CHAPTER 08

21 0 0
                                        

CHAPTER 08
Yanna Elein Samonte

I enjoy the day with Khenzie, at least may kabaitan din pala sa sistema niya kahit puros pang-aasar ang inabot ko magdamag. Nabiyayaan pa ako ng blessing galing sa tito Elias niya.

Nakahilata lang ako sa kama nang marinig kong tumunog ang laptop ko. Tumatawag si Mama sa skype. 

“Ma, morning!” masigla kong bati. 

“Morning sa inyo.” Tipid siyang ngumiti sa ’kin.

“Ayos ka lang po ba d’yan?” 

“Huwag mo ’kong alalahanin, Anak. Ikaw? Kamusta ka d’yan? Wala bang. . . kakaiba?” Bahagyang kumunot ang noo ko.

“Po? Wala naman po, maayos ako rito.” 

“Mabuti kung ganoon. Akala ko lang ay maninibago ka dahil wala ako sa tabi mo.” Medyo nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Mama. I sighed heavily before forcing myself to smile again.

“I love you, Ma. Miss na po kita.” I smiled warmly at her. I guess those words are enough to assure her. 

I love my mother so much, she’s the best and I’m already contented with her. But I think my life will not be complete without its missing piece, and that missing piece is my father.

“Miss mo na ’ko? Then come back here.” Tuloyang nawala ang ngiti ko. Sa halos dalawang buwan ko rito sa Pilipinas, ngayon lang niya ako sinubukang pauwiin.

“Miss na po kita, Ma pero nasimulan ko na po ang buhay ko rito. Nasa maayos akong school at may mga kaibigan din po ako.” 

“Alam ko namang umuwi ka dahil gusto mong mahanap ang ama mo.” Naitikom ko ang bibig. Yumuko ako at bumuntonghininga nang malalim. “I don’t want to be selfish, may karapatan kang makilala siya. Aaminin kong hindi ako handa na ibigay ka sa kanya.” My eyes widened.

“Mama, hindi naman po ako mawawala sa inyo. Gusto ko lang po siyang makilala.”

Tumawa siya at pinunasan ang luha. “Funny how I named your first name after me, and your second name after him.”

Sa mga panahong ’yon ay hiniling kong nasa tabi niya ’ko para mayakap ko siya. 

***

Pagkatapos kumain sa kusina ay naabotan ko si Khenzie na naglalaro ng ML sa sala. Lumapit ako sa kanya at pumwesto sa likod ng sofa na inuupuan niya. Pinanood ko ang ginagawa ni Khenzie pero wala akong maintindihan.

“Layla, ang bobo mo!” sigaw niya bigla. Umiling na lang ako at umupo sa katapat niyang sofa.

“Subukan mo mag-ML, Yanna masaya,”  aniya habang naglalaro. 

Ngumiwi ako at kinuha ang cellphone para mag-wattpad. Bahala siya sa trip niya sa buhay. Tahimik na lang akong nagbasa habang nangingiti sa kilig. Magandang diversion talaga ang wattpad pantakas sa masalimuot na realidad ng buhay. 

Kulang na lang ay mangalay na ang labi ko kangingiti nang biglang dumapo sa mukha ko ang throw pillow. Nang tingnan ko si Khenzie ay alam ko na agad na siyang ang may gawa. 

“Para kang baliw promise,” natatawang aniya sa ’kin.

Sa inis ko ay binitiwan ko ang cellphone at inis siyang sinugod gamit ang ibinato niyang throw pillow. Pinaghahampas ko siya gamit iyon. 

“Totoo naman para kang baliw!” sigaw niya.

“Aba’t!” Mas lalo ko pang nilakasan ang paghampas sa kanya. Natigilan lang ako nang bigla niyang hinawakan ang wrist ko. Agad dumapo roon ang tingin ko. Pakiramdam ko ay may dumaloy na elektrisidad mula sa pulso ko papunta sa mukha pababa sa dibdib. Natigilan ako sa ginawa niya, bahagya akong napaatras nang tumayo siya at sinalubong ang tingin ko. Dahil mas matangkad siya sa ’kin, hanggang dibdib niya lang ang lebel ng mata ko. Kailangan niya pang yumuko para makita ang mukha ko.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now