CHAPTER 21

17 0 0
                                        

CHAPTER 21
Cyan Khenzie Reñieva

Hindi ko maipaliwanag ang saya at fulfillment sa puso ko sa tuwing nakikita ko siyang masaya at tumatawa. I’m addicted to her smile. 

“Ang lakas kumain,” ani ko kay Yanna nang lagyan na naman niya ng fishballs ang cup niya. Puno-puno pa ang bibig, eh.

“Huwag kang epal, kumain ka na lang,” sagot niya habang ngumunguya. Inagaw ko ang stick niya at ginamit ’yon pantusok sa fishball. Galit na ang titig niya sa ’kin dahil inagawan ko siya ng pagkain. 

“Kumuha ka ng sa ’yo!” Inis niyang binawi sa ’kin ang stick niya. 

“Kumain ka ba kanina? Gutom na gutom ka, eh.”

“Oo naman, stress lang talaga ako ngayon kaya—”

“Naku! Idadahilan mo pa ang stress mo, if I know dalawa ang bodega mo sa tiyan— aray!” angil ko nang paluin niya ’ko bigla.

“Ang tigas, ah?” Nanlalaki ang mga niyang ani habang tinitingnan ang pinalo niyang tiyan ko. Agad naman akong ngumisi.

“Abs ’yan, Bal.”

“Abs? Hindi, buto-buto ’yan!” Agad na nawala ang ngisi ko sa sinabi niya. Magsasalita sana ako kaya lang nag-vibrate ang cellphone ko sa text message ni Brix. 

Brix:

Dude? Nasaan ka na, may meeting tayo sa project ngayon? 

Agad naman akong nag-reply.

Ako:

Busy ako, update n’yo na lang ako. 

“Sino’ng nag-text?” tanong ni Yanna. Agad ko namang itinago ang cellphone sa bulsa. 

“Si Brix, nag-aayang mag-ML.”

“Naku! Adik talaga kayo,” pailing-iling na aniya. Naglakad-lakad muna kami hanggang sa nagpasyang maupo sa bench. 

“Khenzie, may tanong ako?” ani Yanna. 

“Ano po ’yon?”

“P-paano kung may ibang magkagusto sa ’kin?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya, ilang segundo ko siyang tinitigan. 

“Sino naman ang magkakagusto sa ’yo bukod sa ’kin?” Pagkatapos kong sabihin ’yon ay agad na lumagapak ang kamay niya sa braso ko.

“Seryoso kasi!” inis niyang ani. Konti na lang ay babanatan na niya ’ko. Saglit akong natawa bago nagseryoso. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa kanyang mga mata. 

“Edi magkagusto sila! Pero walang makakaagaw sa ’yo sa ’kin dahil kailanman hinding-hindi kita bibitiwan. Kahit isang milyong lalaki pa ang magkagusto sa ’yo, wala akong pake dahil ako ang may hawak sa ’yo. Ako ang magmamahal at mag-aalaga kay Yanna.” 

***

“What’s happening to you Mr. Reñieva? Bumaba ang performance mo at palagi ka pang late! May problema ka ba sa inyo?” Umiling lang ako sa prof ko. Ipinatawag niya ’ko dahil late ko na namang naipasa ang project ko, late rin ako pumasok sa klase niya kanina kaya nakapuntos na naman ako. Napapikit na lang ako nang mariin, sinusubukan ko namang hatiin ng tama ang oras ko, eh.

Marami pang sinabi si Mrs. Servatorya sa ’kin, aniya pa ay kapag nagtuloy-tuloy ’to ay ibabagsak niya ’ko. Langya! Major subject pa naman ’yon.

Kapag tinatawagan ako ni Yanna, hindi ko magawang tumanggi. Lagi kong sinasabi na hindi ako busy. Gusto ko iyon dahil gusto kong ako ang tinatawagan niya kapag may kailangan siya. I want Yanna to rely on me dahil boyfriend niya ’ko.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now