakapag asawa ka na"
 
  Nilingon nito si Chase na bahagyang nanigas ng marinig ang sinabi ng ginang. Nilakihan ito ng mata ni Rhian at sumenyas na makisama nalang.
 
  "Ay oho mam. Gaya nga po ng sabi ko eh napaka espesyal ng inihahanda naming anniversary ng asawa ko. Eh patay na patay kasi sa akin yan. Kulang nalang pati utot ko susundan ng amoy. Ganon kainlove!"
 
  Chase death glares are penetrating her skin.
 
  Napangiti ang ginang.
 
  "Ay talaga naman palang napaka suwerte mo!Guwapo na mapagmahal pa. Di bale ito inihanda ko na yong mga nirequest mo sa akin. Isa isahin natin mamaya para makahanap ka ng larawan na puwede mong gamitin sa anniversary ninyo."
 
  Napangiti ng maluwag si Rhian.Sinabi niya lang sa guro na binagyo sila noon kaya wala na siyang naiwang documents nong high school siya.
 
  Chase stayed casual. Nakita na niya lahat ng larawan at dokumentong galing sa paaralan ni Rhian. Support nalang para hindi na sila mag away.
 
  Inaya sila ng ginang sa isang pabilog na lamesa at nagkalat ang ilang box at folder doon. Nagsimula silang mangalkal ng mga pictures mula sa batch nila.
 
  "Oh naalala mo nong chrismas party niyo na nagbatuhan kayo ng pagkain sa loob ng room kaya kinabukasan lahat kayo na papunta sa guidance office?!"
 
  Nagtawanan ang dalawa.
 
  "Eh si Madelyn po kasi na malakas ang putok masyadong pikunin. Kaya ayan!"
 
  Napangiwi ang principal sa sinabi ni Rhian.
 
  "Oh ito isama mo ito, nong graduation niyo na nagkasamaan pa kayo ng loob dahil inagawan ka ng puwesto ni Vannessa na katabi ni Ivan.
 
  Nakita ni Rhian ang sarili sa picture at bahagya nga siyang nakasimangot habang masaya naman ang mga kaklase niya.Naagawan kasi siya ng puwesto kasi late siya. Nakaka miss lang.
 
  Marami pang ipinakita ang guro at nagtawanan at nagkuwentuhan lang sila. Naging matiyaga naman si Chase. Maya maya pay lumabas ang ginang para kumuha ng mirienda.
 
  "It seems like you're his favourite student"
 
  "Oo naman.Hindi masaya ang klase namin noon kung wala ako."
 
  Inabot ni Rhian ang isa pang graduation picture kay Chase. Pinagmasdan iyon ng binata.
 
  " Found something odd? "
 
  " Wala pa naman.Naalala ko lang nong high school ako. Ang sarap bumalik. Mga panahong wala pang masyadong problema. Nakakamis din yong mga kaklase kong mga baho kili kili at amoy paa"
 
  "Napaka bully mo siguro noon?"
 
  " Judgemental ka! "
 
  Inabot niya ang isang kuwadradong aklat doon at binuklat iyon sa harap ni Chase.
 
  "Year book? "
 
  Tumango siya at excited na inisa isa ang mga picture ng mga kaklase niya doon.Excited siyang ipakita iyon sa kaniyang guro pagbalik nito.
 
  "Si Ivan , crush ko nong high school. "
 
  Turo niya sa isang larawan.
 
  " Ito si Felisa , bestfriend slash kakopyahan ko noon. Si Jela,taga libre sakin dati. At siyempre itong si Vanessa na kontrabida sa pagmamahalan namin ni Ivan mukha naman siyang gusgusin"
 
  Natawa siya ng ilang tagpo ang naalala.
 
  " How about you? Where are you? Siguradong mukha ka ding gusgusin."
 
  Tabil talaga ang bibig. Wala talagang sasabihin si chase na hindi siya lalaitin.
 
  " Wala akong picture dito kaya hindi mo ako malalait. "
 
  " Weh"
 
  Inagaw ni Chase ang aklat mula sa kaniya at ito na mismo ang naghanap ng apelyido niya. Nagtaka siya ng bigla itong tumawa.
 
  " See mukha kang gusgusin"
 
  Ibinaba nito ang aklat at natatawang itinuro ang nakasimangot niyang mukha sa year book. Nalukot naman ang noo ni Rhian.
 
  Hinablot niya yong aklat mula sa lalaki at pinagmasdan ang sarili. Nabitawan niya iyon.
 
  " Hey are you okay? "Nag aalalang taong ng lalaki.
 
  " Paano ako nagkaroon ng picture diyan? "
 
  "W-what? "
 
  Bumilis ang tibok ng puso ni Rhian at ramdam niya ang pagtakbo ng kaniyang dugo mula sa mga kalamnan niya
 
  "Imposible.. hindi ako naka attend ng pictorial para sa year end dahil nagka bulutong tubig ako nong araw na iyon at mataas ang lagnat ko. "
 
  Tumulo yong luha niya sa sobrang kaba at muling tinitigan ang babaeng nakangiti sa black n' white na larawan.
 
  "Hindi ako yan Chase...."
 
 
 
 

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon