CHAPTER 22

21 1 0
                                        

CHAPTER 22
Yanna Elein Samonte

Nainsulto ako sa mga pinagsasabi ni Fenix kaya nang sumunod na mga araw ay iniwasan ko siya. Medyo mahirap nga lang dahil partner kami sa research. Mabuti na lang at hindi na niya inungkat ulit ang tungkol sa usaping iyon.

Naging maayos ang sumunod kong mga araw kaya lang may nangyaring hindi ko inaasahan.

Naglalakad ako sa soccer field nang maramdaman kong may sumusunod sa ’kin. Sobrang bilis ng mga pangyayari, namalayan ko na lang na may sumusunod sa ’kin at nahatak na nila ako papunta sa likod na gate patungong plaza. 

Sa pagpupumiglas ko ay nagawa ko pang 

tawagan si Khenzie para humingi ng tulong. Ni hindi ko naisip na ikapapahamak niya iyon.

Mahigpit ang hawak ko sa mga kamay ni Khenzie habang tinititigan siyang nakahiga sa hospital bed. Wala siyang malay at puno ng pasa ang kanyang mukha. 

It’s painful to see him like this, iyong wala akong magawa bukod sa pag-iyak at paghawak sa kamay niya. 

Paalis na ang mga lalaking kumuha sa ’kin nang dumating si Fenix. Pinagsusuntok niya ang mga barkada niya pagkatapos ay tinulongan niya akong dalhin sa hospital si Khenzie. Wala ako sa tamang ulirat para intindihin ang mga nangyayari. Ang alam ko lang ay galit ako sa kanya at kinasusuklaman kong makita ang pagmumukha niya! 

Ang sabi ng doctor ay stable na si Khenzie. Kailangan lang siyang obserbahan at hintayin na magising.  

“Yanna, magpahinga ka muna,” masuyong ani sa ’kin ni Tita Gen. Madaling araw na pero gising na gising pa rin ako. Kagaya ko ay namumugto rin ang mga mata niya. Iyak siya nang iyak nang dumating sa hospital kanina pero ngayon ay kalmado na siya. 

Kanina ay nandito ang parents ko at mga kaibigan ni Khenzie. Alam na nila ang nangyari at lahat sila ay galit na galit sa grupo nina Fenix. Tita Gen already filled a blatter to them. 

“Tita Gen, I’m sorry po. Kasalanan ko ito,” naluluha kong ani habang nakatingala sa kanya. She tapped my shoulders pagkatapos ay umiling siya sa ’kin.

“Wala kang kasalanan anak kaya please lang magpahinga ka na.” 

Umiling ako sa kanya, “Gusto ko po na kapag nagising si, Khenzie ako ang unang makakakita,” ani ko. Sa huli ay wala nang nagawa si Tita Gen kun’di ang pabayaan ako. 

Nang magising si Khenzie kinabukasan ay iyak lang ulit ang sinalubong ko sa kanya. Mas nasasaktan ako kasi todo ngiti lang siya sa ’kin na akala mo ay hindi siya nag-agaw buhay!

“Huwag ka nang umiyak, sabi ko naman sa ’yo ’di ba na ang pangit mo kapag umiiyak?” 

Sinamaan ko siya ng tingin, sa sitwasyon niya ngayon ay nakuha niya pang magbiro! 

“Akala ko mawawala ka na sa ’kin,” umiiyak kong ani. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. 

“Hindi naman pwede ’yon, aalagaan pa kita hanggang sa pagtanda. Nakausap ko na ang langit kagabi at pinayagan na niya ako na gawin ’yon.”

Mahina ko siyang tinampal, “Huwag ka ngang magsalita ng gan’yan!” He just chuckled at me pagkatapos ay hinalikan niya ’ko sa noo. 

They have to run some tests to Khenzie kaya hindi pa muna siya madi-discharge. Two days na akong absent sa school kaya naman pagbalik ko ay tambak ako ng mga trabaho. Hindi pa nakakatulong na unfunctional ako dahil sa mga iniisip. Madalas tuloy akong pagalitan ng mga professor namin. 

Wala akong pinalampas na araw na hindi ko nabibisita si Khenzie. Iyon na ang naging routine ko, minsan nga ay sa hospital ako natutulog para samahan siya. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now