CHAPTER 14

25 0 0
                                        

CHAPTER 14
Cyan Khenzie Reñieva

Masaya akong babalik na ang mama niya rito sa Pilipinas. Kaya lang may parte sa loob ko ang nalulungkot, alam kong kapag dumating na si Tita Yannie ay aalis na sila sa bahay. Medyo weird kasi nasanay na ako sa presensya niya, sa ingay at sa kakulitan niya. 

Pagkatapos namin sa book store ay dumeritso na kami sa food court ng mall. Kung kumain siya ay akala mo hindi pinakain ng isang linggo. Ang takaw talaga, saka walang arte sa kinakain.  

Wala talaga akong plano para sa araw na ’to. Isa lang ang nasa isip ko na gusto kong gawin at puntahan kasama siya. 

“Saan tayo?” tanong niya nang makalabas kami ng mall. Pumara ako ng taxi pero wala na siyang reklamo. Panay din ang tingin niya sa halamang binili namin sa isang boutique.

Sa sementeryo kami bumaba. Kita ko ang pagtataka niya pero hindi siya nagtanong. Tiningnan niya lang ako na para bang naghihintay ng sasabihin ko.

“Yanna, gusto kong makilala mo ulit si, Papa,” sabi ko nang marating namin ang puntod niya. Nilapag ko ang dalang tanim para sa kanya.

Madalas akong pumupunta rito lalo na kapag nangungulila ako sa kanya. I admire him the most, magaling siyang ama at engineer.

Dati, nangako ako kay Papa na kapag may nagustohan akong babae ay agad kong ipapakilala sa kanya. Ito ang araw na ’yon.

“Hi po! Ako po si, Yanna. Nakita ko na po kayo noon, I assume naaalala n’yo pa po ako.” A smiled at Yanna, what she’s doing right now warmed my heart.

Nang mawala si Papa, parang nawalan na rin ng buhay ang mga tao sa bahay at ang mismong tahanan. Everything changed when he left. But when Yanna came, she made everyone smile inside that home.

“Si Yanna, sa ’tin po siya nakatira.” Umupo kaming dalawa ni Yanna sa gilid ng puntod niya.

My father got into an accident and we lost him. I thought it was the end my life as well, hindi ko alam kung ano’ng gagawin nang mawala siya. I don’t have that much time to mourn for him because I need to be strong in front of my mother and Khaiden that time. Salo ko ang responsibilidad na iniwan ni Papa.

I admire him the most for being the best man in the world. I always hope to be like him.

I looked at Yanna. Her eyes are always sparkling, it’s expressive. “You know what? I just saw the real you today.” She smiled at me. “I realize how lucky I am compared to you. I may don’t know what’s the exact feeling of grieving because your love once left you, pero alam kong masakit. I admire you for being so strong Cyan.”

The feeling of someone appreciated you for staying strong is beyond joy, t’s heart warming. So, tell me, how can I not fall deeper for her? 

“Tinupad ko na sa ’yo ’yong pangako ko Pa. Kasama ko na ngayon ang babaeng gusto ko sa harap mo. Actually, she’s beyond my type but I like her. And I guess I’m falling deeper for her.” Yanna chuckled. Pinaningkitan niya ’ko ng mata, I glared at her and we both laugh.

We stayed there for a few minutes. Talking to each other about things we don’t usually talk about. Ito na yata ang pinakatahimik naming pag-uusap. I also told her about my plans in life.

“Ako? Marami akong gusto. Gusto kong maging doctor, lawyer, flight attendant, psychiatrist—”

“Wattpad pa,” pambabara ko sa kanya. Tumawa lang naman siya.

“Butt you know what? I always end up liking structures and designs. How it is done and what’s the story behind it. Kaya lang. . .” Binitin niya ang sasabihin.

“Kaya lang ano?”

“Baka hindi ko kayanin?” I scoffed at her. Hindi yata ’yan ang Yanna na kilala ko.

“Being brave is part of reaching your dreams. Walang mangyayari kung duwag ka.” She nodded repeatedly.

“I’ll take note of that. Ikaw, bakit gusto mo maging engineer?” she asked me.

“Dahil gusto kong maging katulad niya.” Tiningnan ko si Papa.

“That’s cool! Kapag engineer ka na, lagi mo akong e-refer bilang architect, ah!” pangungontrata na niya.

“It should be the other way around,” I said.

“Vice versa na lang.” We both laugh at what we’re talking.

“Gusto kong gawin ’yon kasama ka.” I smiled at her.

***

“Excited ka na ba Yanna?” tanong ni Mama sa kanya. Nandito na kami ngayon sa airport at hinihintay si Tita Yannie na dumating.

“Opo,” nakangiting aniya. Excitement is very invident in her eyes. Ganoon din si Mama. 

I saw Tita Yannie before pero hindi ko na masyadong maalala ang mukha niya. One thing I’m sure of is magkamukha silang dalawa ni Yanna.

Hindi nagtagal ay dumating na nga si Tita. Yanna is very happy, halos yakapin niya gamit ang kamay at paa ang ina dahil sa tuwa. I can see that they are very close to each other. It seems like Yanna is the younger version of Tita Yannie.

“Oh, ito na ba si, Cyan? You’ve grown so much, hijo.” Niyakap rin ako ni Tita Yannie.

“It’s nice to meet you rin po. Welcome home.” She smiled at me, pagkatapos ay si Khaiden naman ang binati niya.

“Let’s go, I prepared dinner at home,” si Mama. Natawa na lang ako nang makita si Yanna na tila tuko kung makakapit sa braso ng mama niya. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt