CHAPTER 16
Yanna Elein Samonte
“Yanna!” Gulat at pag-aalala ang bumulatay sa mukha ni Tita Gen nang pagbuksan niya ’ko ng pinto. Sinalubong niya ako ng yakap kaya muli na naman akong napahagulhol. Para akong paslit na itinaboy sa ayos ko ngayon.
Nakita ko si Khenzie kaya ibinaon ko ang mukha sa leeg ni Tita Gen. Ayaw kong makita niya ’kong umiiyak.
“Ikaw namang bata ka!” Hinagod ni Tita Gen ang likod ko pagkatapos ay inakay niya ’ko papasok.
Pinaupo niya ’ko sa sofa at muling niyakap. Ilang minuto pa ’kong umiyak bago tuloyang tumahan.
“Anong nangyari Yanna?” seryoso ngunit banayad na tanong ni Tita Gen.
I bit my lower lip to stifle my cries, naiiyak pa rin ako. “Nagkasagutan po kami ni Mama,” nahihiya kong sabi. Tita Gen sighed and patted my head.
Inabutan ako ng baso ng tubig ni Khenzie, saglit pa kaming nagkatitigan bago ko iyon tinanggap.
“Mag-aalala si, Yannie. Nagpaalam ka ba saan ka pupunta?” Nakuha ni Tita ang atensyon ko, umiling naman ako sa kanya.
“Nag-away po kami dahil sa papa ko, nasagot ko po siya kaya nasampal n-niya ’ko.” Nanginig ang boses ko, naiiyak na naman ako. Suminghap si Tita Gen, napahawak pa siya sa kanyang sentido.
“Yanna, nabigla lang siguro ang mama mo.” Tumango ako kay Tita, alam ko naman ’yon pero masakit pa rin.
“Gusto ko lang naman pong malaman ang katotohanan, nagugulohan na rin po kasi ako,” malungkot kong ani. Hinawakan niya ang palad ko at pinisil. Nag-angat ako ng tingin kay Tita kaya nagkatitigan kami. “Tita, si Tito Elias po ba ang ama ko?”
Gulat na gulat si Tita nang marinig ang tanong ko. Sa itsura niya, alam kong tama ang hinala ko.
“Yanna, I’m sorry.” Umiling siya sa ’kin. Pumikit ako nang mariin at muli na namang naiyak. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Khenzie na hinihimas at tinatapik ang likod ko para aluin ako.
“Magpahinga ka muna. Tatawagan ko si, Yannie at ipapa-alam ko sa kanyang nandito ka para hindi siya mag-alala.” Tango na lang ang naisagot ko kay Tita bago siya umalis.
Tahimik na umupo si Khenzie sa tabi ko. Tahimik lang siya habang pinapalis ko ang luha ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang palapulsohan ko. Inangat niya ito at tiningnan ang suot kong bracelet na siya ang nagbigay.
“Kaya mo ’yan, ikaw pa,” mahinang aniya. Pakiramdam ko ay uminit ang puso ko sa simpli niyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang daliri naming dalawa. He gently pressed it and smiled at me. He’s giving me warm and comfort.
“Thank you,” I mouthed. Nang marinig kong pababa na si Tita Gen ay agad kong binitiwan ang kamay ni Khenzie. Sabi ni Tita Gen ay susunduin daw ako ni Mama rito.
Lahat kami ay napatingin sa pinto nang tumunog ang doorbell. Ngumiti si Tita Gen bago nagtungo roon. I’m sure it’s Mama.
Pakiramdam ko ay may karera sa dibdib ko dahil sa lakas ng pintig nito, bigla ko ring naramdaman ang panlalamig ng kamay ko.
“Yanna.” Napatayo ako nang marinig ang boses ni Mama.
“Ma,”nakangusong tawag ko. Pinipigilan ko ang maiyak dahil guilty ako sa nagawa.
Lalapitan ko sana siya kaya lang ay natigilan ako nang makita ang kasama niya.
Niyakap ako ni Mama ngunit hindi na matanggal ang titig ko sa lalaking nasa likuran niya. Bakit kasama niya si Tito Elias?
“Yanna, I’m sorry,” umiiyak na aniya. I bit my lower lip to stifle my sobs. Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko na napigilan at tuloyan na ulit akong naiyak. “Yanna, sorry.” Hinigpitan niya ang yakap sa ’kin. She let go of me and cupped my checks, she wipe my tears using her thumb.
YOU ARE READING
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
