CHAPTER 23
Cyan Khenzie Reñieva
Noong una hindi ko rin maintindihan si Yanna kung bakit nakipaghiwalay siya sa ’kin. Okay naman kami, mahal na mahal ko naman siya, binigay ko naman lahat ng makakaya ko para sa kanya. Halos sa kanya na nga umiikot ang mundo ko, eh.
She wants to be independent, pwede ko naman siyang hayaan pero kailangan niya ba talagang makipaghilay sa ’kin?
Kulang pa ba ang pagmamahal na ibinibigay ko? Gusto kong sumbatan siya pero hindi ko magawa dahil mahal na mahal ko siya.
Gustong-gusto kong magpaawa sa kanya na balikan ako pero hindi ko rin kaya dahil alam kong masasaktan din siya.
I love her so much that I’m willing to let her go and grow.
It took me years to understand her decision, and my love for Yanna didn’t fade. Instead, I fell deeper for her.
I know that the path we took was the best for us. Despite the heartaches, the pain, and everything we’ve been through. . . it’s all worth it.
Our break up save our relationship. Siguro, hindi kami ganito ni Yanna ngayon kung hindi namin piniling palayain ang isa’t isa noon.
There’s always a room for love, its space will never be emptied because we need love for us to live. Love is something that we all want, something that we crave for.
Love is something that can make us feel safe and content.
I love Yanna so much, and I know she loves me too. Kahit hindi niya sabihin, ramdam ko ang pag-asa para sa relasyon naming dalawa.
Yanna sighed heavily after getting inside my car. Namamaga ang mga mata niya kaiiyak sa kasal nina Zaydel at Nicole.
“Hanggang sa reception ka ba iiyak?” natatawang tanong ko. Papunta na kami ngayon doon.
Sinapak ako ni Yanna, “Ang epal mo talaga!”
“Lagi ka na lang umiiyak tuwing may kasalan,” pailing-iling kong ani.
“Nakakaiyak naman talaga!” nakangusong aniya.
“You’re a certified cry baby. This is our fourth time attending a wedding ceremony and you still cry like a river.”
“Oo nga ’no?” She sat properly and counted her fingers. “Kina Kuya Ronron at Ate Ri-Yel, kay Flyn, Kina Mama at Papa, tapos ngayon kay Nicole at Zaydel,” she enumerated.
Those weddings, lahat ’yon ay importante sa ’min. We met during Kuya Ron’s wedding, sa kasal naman ni Flyn noong umamin ako sa kanya. During Tito and Tita’s wedding, Yanna and I are in a relationship. Ngayon namang kasal nila Zaydel, magkahiwalay kami.
Tayo kaya kailan? Gusto ko sanang itanong kaso baka batokan ako.
“Tayo kaya kailan?” Muntik na ’kong mabuwal sa kinauupuan nang bigla niyang sabihin iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang balingan siya, halata sa mukha ni Yanna na inaabangan niya ang reaction ko. “Uy, natigilan,” nakangising aniya. Halatang nang-aasar.
Mababaliw ako sa babaeng ’to! Oo nga pala, matagal na ’kong baliw sa kanya.
“Huwag mo ’kong hamunin Yanna,” banta ko sa kanya but she only chuckled at me.
***
“Kinakabahan ako,” bulong sa ’kin ni Yanna habang hinihintay ang turn niya na magbigay ng speech para sa bagong kasal. Katatapos lang ng mga parents ni Zaydel na puros advice sa marriage life ang ibinigay.
YOU ARE READING
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
