“Kakausapin ko po siya.” Tinatagan ko muna ang sarili bago nagpasyang bumaba. Pagbaba sa sala ay naabutan kong nakaupo si Khenzie sa sofa, nang makita niya ’ko ay agad siyang napatayo.
“Yanna—”
“Khenzie umuwi ka na.” Nilampasan ko siya at dumeritso ako papunta sa gate namin para ihatid siya. Sumunod naman siya sa ’kin.
“Yanna, may problema tayo.” Hinawakan niya ’ko sa braso kaya napatigil ako.
I sighed, “Uulan na kaya umuwi ka na. Magpahinga ka sa inyo.” Umigting ang panga niya sa sinabi ko.
“Gusto kitang makita pero pinagtatabuyan mo ’ko?” I saw the pain on his eyes. Parang tinarakan ng punyal ang puso ko.
“Khenzie naman, eh! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!” nahihirapan kong ani. Sa ginagawa niya ay mas lalo lang akong nahihirapan.
“May nagawa ba ’kong mali?” kunot-noo niyang tanong. Humakbang siya palapit sa ’kin kaya napaatras ako.
“Wala—”
“Bakit ka dumidistansya sa ’kin? Bakit parang tinataboy mo ’ko?”
“Khenzie, mag-break muna tayo.” Agad siyang natigilan sa sinabi ko. Shock was evident on his face.
“Why?” mahinang aniya.
“Khenzie, I want to stand on my own!” Hindi ko na napigilan ang maiyak.
“Yanna, nakatayo ka sa sarili mong paa!” pilosopong aniya.
“Khenzie naman, eh!” sigaw ko pabalik. The rain started to fall but we both didn’t mind it. “I’ve been so dependant to you! Hindi ’yon nakabubuti para sa ’kin at para sa ’yo. Mali iyon!
“Wala akong pake kung sa ’kin ka umasa Yanna! Doon din naman tayo papunta!”
“I want to find myself again, ’yung Yanna na independent, ’yung Yanna na kayang tumayo sa sarili niyang mga paa, malakas ang loob na bumalik sa Pilipinas kahit na mag-isa!”
“Yanna naman, pwede ka pa rin namang maging independent ng hindi nakikipaghiwalay sa ’kin ’di ba?” Mas lalo akong naiyak nang lumuhod siya sa harapan ko. Kahit na umuulan ay alam kong umiiyak siya.
“Khenzie please, this is for us.”
“Please don’t break up with me, I love you so much Yanna. I beg you please don’t do this,” pagmamakaawa niya.
“Please Khenzie, let’s break up,” namamaos kong sabi.
***
“AKALA ko talaga nililigawan ni Eng. Reñieva si, Architect,” ani Eng. Garing. Nakangiti naman akong umiling.
“M-mag ex kami,” awkward kong ani sabay tingin kay Khenzie na kanina pa nakatingin sa ’kin.
Gusto ko lang naman mag-lunch nang matiwasay, kaya lang ay table na lang ng mga engineer na ito ang may available chair kaya rito kami nakiupo. Inintriga nila ang relasyon naming dalawa ni Khenzie kaya nauwi sa ungkatan at usapan ng past.
“Akala ko nagliligawan lang ang dalawa. Kung hindi ko pa nakita ang picture frame ng graduation n’yo ni Eng. Reñieva sa table niya ay hindi ko malalaman na matagal na kayong magkakilala,” Eng. Garing said. Nasa mid 50s na siya pero sobrang jamming na tao kaya naman napapasama sa grupo nina Khenzie kahit na senior nila ito.
Inirapan ko lang si Khenzie dahil nahihiya na siya sa usapan. Ako rin naman, ngayon lang napag-usapan ang bagay na ’yon dito sa trabaho.
“Naabutan ko pa sila sa Trivino University,” Eng. Fidalin said. Hindi ko siya nakita sa University before pero naging señior namin siya.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Ficção Adolescente| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 22
Começar do início
