“Sayang naman kayo, pero mukhang may comeback naman ’di ba?” Tipid lang akong ngumiti sa kasama kong architect. Kami na tuloy ang naging usapan sa tanghalian na ’to!
“Ilang years na kayong hiwalay?” tanong ni Eng. Fidalin.
“Four years.” Nagkatinginan kami ni Khenzie nang sabay kaming sumagot.
Our lunch break end up of them teasing me and Khenzie. Hindi kasi nila alam na mag-ex kami. Ngayon lang namin kinumpirma ang estado ng relasyon namin.
Pagkatapos mag-lunch ay sabay na rin kaming umakyat sa mga floors namin. Magkaiba ang floors ng Engineering and Architecture pero parehong nasa mataas na palapag sa cafeteria.
Breaking up with Khenzie four years ago was never easy, pakiramdam ko ay bumalik ako sa square one. Masyado niya akong sinanay na nand’yan siya, kaya kailangan ko ring sanayin ang sarili ko ng wala siya.
I remember the first week of our break up, halos gabi-gabi akong umiiyak. Iniiwasan ako ni Khenzie na mas lalong nagpahirap sa ’kin.
Pero bago siya umiwas sa ’kin, he promised to me na babawiin niya ang mga failures niya, he’ll do everything para sabay kaming grumaduate.
Noong una ay sobrang hirap, hanggang sa nasanay na lang kami. Hindi na kailangan ng extra effort para iwasan ko si Khenzie at iwasan niya ’ko. Sa sobrang busy naming dalawa hindi na kami nagkikita sa campus, lalo na noong nag OJT na siya, halos dalawang buwan yata kaming ’di nagkita?
Kaliwa’t kanang plates ang hinarap namin lalo na noong palapit na ang finals. Kulang na lang mabaliw ako kapapasa ng requirements ko.
May mga times na gusto ko na lang umiyak at tawagan si Khenzie, buti na lang at napigilan ko ang sarili. Kasi kahit nag-failed ang relationship namin, alam ko sa puso ko na takbuhan pa rin namin ang isa’t isa.
Pero kahit mahirap, nagsumikap pa rin ako. I broke up with Khenzie not only for myself but for the both of us. I’m lucky to have Khenzie by my side pero ayaw kong magpaka-selfish. I want Khenzie to explore the world with free wings, without me. Isa pa, may mga bagay na hindi namin matutuklasan kung pareho kaming nakatali sa isa’t isa.
Without relying on Khenzie, I learned a lot. I became stronger and it made me who I am today.
What I achieved, what I succeeded today? Masasabi kong masaya ako sa lahat ng naging desisyon ko.
We’re friends and casual to each other pero syempre marami na ang nagbago pagkatapos naming maghiwalay.
Proud na proud ako habang pinapanood siyang umakyat ng stage. He made it, we made it!
Pagkatapos ng ceremony nila ay agad niya akong sinalubong ng yakap, noong una ay nagulat ako pero kalaunan ay niyakap ko rin siya. Umaangat na ang paa ko sa lupa sa higpit ng yakap niya sa ’kin.
Kanina pa natapos ang graduation ceremony namin, mabuti at naabutan ko pa ang ceremony nila Khenzie. Sobrang saya ko para sa ’ming dalawa.
“Hindi na ’ko makahinga,” bulong ko sa kanya dahil sobrang higpit na ng yakap niya. Agad niya naman akong binitiwan. Pinakita niya sa ’kin ang diploma niya, proud na proud.
“Congrats epal!” pang-aasar ko. Ngayon ko na lang siya ulit natawag ng gano’n.
“Congrats din, Bal.” Nagkatitigan kaming dalawa, happiness is reflected in our eyes. Naputol lang nang tinawag kami ni Tita Gen.
“Picture kayo!” Ngumiti ako sa camera nang inakbayan ako ni Khenzie.
“Isa pa!” Mag-pe-peace sign sana ako kaso nabitin sa ere nang hinalikan ni Khenzie ang pisngi ko.
YOU ARE READING
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 22
Start from the beginning
