CHAPTER 19
Yanna Elein Samonte
PAGTUNGTONG ko pa lang sa campus ng Trivino University ay kinakabahan na ’ko. It’s my first day in College! Pakiramdam ko nga ay maiihi ako sa kaba habang naglalakad sa hallway.
Khenzie wanted to fetch me but I refuse, it’s both our first day kaya hinayaan ko siyang maghanda sa unang araw niya sa kolehiyo.
Medyo malayo rin ang building ng architecture at engineering sa isa’t isa. Hindi ako sanay na malayo si Khenzie, buong Señior High kasi ay magkasama kami. Pero alam ko naman na masasanay rin ako.
Pagpasok ko sa unang klase ay walang pamilyar na mukha ang bumungad sa ’kin.
Nicole is also studying here in Trivino University. AB Mass Communication ang kinuha niyang kurso, katabi lang ng building nila ang building namin kaya medyo napanatag ako. Si Rhea naman ay hindi sa Trivino University nag-aral, nasa ibang university siya sa kursong Psychology.
“Hi!” I sat down beside a girl with chubby cheeks and a curly hair. Her curly hair reminds me of Nicole.
“Hello,” bati niya rin. Friendly siyang ngumiti kaya naglahad ako ng kamay.
“Ako nga pala si, Yanna. Nice to meet you.”
“Reehnah, Reehnah Campillianan,” aniya at inabot din ang kamay ko. “Mabuti na lang at binati mo ’ko, akala ko magiging outcast agad ako.” I chuckled at what she said.
“Wala akong ibang kilala rito, nasa kabilang building ’yung kaibigan ko,” sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang classroom.
“Mabuti ka pa at may kaibigan na rito nag-aaral. Mag-isa lang kasi akong napadpad sa T.U,” aniya sa ’kin. Magaan kausap si Reehnah kaya naman naaliw ako.
Pareho kaming napatingin ni Reehnah nang dumaan sa harap namin ang isang babae. She’s very tall and pretty. Sa hubog ng katawan niya ay aakalain mong modelo. Her straight shoulder length hair suits her very well.
“Hi, can I sit beside you?” tanong niya sa mahinhin na boses. Ngumiti naman ako at tumango.
“Sure, wala namang nakaupo d’yan, eh.” She cutely smiled at me after. Umupo muna siya at inayos ang mga gamit bago nagsalita ulit.
“I’m Elaiza Dominggo,” she said in a soft voice. Kagaya ng ginawa ko kanina ay inabot niya rin ang kamay niya para sa ’ming dalawa ni Reehnah.
“Yanna Elein,” sabi ko.
“I’m Reehnah. By any chance, are you related to the Dominggo Group of Companies?” Reehnah asked, bahagya namang nanlaki ang mga mata ko. I’ve known that company as number one in the field of construction.
Nahihiya namang tumango si Elaiza sa ’min. “I’m the owners daughter.”
“Wow!” Napasinghap ako sa gulat. Seatmate ko lang naman ngayon ang anak ng may-ari ng kompanya na gusto kong pagtrabahuan in the future.
We started talking about how I wanted to work on that company, ganoon din si Reehnah. Nalaman din naming blockmates kaming tatlo kaya nakaka-excite!
Sa huling period para sa umaga ay tahimik kaming lahat. Major subject kasi at halata istrikto ang matandang prof namin kaya nakakatakot.
Nang bumaling ako sa kabilang side ng mga upuan ay nakita ko si Stevan Iagani. Nagulat ako nang makita siya, hindi ko in-expect na makikita ko siya rito.
After our first meeting almost 2 years ago, we had some few interactions after that. Huling kita ko rin sa kanya ay noong graduation namin. She’s cold to me and I don’t know why. Siguro dahil sa history ng family namin.
YOU ARE READING
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
