Sa school ay hindi ko na nakita pang pumasok si Fenix. Ang mga barkada niya ay nakipagkasundo kay Tita Gen kaya naman absuelto. I want to push the demand pero parents na namin ang nagdesisyon.
I’ve heard na wala naman daw kinalaman si Fenix. Hindi ’yon inutos ni Fenix sa kanila at sila lang ang nagkusa. But still, para sa ’kin ay kasalanan niya pa rin.
***
Suot ko pa ang uniform ng architecture department nang pumunta akong hospital. Sa labas pa lang ng room ni Khenzie ay dinig ko na ang ingay ng mga barkada niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan kaya naman hindi nila ako napansin.
“You failed two subjects Khenzie!” Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Brix.
“Sorry about the reporting.” I heard Khenzie.
“Naiintindihan ko naman ’yon, eh. But come to think of it Khenzie, masyado ka nang focus kay Yanna na napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. I’m not against with you and Yanna but I’m just concerned with you. Nagpapabaya ka na Khenzie. Puros ka na lang Yanna, kesyo nando’n si, Yanna kaya roon ka. Man, think of yourself.”
“Walang kasalanan si, Yanna rito,” matigas na ani Khenzie.
"Oo, walang kasalanan si Yanna pero—” Hindi ko na pinatapos ang pakikinig sa pagtatalo nila Khenzie. Bumigat bigla ang dibdib ko, sobrang gulo ng isipan ko.
I ask Tita Gen about it and she confirmed it to me. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Realization dawned on me. He failed because of me, napapalayo na rin siya sa mga kaibigan niya dahil sa ’kin.
Umuwi ako sa bahay na tila nawalan ng buhay. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay sunod-sunod na ang mga naging paghikbi ko.
I think of Khenzie and our relationship for the past years. Masaya kami sa isa’t isa kahit na may mga pagtatalo. Kapag magkasama kami masaya lang at walang problema. Pero wala nga bang problema?
Everytime I’m asking for his time, he’s always willing to give it to me. He’s not busy, ’yon ang lagi niyang sagot. Pero hindi iyon ang totoo. Sinasabi niya lang ’yon para mapuntahan ako.
I’ve been so dependent on Khenzie. Halos sa kanya ko na inaasa lahat na para bang hindi ako mabubuhay kung wala siya. Ang selfish ko!
Masyado kong sinanay ang sarili ko sa kanya kaya kasalanan ko ito.
Khenzie is lying there because of me. Khenzie failed two subjects because of me. Khenzie’s friends were jealous and that’s because of me!
Nasasaktan ko si Khenzie dahil sa pagmamahal ko sa kanya. This is not healthy for the both of us anymore.
***
“I love you Bal,” he said over the phone. “I miss you.”
I bit my lower lip to stifle my sobs, “I love you too.” Pinatay ko na ang tawag pagkatapos. Tatlong araw na akong hindi nakadalaw sa kanya, malapit na rin siyang ma-discharge. He’s asking me bakit hindi na raw ako nadalaw. Sabi ko lang ay busy ako.
Ang totoo kasi ay wala akong mukhang ihaharap sa kanya pagkatapos ng mga nalaman ko.
Sobrang hirap lumayo sa kanya pero alam ko na ito lang ang tama na magagawa ko para sa kanya.
Hindi ko inakala na sa gabi ring iyon mangyayari ang lahat. It’s vivid on my memory, I remember it all too well.
“Yanna, nasa labas si Khenzie.” Hindi na ’ko nagulat nang sabihin iyon ni Mommy. Nalaman ko kay Tita Gen na pinilit ni Khenzie magpa-discharge ngayon kaya expected ko na ang pagpunta niya sa ’min.
BINABASA MO ANG
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 22
Magsimula sa umpisa
