“Pasakay,” sabi ko habang nilalapag ang mga gamit ko sa backseat katabi ng kanya.
“May bayad ’to,” aniya pagkatapos paandarin ang sasakyan. Agad naman akong sumimangot.
“Buraot ka!”
“Sabi ko naman sa ’yo ipa-junk shop mo na ’yang sasakyan mo! Lagi ka na lang nasisiraan, ang yaman mo na hindi ka makabili ng sasakyang brand new?” Inirapan ko lang siya. Palagi na lang gan’yan ang linya niya t’wing nalalaman niyang nasiraan na naman ako ng sasakyan.
Anong mayaman ang pinagsasabi niya? Ni wala pa nga akong naipon kababayad sa unit ko! Mabuti na lang at fully paid na iyon ngayon.
“Yabang, porquet bago ang sasakyan.”
“Magbayad ka.” At siningil pa talaga ako!
“Wala akong pera.”
“Ikaw, walang pera? Ilang libro nadadagdag sa shelves mo buwan-buwan?”
“H’wag mong isali sa usapan ang mga asawa ko.” He chuckled at me.
“Asawa huh, dami mo ng kabit. Sino’ng legal sa kanila?” panunuya niya.
“Ikaw,” deritsong sagot ko. Agad naman siyang ngumuso, nagpipigil ng ngisi.
“Sige na nga, date mo na lang ako. ’Yon na bayad mo sa ’kin.”
“Oo na!” pagpayag ko. Nag-usap kami na after work na lang magkita for dinner. Gusto ko ring e-celebrate ang new project niya.
I did some paper works in the office, nang matapos ay umalis ako bago magtanghalian para sa site visit. Sa labas na rin ako nag-lunch.
Kanina ay tumawag na ’ko ng maintenance para sa sasakyan ko. I also checked my schedule kasi magiging busy ako next week. Tutulong ako sa last minute preparation ng kasal ni Nicole.
“Saan kaya maganda?” bulong-bulong ko habang naghahanap ng magandang restaurant sa internet. Nang may nahanap ay bumalik na ’ko sa office.
I attended a meeting, nang matapos ito ay wala na ’kong ibang ginawa kun’di ang mag-sketch.
Patapos na ang working time pero nasa mesa ko pa rin ako nag-e-sketch. Masyado akong nalibang sa ginagawa kaya hindi ko napansin ang oras. I tried designs with geometric patterns and added it with some contemporary designs. I’m not good into this but it turns out very well!
“Busy?” Nagulat ako nang bigla na lang dumungaw si Khenzie sa mesa ko. Muntik ko nang makalimutan!
Natataranta akong tumayo at nag-ayos ng gamit, sapo-sapo ko pa ang noo. “Kanina ka pa ba? I’m sorry I forgot.”
“It’s okay, take your time.” Umiling ako sa kanya.
“It’s fine, hindi naman ’yan importante, I just tried sketching something new and out of the box designs.” Tumango siya at tiningnan sa mesa ang ginawa ko. I looked at his eyebrows while staring at my work, bahagya itong tumataas habang sinusuri ang ginawa ko. Napangiti na lang ako sa kanya.
“Kapag natapos ’to ako gawin mong engineer.” Wala pa nga pinapangunahan na niya. Ngiwi lang ang sinukli ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.
Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na kami ni Khenzie sa parking lot. Nang makasakay sa shotgun seat niya ay inilagay ko ang mga gamit sa likod.
“Saan tayo?” He started driving.
“Nakahanap ako ng magandang place sa internet,” ani ko habang pinapakialaman ang kanyang waze. I typed the Limira Night Cuisine there.
Malapit lang ang place kaya saglit lang ang naging biyahe namin. It’s an amazing place, a garden restaurant filled with romantic lights and scenery. Para sa couple talaga ang restaurant na ’to, sabayan pa ng melo music na pumapainlang sa paligid.
BINABASA MO ANG
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 22
Magsimula sa umpisa
