Mabuti na lang at nakapagpa-reserve na ’ko kanina through online, medyo punuan pa naman.

“Prepared ah,” panunuya ni Khenzie. Pagkatapos maupo ay inabotan na kami ng menu.

“Ikaw na mag-order sa ’kin,” aniya sabay kuha ng kanyang cellphone sa bulsa. Alam ko na ang gagawin niya. Maglalaro na naman ng ML! 

“Wala ka talagang pinipiling lugar ’no?” Ngumisi lang siya sa ’kin at nagpa-cute. 

“One game lang,” aniya pa. Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang pagtingin sa menu. Mukhang matagal pa naman bago e-serve ang pagkain kaya pinabayaan ko na si Khenzie. Minsan naiintindihan ko rin siya, stress reliever niya ang paglalaro at nag-eenjoy siya sa ginagawa. Gano’n din naman ako sa pagbabasa. 

Mabuti na lang at walang ibang bisyo si Khenzie bukod sa paglalaro. Pero syempre, kailangan niya pa rin ng limitations. 

Dahil busy siya, inabala ko na lang din ang sarili sa pagtingin ng wattpad account ko. Marami nang update! 

Napangiti ako nang ma-realize ang sitwasyon namin ni Khenzie. Wattpader ang ml player. I’ve read some post before that wattpader and ml player don’t fit for each other, but I don’t believe on it.

The only thing I believe is that God is a perfect match maker.

***

“Ipapa-junkshop na raw ba?” tanong ni Khenzie nang nasa elevator na kami paakyat sa unit namin. 

“Wala pa ’kong update, itatanong ko bukas.” Inirapan ko siya, palibhasa brand new ang kotse niya! Mabuti na lang at maluwag na ang schedule ko next week, hindi ko na kailangan mag-site visit. 

“So, bukas sasabay ka sa ’kin?” may ngiti sa labing aniya. 

“Ano pa nga ba?” 

“Naku, mahal pa naman ang gasolina ngayon!” pagpaparinig niya. He stretched his arms para akbayan ako. Agad na bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Tsaning ’to! 

May sasabihin sana ako kaso bumukas na ang elevator. Naunang lumabas si Khenzie sa ’kin kaya pinanlakihan ko siya ng mata. 

“Bakit ka bababa? Hindi ito ang floor mo!” singhal ko. 

“Nagugutom ako, pakain sa condo mo.” Pagkatapos ay kumaripas na siya papunta sa tapat ng unit ko. 

“Kakakain pa lang natin gutom ka na agad? Ilan ba bodega mo sa tiyan?” inis kong ani habang sinusundan siya. 

“Nagutom ako sa pagda-drive.” 

“Pabigat ka sa budget ko!” ani ko nang maabutan siya. Ngumisi lang naman siya at umakbay sa ’kin. Sa kapal ng apog ni Khenzie, nauna pa siyang pumasok sa unit ko. 

Napasimangot na lang ako nang makita ang plastada niya sa sofa ko. At home na at home ang kupal. 

Dumeritso muna ako sa kwarto para magpalit ng pambahay. Paglabas ko ng sala ay nakapikit na si Khenzie. Sumimangot ako at maingat na lumapit sa kanya para hindi siya magising. Pagod na siguro ’to, ang dami niya ring projects, eh.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Khenzie, mukha siyang anghel kapag tulog. Hindi mo aakalaing puros kalokohan ang nasa utak kapag gising. 

Hindi ko masabi kung ano nga ba ang ipinagbago niya physically sa lumipas na mga taon. Lagi ko kasi siyang kasama, but his body toned up well. Nag-gi-gym na rin kasi sila ni Brix from time to time.

I looked at his dump lips, when was the last time I kiss those lips? Hindi ko na maalala. Natuwa ako kakatitig sa kanya kaya gulat na gulat ako nang bigla niyang hulihin ang palapulsohan ko. Agad na sumalampak ang katawan ko sa bisig niya nang hilahin niya ’ko. 

My eyes widened, my body fits perfectly on his. “Hey!” suway ko sa kanya. Tatayo sana ako pero niyakap niya lang ako nang mahigpit. Natukod ko tuloy ang dalawang kamay sa dibdib niya. 

“Sandali lang,” malambing na aniya habang yakap ako. I sighed heavily, here is the clingy Khenzie again.  

“Trabaho?” tanong ko, tumango lang naman siya. I felt his hot breath tickling on my neck and it really sent shivers down my spine. Ilang minuto ko na lang siyang hinayaan na yakapin ako. May mga ganito talagang pagkakataon sa ’min, especially when we need comfort from each other.

When the world seems so draining, our rest is each other. 

“I miss you,” he whispered. 

“Lagi tayong magkasama nami-miss mo pa rin ako?” 

“Kahit ganito ka kalapit sa ’kin, miss pa rin kita.” 

“Sabi mo, makikikain ka lang. Iba ’to, ah?” I half heartedly warned him. He just chuckled. “Tsansing ka ngayong araw.”

“Gusto mo naman?” pilyong sagot niya. Agad ko siyang tinulak para makawala sa kanya.

“Kung umuwi ka na kaya sa unit mo?” banta ko. Natatawa naman siyang umiling.

“Kakain pa ’ko rito, anong ulam mo?”

“Malamig na adobo!” I smiled sheepishly.

“E-microwave mo ’yan, wala kang ka-effort-effort sa ’kin,” nagtatampo kunwaring aniya.

“Arte mo, ah? Ikaw na nga lang ’tong makikikain,” ani ko sabay ngiwi sa kanya. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ