CHAPTER 12

23 0 0
                                        

CHAPTER 12

MAAGA kaming nagising lahat para sa kasal ni Flyn. Pagkatapos ng breakfast ay nag-ayos na kami. I made sure na dala ko ang camera dahil kailangan naming mag-vlog ni Yanna sa legendary acacia tree na malapit lang sa simbahan. Ganoon din sa Baluarte Park kung saan ang reception ng kasal ni Flyn. Killing two birds in one stone kumbaga.

Malaki ang simbahan nila at malapad ang space sa labas. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ang malaking puno ng acacia.

Maaga kami sa simbahan kaya may ilang minuto pa bago magsimula. Si Yanna ay hindi na nakapagpigil, nagpaalam siya kay Mama na pupunta sa acacia saglit. Hindi naman pwedeng siya lang kaya sumunod ako. 

Nauna siyang umupo sa malaking ugat ng puno. “Ang ganda rito,” aniya. Namamangha habang nakatingala sa itaas. Malamig sa ilalim ng puno at ang ganda ng ambiance.

Tahimik akong tumabi sa kanya, making our elbows touch to each other. Saglit siyang nagulat, napatingin pa siya sa siko naming magkadikit. Binalewala niya lang naman ’yon at hindi na nag-abalang umusog pa. 

“Sarap ng hangin dito,” aniya habang sinisipa ang maliit na bato sa may paanan.

“Nakain mo?”

 “Pilosopo.”

“Let’s make a vlog?” Tiningnan ko ang simbahan, mukhang matagal pa naman bago magsimula.

“Sige, para maka-save din tayo sa time. Magba-vlog din ba tayo sa Baluarte Park?” she asked.

“Pwede, pandagdag sa content.”

Pareho kaming tumayo at nagsimulang ikotin ang puno. Nasa mataas ito na parte kaya kitang-kita ang pagsasalubong ng ulap at dagat. Tanaw rin mula rito ang isla ng Negros.

“Legendary tree ’yan,” sabi ko sa vlog. 

“Addict ’to sa ML, nagba-vlog tayo,” komento niya.

“Tss” 

“This acacia tree is one of the Aloguinsan’s heritage pasyalan. This tree had a big contribution in their history. It was said na centuries ago, sa punong ito nakalagay ang kanilang bell tower to give warning sa mga paparating na pirata,” she explained as if talking to someone.

Bumalik siya sa kinauupuan kanina nang matapos. Agad naman akong tumabi at hindi inabala ang lapit ng distansya naming dalawa.

“This town is simple yet beautiful,” she said while staring out of nowhere. Ako naman ay sa kanya nakatitig.

“Maganda nga.” Natahimik siya kaya umiwas ako ng tingin. I’m going crazy, bigla na lang akong nailang. “By the way, you looked good today.” Sabay pasada ko sa suot niyang kulay asul na dress. She tied her hair into a bun and pulled some strands at the side. 

“I was actually waiting for you to say that!” Nanliliit ang mga mata na aniya. “Akala ko ’di mo maa-appreciate, eh.”

“Bakit naman hindi? Maganda ka,” seryosong ani ko.

Bigla na lang nawala ang ngiti sa mukha ni Yanna. Para siyang kinilabutan sa sinabi ko, umiwas pa siya ng tingin at ilang beses na napakurap-kurap.

“A-ah,” si Yanna na hindi alam ang sasabihin. “Ang awkward,” puna niya. Binalingan ko siya na nakakunot ang noo. Dahil naka-iwas siya sa ’kin, sa leeg niya tumama ang mata ko. Ang kanina ko pang naaamoy na perfume niya ay mas lalong nanuot sa ’king ilong. 

Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa utak ko. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha sa kanya, gusto kong maamoy ang pabango niya. Hindi ko naman inaasahan na biglaan siyang haharap. Sobrang bilis ng pangyayari, agad na dumapo ang labi niya sa gilid ng labi ko. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt