Nang makaalis ang prof namin ay agad na kaming nagsitayuan. First day of school pa lang naman kaya hindi pa masyado hectic. Napasulyap ako kay Stevan nang nauna siyang lumabas. Tumayo siya sa labas ng pintuan at mukhang may hinihintay. 

Sabay kaming tatlo na tumayo nina Elaiza at Reehnah. Expected ko nang makikita ako ni Stevan pero nagulat ako nang pagdating sa pintuan ay binati siya ni Elaiza. 

“Best!” ani Elaiza sa malambing na boses. 

Stevan’s serious eyes looked at me. I widely smiled at her, pero tipid na ngiti lang ang iginanti niya.

“Yanna,” tawag niya sa pangalan ko. 

I smiled at her, “Hey, long time no see?”

“Magkakilala kayo?” gulat na ani Elaiza. Sasagot na sana ako nang si Stevan ang sumagot. 

“Yeah, we’ve met before,” tipid na aniya. Ipinakilala ni Elaiza si Stevan kay Reehnah. Hindi na ’ko kumibo nang matanaw kung sino ang paparating.

“Bal,” Khenzie’s hand automatically went on my shoulder.

“Mabuti maaga kayo natapos?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa ’kin at ngumiti.

“Oh, Stevan! Magkaklase kayo?” casual na tanong ni Khenzie.

“Yeah, sa subject na ’to.” Bumaling si Khenzie kay Elaiza na katabi ni Stevan. Nakita ko ang dumaang gulat sa mukha niya, pati ang reaction ni Elaiza ay gulat din. 

“Cyan, mga ka-blockmates ko nga pala. Sina, Elaiza at Reehnah,” pagpapakilala ko.

“H-hi, we’ve meet again.” Agad akong napabaling kay Elaiza.

“Ah, oo nga. Nagkabanggaan kami kanina sa hallway, nagmamadali kasi ako kaya nabangga ko siya.” Khenzie explained to me. “Sorry ulit.” 

“A-ayos lang,” nahihiyang aniya.

Agad na kaming nagpaalam sa kanila. Naghihintay na rin kasi si Nicole sa cafeteria, kasama namin siyang magla-lunch ngayon. Nicole’s been depressed for the past month because her Lolo-dad died kaya gusto ko siyang bantayan sa abot ng makakaya ko. 

“Seriously? Hanggang dito ba naman hindi pa rin kayo maghihiwalay?” Bungad ni Nicole nang magkita kami.  

“Seriously? Huwag ka ngang bitter!”

“Ano’ng order n’yo? Ako na bibili,” presenta ni Khenzie.

Magsasalita na sana si Nicole kaya inunahan ko na siya, “Ampalaya para kay Nicole.” She immediately glared at me.

Nang umalis na si Khenzie ay agad kong kinamusta si Nicole. Nagmo-model na siya ngayon, malaki ang naging tulong ng modeling sa kanya para may iba siyang pagkaabalahan. 

We spent the lunch time talking to each other, naging topic namin ang unang araw ng klase. 

***

“Bye!” I kissed his left check. Hindi ko na siya hinayaan na ihatid ako dahil medyo malayo ang room ng sunod niyang klase.

Dumeritso muna ako sa powder room para mag-ayos ng sarili. I went inside a cubicle and do my things there. I was about to flushed the toilet nang makarinig ako ng pamilyar na mga boses.

“Crush mo siya hindi ba?” I’m sure it’s Stevan’s voice. 

“Maybe?” Ang mahinang boses ni Elaiza ang sunod kong narinig.

“Don’t worry, I’ll introduce you to Khenzie properly, we’re close friends,” Stevan said. 

Agad namang kumunot ang noo ko. Si Elaiza? May crush kay Khenzie?

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt