Wala akong reklamo kahit na hirap din ako sa schedules at stressing din ang mga requirements ko. Makita ko lang siya, makasama ko lang siya ayos na ayos na sa ’kin kaya wala akong pinagsisisihan. 

Pero syempre kailangan ko ring bumawi, Yanna will get mad at me kapag nalaman niya ’to.

***

I fixed the end of my button down light green polo partnered with a black leather shoes and maong pants. 

“Sana lang ’di tayo gisahin ng tanong ni Mr. Magpale mamaya!” dasal ni Brix sa tabi ko. May presentation kasi kami, timing naman at groupmate ko ang itlog na ’to.

I check my phone pero walang text ni Yanna. Tapos na kaya ’yung mag-snack? 

And speaking of Yanna, she is calling! Naks! Pampagood vibes bago mag-present! 

“Ay, jowa na naman niya ’yan.” Nginisihan ko lang si Brix sa mapait niyang tono. Sinagot ko muna ang tawag bago lumayo sa kanila.

“Hello, Bal—”

“Khenzie! Tulongan mo ’ko! kinuha nila ako!” Agad na nag-unahan sa pagdagundong ang dibdib ko nang marinig ang takot na takot niyang boses.

“Ano’ng nangyayari?” sigaw ko. “Yanna!”

“Kunin mo ’yung cellphone tanga!” Narinig kong may nagsalita mula sa linya niya.

“Ibalik mo ang cellphone ko!” I heard Yanna’s scream. I heard a static voices after, paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Yanna pero ’di ko na marinig ang boses niya. But the phone call is still ongoing. 

“Yanna, please nasaan ka?” Naghalo ang emosyon sa sistema ko, taranta, pangamba, at takot. Nanginginig ako at hindi ko alam ano ang gagawin.

“Khenzie, magsisimula na tayo. Mamaya na ’yang bebe time,” tawag sa ’kin ni Brix. Inilingan ko naman siya. 

“Kailangan ako ni Yanna, may emergency,” kinakabahan kong ani. Nalilito na ’ko sa gagawin dahil walang sumasagot sa kabilang linya.

“Yanna na naman? Nababaliw ka na ba!” galit na singhal sa ’kin ni Brix. Sa ibang pagkakataon ay nasapak ko na siya. Ngunit abala ako sa pakikinig sa kabilang linya. Hindi ko alam saan ko siya hahanapin! Pakiramdam ko ay mababaliw ako.

“Bitawan n’yo ko sabi, eh!”

“Yanna!” I tried calling her pero alam kong imposibling marinig niya ’ko. 

“Itago n’yo sa likod ng la pieta para walang makakita!” 

La pieta? Nang marinig ko iyon ay agad na akong tumakbo. Ang alam ko ay may statue ng la pieta sa plaza katabi lang ng University namin.

Takot na takot ako para kay Yanna. Hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama sa kanya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko! 

Nang matanaw ang la pieta ay agad kong nakita ang lalaking nakatayo roon at naninigarilyo. Balikat niya lang ang nakikita ko dahil nasa likod sila ng statue.

“Ano ba ang kailangan n’yo sa ’kin, pera? Wala kayong mapapala hindi ako mayaman!” Habang tumatakbo palapit ay naririnig ko ang sigaw ni Yanna.

Agad kong sinalubong ng suntok sa panga ang lalaking nakita ko. Hindi ko na alam ano ang nasa isip ko, ang mahalaga sa ’kin ay maligtas si Yanna.

“Khenzie!” sigaw ni Yanna nang tumalsik ang lalaki. Nagmamadali ko siyang dinaluhan at niyakap, naiiyak na siya at pakiramdam ko ikababaliw ko ang pagluha niya.

“Nandito na ’ko,” I whispered at her. Hinalikan ko ang kanyang noo. Puno ng takot ang kanyang mga mata, namumula ang kanyang pisngi at nakatali ang kanyang mga kamay sa likod.

Tuloyan na siyang napahagulhol sa pag-iyak kaya niyakap ko siya nang mahigpit. Napabitaw lang ako nang may humila sa braso ko. 

“Khenzie!” sigaw ni Yanna nang may sumuntok sa ’kin. Doon ko lang nakita ang tatlo niya pang kasama, apat silang lahat na kumuha kay Yanna. Kilala ko sila, sila ’yung mga siga sa school na mga anak daw ng stock holders. Ka-batchmate namin ang mga ito. 

“Anong kailangan n’yo sa girlfriend ko?” matigas kong ani. Yanna stood up, I pulled her arms and hid her behind my back.

Mayabang na ngumisi sa ’kin ’yung lalaking sinapak ko, kagaya ko ay putok na rin ang kanyang labi. “Ikaw ’yung boyfriend? Edi tamang-tama!”

“Tumakbo na lang tayo,” umiiyak at kinakabahan niyang bulong sa ’kin. Running is a wrong choice, maabutan din kami lalo na’t apat sila. Isa na lang ang paraan ngayon, I need to fight them.

“Just stay behind my back,” I said to her. 

“Hawakan n’yo ’yan!” utos ng lalaking mukhang leader yata nila. Agad namang humakbang ang dalawang lalaki palapit sa ’min.

Nang lumapit ang isa ay sinalubong ko ito ng suntok. I did the same to the other guy pero nakaiwas ito. Nang akma siyang susugod ay isang sipa ang pinakawalan ko kaya naman tumilapon ito. Abala ako sa isa kaya hindi ko napansin ang papalapit na suntok, agad itong tumama sa mukha ko.

All I can hear is Yanna’s cries. Akma siyang lalapit nang matumba ako pero agad na may pumigil sa kanya.

Hindi pa ako nakakabawi ay may sumampa na sa ’kin, sunod-sunod ang pagpapaulan nito ng mga suntok.

“Khenzie! Please itigil n’yo na ’to!” 

“Yabang mo, ah?” ani ng lalaking nakapatong sa ’kin. Sinapak niya ’ko nang paulit-ulit, nang makontento ay tumayo siya at sinungalngal si Yanna.

“Ayan ba ang hindi mo pinagpalit kay boss? Lampa! Bakit ba kasi ikaw pa nagustohan niya? ’Yan napapala mo.” Dahil doon ay dinuraan siya ni Yanna.

“Sabihin mo sa boss n’yo na demonyo siya!” Akma niyang sasampalin si Yanna kaya kahit na nanghihina ay pinilit kong tumayo upang pigilan siya. Tinulak ko siya ngunit sapak muli ang natamo ko sa isa pa nilang kasama.

“Tigilan n’yo na ’yan please!” Yanna begged. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko at talagang nanghihina na ’ko. Muling napabaling sa kabilang side ang pisngi ko nang isa na namang suntok ang dumapo. Hilong-hilo na ’ko at hindi ko na maikilos ang katawan. 

“Ituring n’yo ’tong aral, huwag na huwag ninyong babanggain si, Fenix!” ani ng isa. Napabulagta na lang ako sa damuhan, hindi ko na maikilos ang katawan.

Nakita ko ang pagtulak nila kay Yanna sa ’kin bago tuloyang umalis. Naiiyak na lumapit si Yanna sa ’kin, noong una ay hindi niya alam paano ako hahawakan. Puno ng luha ang kanyang mga pisngi.

“K-khezie!” Umiling lang ako sa kanya. She’s safe now and that’s all that matters to me. 

Wala akong pinagsisisihan, mula ng makilala ko siya, hanggang sa umabot kami sa puntong ’to. 

“I’m sorry,” pumiyok ang kanyang boses. Sinikap kong magsalita para sa kanya ngunit wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko.

“I love you,” I mouthed at her. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. I closed my eyes, I don’t know what’s going to happen next but I’m glad she’s safe. 

I love her so much, a life without her is impossible. 

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now