“Sunod naman ay isa rin sa malapit na kaibigan ng ating bride. Let’s welcome, Architect Yanna Abarquez,” the host announced.

“Ikaw na, huwag mo ipahiya sarili mo,” I cheered her. Sinamaan niya lang naman ako ng tingin. 

“Nicole, you’re finally married to the guy I always want for you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, sabi ko naman sa ’yo dati ’di ba? Na magpapansin ka kay Zaydel dahil baka forever mo na ’yon?” Nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi niya. “And guess what? Nagdilang anghel ako!” 

“Hi Khen!” Napabaling ako kay Architect Dominggo nang bumati siya sa ’kin. 

“Hi po, Ma’am!” I greeted. Tiningnan ko saglit si Yanna na naiiyak na sa speech niya.

“Elaiza na lang, para naman tayong hindi magka-batchmate.” Ngumiti lang ako sa kanya. She’s about to sit on Yanna’s chair pero mabilis ko siyang pinigilan. I didn’t mean to be rude though.

“I’m sorry but that chair is for Yanna.” Nabitin ang pag-upo niya sa upuan. Nagulat siya sa sinabi ko.

“Oh, my bad. Sige p-puntahan ko muna ang kasama ko,” aniya bago umalis.

“Si, Elaiza ’yon, ah?” Napabaling ako kay Yanna na kababalik lang. “Ano’ng sinabi?” nakangusong aniya bago umupo.

“Bumati lang.”

“Talaga? Hindi nang-aya ng hangout?” nakangiwing aniya. Kumunot naman ang  noo ko.

“Bakit naman siya mag-aaya?” tanong ko. 

“Aba malay ko! Hindi ako si, Elaiza!” inis na aniya. Agad naman akong napangisi.

She glared at me, “Tigilan mo ’ko sa ngisi mong ’yan Khenzie! Hindi ako nagseselos!” 

Gusto kong matawa, guilty masyado Bal?

“Wala akong sinabi.” Bumaling ako sa stage at nagkibit ng balikat. 

Pagkatapos sa reception ay mayroon pang after party sa mansion nila Nicole. At dahil pupunta rin ang mga kaibigan ni Yanna, hindi ko na siya pinigilan.

Sa labas pa lang ng mansion ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog at nagsasayawang neon lights.

“Iinom ka?” tanong ko sa kanya bago kami bumaba ng sasakyan.

Umiling siya, “Konti lang. Ikaw?” 

“Hindi, I’ll drive you home.” Ngumiti siya sa ’kin bago nagsalita. 

“Ayos lang kung malasing ka, ako magda-drive,” presenta niya. Hindi na lang ako umangal. 

Sa bungad pa lang ay may sumalubong na sa ’kin na kakilala. Sobrang dami ng tao, hindi na nakakapagtaka iyon dahil malaki ang circle of friends ni Nicole.

Ang iba ay nagsasayawan na sa dance floor at naliligo sa pool. Meron namang chill lang sa mga couch kagaya nina Khaizer na agad naming nilapitan. Nasa iisang table lang sina Audrey, Khaizer, Kheziah, Rhea, Shan, Yvonne, at Maxine. 

Nang makita kami ni Audrey ay agad siyang tumayo para batiin kami. Everyone welcomed us after. 

The girls started to talk some random stuffs. Kami namang mga lalaki ay tahimik lang na nag-uusap habang nag-iinoman. 

The girls suddenly cheered because they want to play a game. Spin the bottle, ang taya ay kailangan uminom. At dahil ayaw ni Yanna uminom, ako ang umiinom ng sa kanya. Takte! Paborito pa naman siya ng bote. Sa dami ng nainom ko ay nahihilo na ’ko. 

“Sayaw na tayo!” sigaw ni Rhea nang ma-bore na sila sa paglalaro. Agad namang nagsitayuan ang girls at naghilahan sa dance floor. Nagpaalam sa ’kin si Yanna na tinanguan ko lang naman. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now