Chapter 26

4K 56 2
                                    

  Few months ago...
 
 
  Pinagmasdan ni Chase ang iniiabot sa kanyang larawan.The similarity is uncanny.He shifted uncomfortably.
 
  Rhian Alice Macabuhay Toyco
  23 years old
  4'11
  Brown
  Fair
  Fernandez St ,Sitio Pinagkaitan ,Barangay San Antonio
  Graduated from Pilot East High School
  Business owner
  Nature of business:Manufacturer /Reseller(Sex toys)
  Virgin
  No boyfriend since birth
  .....
  .....
  .....
 
 
  Itinaas ni Chase yong kamay para pigilan ang pagsasalita nong inupahan niyang private investigator.
 
  "No boyfriend since birth?Virgin?Nagtitinda ng sex toys?"
 
  "You heard it right"
 
  Diretsong sagot ng lalaki sa harap niya.He's young and confident.Intimidating too.A rookie with all the potential.
 
  Napakamot ng baba si Chase.They are studying her roots.And it's very very unusual.May mga panahon na napapataas siya ng kilay dahil parang pinagloloko siya ng kausap.But the information is real and solid.Maraming gaps,pero hindi iyon mahirap hanapin .
 
 
  "Nakuha mo ba yong kanyang birth certificate?Did you interview the doctors?Kung sa St.Matthew General Hospital siya ipinanganak,bakit halos wala siyang record?"
 
  Isang papel pa ang iniabot ng investigator.
 
  "And her birth certificate was only registered when she was ten years old."
 
  Muling dinampot iyon ni Chase at agad na ini scan kung sino sino ang mga magulang nito.Nangunot yong noo niya.
 
  "You can tell that she is not a pure filipina"
 
  "Sino yong mga magulang dito?Nahanap mo ba sila?They are pure filipinos"
 
  Tumango 'yong investigator.
 
  Now things are getting interesting.Her early childhood is very complicated.Nalaman niyang nagpalipat lipat din ito ng school.Nang lugar.Na tila ba may tinataguan.
 
  "Pagkatapos niyan,wala ng masyadong ganap.Grumaduate siya ng high school at hindi na pumasok sa college dahil sa hirap ng buhay.The key is from her birth to ten years of age.
 
  This sounds really familiar.
 
  He tap his finger against the table involuntarily.Nag-iisip.
 
  Binuksan niya ang isa pang folder at hinanap doon ang isa pang larawan.Pinagmasdan niya iyon ng matagal.
 
  How could she have her story?
 
  "Aurora Buenavista Monasterio..nahanap mo na ba kung saan dinala ni Gregory yong bangkay niya?"
 
  Umiling yong lalaki.Not a good fucking sign.
 
  "Sinubukan kong hukayin sa memorial pero puro gamit at itong dalawang sing sing lang ang nakita ko doon.Hindi siya nakalibing doon"
 
  Pakiramdam ni Chase masisiraan nadin siya ng ulo.
 
  Impossible.
 
  He has few deductions.Pero parang malayo iyon sa katotohanan.Paanong may dalawang Aurora na may parehas na background?
 
  Nagtinginan sila ng investigator at tila parehas sila ng iniisip.
 
  O puwede ding iisang tao lang sila.
 
  No it can't be.That's the most absurd conclusion that he and his private investigator can pull off.May kulang pa sa impormasyon.
 
  "Aurora is dead"
 
  That he's sure of.
 
  "You'll never know"
 
  Nakangising sagot ng kaharap niya na ngayo'y nakaupo na dahil nangangalay na daw.Training this kid is an additional headache.
 
  There is an endless possibilities lurking outside.Scary informations that should remain 6ft under the ground.But he needs it.A DNA.
 
  Theres still a big hole that they need to fill in.They still have a lot of links to connect.How will they gauge that when they can't find her?
 
  Nasa'n na ba si Aurora?Saan siya dinala ng baliw niyang asawa?
 
  How about Rhian?Surely,they'll have a proof that she lived in that town for ten years.
 
  Kinuha niya ulit ang larawan nito sa lamesa.Mas malinaw ang naging buhay nito kaysa sa isa pang larawan.Mas may kulay.Mas may linaw.
 
  "Who the hell are you?"
 
  "Only one way to find out"
 
  Isang box ang ibinaba ng investigator sa kanyang lamesa.Inutusan pa siyang mabilis na buksan iyon.Marami na siyang iniisip para sitahin pa ang pag uugali nito.
 
  Napipilitan siyang binuksan iyon.
 
  "S-sex toys?!"
 
 
  -----------------------
 
  "Where is he?"
 
  Nagmamadaling umakyat si Chase sa rooftop ng hospital.Naka lab gown pa siya at nagkanda sabit sabit iyon sa pag akyat niya sa hagdan.It is an eight storey building,a mental facility owned by him.
 
  Herrera's Mental Hospital has one and only problem.A billionaire mafia who totally lost himself few years ago.It dates back when his family died of massacre.
 
  Narating niya ang taas at nakahinga ng maluwag ng maabutan pa doon ang lalaki.
 
  Payat na payat ito, maitim ang ilalim ng mata at makapal ang balbas .
 
  Gusto niya itong murahin pero nagpigil siya.
 
  "Gregory ano bang ginagawa mo dito?Di'ba sabi ko sa'yo huwag ka nang aakyat dito at delikado"
 
  Kumurap kurap ito at tila kinikilala siya.
 
  "Chase,Aurora's here"
 
  Napasabunot si Chase sa buhok,sawang sawa na siya sa ganitong eksena.
 
  Hinila niya yong kamay ni Gregory at pinilit na itong bumaba pero ayaw nitong bumaba.
 
  "Aurora is here Chase.Hindi ko siya puwedeng iwan.Magagalit siya sa akin"
 
  Napapikit siya ng mariin at malapit na siyang mawalan ng pasensya sa lalaki.
 
  "Mamaya uutusan ka narin ni Aurora na tumalon diyan kaya halika na"
 
  Muli niya itong hinila pero hindi nagpatianod.Nakatulala lang ito at nakatingin sa isang bench.
 
  "But my wife is here.She told me to wait here"
 
  "Fuck Gregory!"
 
  Hinila niya ito ng malakas pero inagaw nito ang kamay.
 
  "Dito lang ako Chase.Baka kasi umulan .Wala siyang payong"
 
  Bumababa ang tingin ni Chase sa hawak ni Gregory na payong at gusto na niyang iuntog yong ulo niya sa pader.
 
  Ano na bang nangyari sa kaibigan niya?!Tuluyan na itong nawala sa katinuan.They did everything.After he become a madman,killing everyone who were involve to his family's death he'd gone crazy.Such a waste of talent.He is a decorated mercenary and an assassin .And they're afraid of how far his skills can bring him.Nagagawa nitong umalis at tumakas sa loob at labas ng facility ng walang kahirap hirap.Minsan hindi na siya nagagawang pigilan ng mga guard dahil siguradong papatayin niya rin sila.Because of that ,he was locked up into a special confinement room for 6 months. Tuluyang lumuwag yong turnilyo nito sa ulo.Gregory has group of doctors and psychiatrist treating him.Kailangan nila itong bantayan 24/7 dahil hindi na nito alam ang ginagawa.May mga pagkakataong tumatakas ito sa facility para pumatay ng kung sino sinong tao.
 
  He became a psychotic serial killer who cannot differentiate the illusion and the reality. Dahil sa pera nito at sa pagiging member ng Foedus,nagawa nilang itago iyon sa hukuman at sa gobyerno.And now he's pointing the Triad.Gusto niyang patayin ang mga opisyales naman doon.It's not far to happen.Gregory can do whatever he sets his mind into.But they are talking about the Triad.Kahit ano pang dahilan niya ay hindi niya puwedeng gawin iyon dahil nagbaba na ng order of warning ang table na kapag hindi pa siya tumigil sa walang halang na pagpatay lalo na ng mga importateng tao na may malalaking karga sa organisasyon ay papatawan siya ng bounty sa ulo.
 
  And they all know what does it mean.Walang pakialam ang Triad kung baliw siya o isang adik.The law excuses no one.
 
  Nagsimulang bumuhos ang ulan at bumalik na si Gregory sa bench kung saan nito hihintayin si Aurora.
  Matiyaga itong umupo doon hawak ang payong.
 
  Hindi niya alam kung maaawa siya dito o ano.Naiinis siya dahil wala na silang magawa.The medicines,the doctors...the facility..it's not helping him.
 
  "What else can I do to you,Gregory?"
 
  Gumuhit ang kidlat sa langit .Chase needs to think.Basang basa narin siya ng ulan pero muli niyang nilapitan si Gregory para kumbinsihin itong bumaba na.
 
  Muli niya itong hinawakan.
 
  "Baba na tayo,nakita ko na si Aurora"
 
  Nanlaki ang mata nito.Sa tagal ng panahon,kahit paano nakikitaan niya na ito ng emosyon.
 
  "Talaga?"
 
  "Oo nasa baba na siya at nag hihintay.Halika na,baka ...baka nag aalala na iyon sayo"
 
  Napakurap kurap ito at dahang dahang tumayo.Nagpahila na rin ito sa kanya.
 
  Nakahinga ng maluwag si Chase ng magsimula silang maglakad para bumaba sa rooftop.
 
  "Aurora loves the rain.We always make love while it pours"
 
  Tumango tango lang siya sa sinabi nito.
 
  "Aurora loves the rain.We always make love while it pours"
 
  "Yes ,I do .I heard you"
 
  "Aurora loves the rain.We always make love while it pours"
 
  Humigpit yong hawak ni Chase sa kamay ni Gregory.
 
  "Kailangan mong gumaling .Kailangan mong mabuhay.Aurora will tame your monsters away.You will have a reason to live again Gregory.Kapag nagtangka kang tumalon ulit sa building na iyon ,siguradong magagalit iyon sa'yo"
 
 
  "Aurora loves the rain.We always make love while it pours"
  -------
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Indecent Deal with the Mafia  Boss(SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon