CHAPTER 11

21 0 0
                                        

CHAPTER 11
Cyan Khenzie Reñieva

I zipped my bag, katatapos ko lang mag-impake ng mga gamit. Days went so fast, Friday na ngayon at ilang oras na lang flight na namin papuntang Cebu. 

Yanna’s been casual to me, sinabi niya pa na it’s for the sake of our project daw.

Malaki ang naging epekto sa kanya ng bet na ’yon. Hindi naman totoo at walang nangyaring gano’n. Imagination lang ’yon ni Brix dahil hindi naman ako pumayag. 

Ang mali ko lang ay hinayaan ko si Brix na ipagkalat ang bet na ’yon sa mga barkada namin. Nagmukhang pinaglaruan namin si Yanna. Hindi ko naman inaasahan na maririnig niya at magkakaganito pa, ang hirap dahil ayaw niyang pakinggan ang explanation ko.

I heaved a deep sigh before knocking Yanna’s door. Kailangan naming magmadali dahil gagawa pa kami ng intro para sa vlog. 

“Saglit lang po!” sigaw niya sa loob. Pagbukas niya ng pinto ay agad na nawala ang ngiti niya. “Ano’ng kailangan mo?” malamig na aniya. 

“Tapos ka na mag-impake?” Tinitigan ko siya sa mata.

“Patapos na, hintayin mo na lang ako sa baba,” aniya sabay sarado ng pinto.

Ang hirap naman magkagusto sa babaeng ’yon. Pabago-bago ng ugali. Minsan tahimik, minsan naman normal, madalas baliw.

Why do I even like her? These past few days, when she started to have distance with me. I realized how much I care for her and. . . I like her. 

She’s stubborn, madaldal, malakas tumawa at sobrang babaw ng kaligayahan. Hindi ko alam bakit siya ang nagustohan ko. Maybe because I’m with her all the time, o baka may iba pang rason. 

***

Katabi ko sa eroplano si Khaiden, sa likod naman namin ay sina Mama at Yanna.

Mabilis lang ang biyahe from Manila to Cebu. Fourty-five minutes lang yata, saktong pagdating namin sa Cebu ay ala-una na ng hapon. 

“Wow,” manghang ani Yanna habang nililibot ng tingin ang Mactan International Airport.

“Susunduin tayo ni Ben. Kumain muna tayo bago bumiyahe,” ani Mama. Mabuti na lang ay nandoon na rin si Kuya Ben paglabas namin. 

“Magandang araw po,” bati ko. Katiwala siya ni Tita Madrid, ang kapatid ni mama. 

“Hi po!” nakangiti ring bumati si Yanna. Saglit na nagkamustahan sina Mama at Kuya Ben bago kami sumakay sa van at dumeritso sa isang restaurant. 

Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga bago nagpasyang bumiyahe papuntang Aloguinsan. Sa front seat ako umupo katabi ni Kuya Ben. Si Yanna at Khaiden naman ay parehong nasa likuran namin.

“Ilang oras po ang biyahe galing City papuntang Aloguinsan?” tanong ko kay Kuya Ben.

“Two to three hours,” he answered. Napalingon ako sa likod nang may kumalabit sa ’kin. Si Yanna.

“Mag-vlog ka, sabihin mo papunta na tayo ng Aloguinsan.” Tumango lang ako at ginawa ang gusto niya. Kanina pa siya nagba-vlog para sa content namin. 

Mga two minutes lang ang video clip na ginawa ko. Nag-kwento ako saglit at nagbigay ng konting information tungkol sa lugar.

“Ayos na ’yon?” tanong ko kay Yanna nang matapos. Tumango siya at hindi na nag-abalang tingnan ako.

Sinabi ko kay Kuya Ben ang tungkol sa activity namin. Aniya ay tutulongan niya kami dahil marami siyang alam na lugar na pwede naming mapuntahan.

“Kuya Ben? Ano po ang mga food delicacies sa Aloguinsan?” tanong ni Yanna. Nakatulog na sina Mama at Khaiden kaya kami na lang itong nag-uusap.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now