CHAPTER 05

27 0 0
                                        

CHAPTER 05
Cyan Khenzie Reñieva


“Dude, hindi mo naman sinabi na chix pala ang nasa bahay n’yo.” Ngumiwi ako sa sinabi ng kaibigan.

“Chix ba ’yon?” I scoffed para ngang manok ’yon kakaputak. 

“Ano number?” aniya sabay halakhak. Sa ingay niya ay binato ko siya ng throw pillow.

“Shut up! Anak ’yon ng kaibigan ni Mama. Subukan n’yo pagtripan, patay kayo sa ’kin.”

“Protective?” Kunot-noo ko siyang pinasadahan ng tingin.

“Nasaan si, Brix?” Imbes ay tanong ko nang mapansin ang nawawalang kaibigan. Nag-ilingan ang mga kasama ko, lahat sila ay napatingin sa banda ng kitchen namin. 

“Naku! Ang bilis talaga ng lokong ’yon”

Tatayo na sana ako para sundan si Brix. Mabuti na lang at kusang bumalik ang loko, nakangisi pa siya na parang timang na aso.

“Ano’ng ginawa mo?” Hindi niya ’ko sinagot, he just smirked at me.

Brix is my bestfriend, pero wala akong tiwala sa kanya kapag usapang babae, masyado siyang maloko. We share the same interest gaya nang paglalaro ng mobile games pero opposite kami pagdating sa usapang babae.

“Khenzie, alis na kami!” paalam ng mga barkada ko.

“Sige lang.”

“Hindi ka talaga sasama kina Marvin?” Umiling ako.

“Pass muna ’ko.” Napatingin ako kay Brix dahil hindi pa rin siya umaalis. Paalis na ang lahat siya ay nakahilata pa rin.

“Hindi ka sasama?” tanong nila sa kanya.

“Susunod ako,” aniya. 

Hinatid ko sila sa gate bago binalikan si Brix na halatang walang magawa sa buhay. “Ano pa ang ginagawa mo rito?” Sinipa ko ang paa niya na nakapatong sa center table.

“May sasabihin ako sa ’yo.”

“Spill it,” tamad kong ani. 

Tumingin-tingin pa siya sa paligid na parang isang malaking sikreto ang sasabihin niya at hindi pwedeng marinig ng iba.

“I’m positive, may gusto—” Tinikom niya ang bibig nang dumaan si Yanna galing kusina.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat siya, naputol lang nang magsalita ang katabi ko. “May gusto sa ’yo si, Yanna.” Inilapit niya ang mukha sa ’kin.

“Ha?” Saglit na nag-loading ang utak ko sa sinabi niya.

“Sigurado ako, Khenzie!” Mas lalo niya pang inilapit ang mukha kaya tinampal ko siya palayo sa ’kin.

“Brix, wala ako sa mood makipag lokohan.” Lakas ng amats nito, ako na naman nakita.

“Mukha ba akong nagbibiro?”

“Hindi, mukha kang clown.” 

Hindi ko alam saan nanggaling ang mga pinagsasabi ni Brix. I tried to be friends with her pero ano’ng nangyari? Ayaw ko sa lahat ang nangingialam.

“Oh, tapos?”

“’Yon na nga! May bet ako para sa ’yo.” Kumunot ang noo ko sa mga pautot niya.

“Alam mo, Brix? Kung ayaw mong  makatikim ng kutong lumayas ka. Wala kang kwenta kausap.” 

“Kapag usapang babae wala ka talagang interes, ’no? Ang pangit mo ka-bonding.” Ngumiwi siya sa ’kin. “Sige na, pumayag ka na sa bet ko.” Siniko niya ako kaya inambahan ko siya nang suntok.

“Anong bet ’yan?” tanong ko. Tumawa pa ang loko bago nagsalita.

“Ganito, paaminin mo si, Yanna na may gusto siya sa ’yo. Simple lang ’di ba?”

“Gusto mo nang suntok? Libre kong  ibibigay.” Minsan talaga napasukan ng hangin ang utak nito. “Walang gusto sa ’kin si, Elein.”

“Sinong Elein?”

 “Si, Yanna!”

***

Gabi na nang makatanggap na naman ako ng text galing kay Brix. Pinaalala niya lang sa ’kin ang bet na gawa-gawa niya. Hindi naman ako pumayag.

Humilata ako sa kama at binuksan ang cellphone. Inuna ko ang group chat namin na mukhang may announcement. Tama nga ako at nag-announce ang president na kailangan naming mag-complete uniform sa Lunes dahil may bisita.

Nag-scroll muna ako sa ML Legend Players na group at nakitingin ng mga updates at memes. Nag-beep ang messenger ko, nakita ko sa notif na nag-chat si Yanna kaya bigla akong napaupo sa gulat. 

Ano namang kailangan nito? I opened my messenger at gano’n na lang ang dismaya ko nang makita ang laman ng message.

You are now connected on messenger.

I saw her day, puros mga linya ng wattpad ang naroon. I opened her profile, close up ang picture niya habang nakangiti nang malapad.

“Tss, para talagang timang.”

Nanlaki ang mata ko nang aksidente kong mapindot ang button ng video call. Sa taranta ko ay muntik ko pang mabato ang cellphone. Nag-ring ang tawag kaya mas lalo akong kinabahan. Huli ko na naisip na kailangan kong pindutin ang end button!

Nasapo ko ang noo sa kabobohan, hinagis ko ang cellphone sa kama at inis na siniksik ang ulo sa unan. Khenzie tanga!

Tumunog ang messenger ko, sa oras na ’yon ay hiniling kong hindi si Yanna ang nag-message. Dahan-dahan kong tiningnan ang cellphone, gusto ko na lang itapon ulit nang makita ang pangalan niya.

Why?

Pinaningkitan ko ng mata ang chat niya, cold naman. I typed my reply.

Nothing. I Accidentally clicked the video call.

Ni-seen niya lang ang message ko, naghintay ako ng ilang saglit pero wala talaga. Napasimangot ako sabay bato ng cellphone sa unan. Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko si Mama at Yanna na nagluluto. Nakangiti silang dalawa at mukhang nasisiyahan sa ginagawa.

Dumeritso ako sa fridge para uminom ng tubig. Kita ko sa gilid ng mga mata ang dahan-dahang pagkawala ng ngiti niya nang makita ako.

“Yanna, iwan muna kita ah,” si Mama bago umalis.

Sinadya kong tagalan ang pag-inom, iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya para makahingi ng sorry. Ang hirap maging snob.

“Elein,” kita ko ang gulat sa mata niya sa tawag ko sa kanya.

“B-bakit?” nakangusong aniya.

“A-ano. . .” Bakit ang hirap sabihin?

“Ano?” aniya. Naghihintay ng sasabihin ko.

“Y-yanna, ba’t ang pangit mo?” ’Yon ang dumulas sa dila ko.

“Ano!” malakas niyang sigaw. “Ang feeling mong kalansay ka!” Napamaang ako sa tawag niya sa ’kin.

“Kalansay really? Baka maglaway ka?” Ngumiwi kaagad siya sa ’kin.

“Eww! Aso lang maglalaway sa ’yo, buto-buto!” she fired back. Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata. Kukutosan ko sana siya kaya lang. . .

“Nag-aaway ba kayo?” sumulpot si Mama kaya naitikom ko ang bibig.

“Hindi,” sagot ko. Nagdududa akong tiningnan ni Mama.

“Anyways, nabalitaan kong may bisita pala kayo sa school this Monday. Khenzie, samahan n’yo ni Khaiden si, Yanna bukas sa tailoring shop. Kailangan mo ng mag-uniform Yanna.”

“Ako sasama?” Sabay turo ko sa sarili ko.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon