“Hmm, marami! Choco otap, salvaro, pan de bisaya, puto boli,” sagot nito.
“Khenzie, ’Yon na lang e-shoot natin muna. Tikman natin food delicacies nila!” excited na aniya. Kulang na lang ay magningning ang mga mata niya.
“Basta pagkain talaga excited ka,’no?” pambabara ko. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin.
“Para sa vlog ’to, ’no!” depensa niya.
“Ginawa mo pang rason ang vlog!” Nginiwian ko siya.
Buong biyahe ay gising kaming tatlo. Sobrang ingay ni Yanna na akala mo ay hindi pagod sa biyahe.
“Sakop na ’to ng Aloguinsan, Baranggay Kawasan.”
Nang magising si Khaiden ay todo ang reklamo niya dahil nahihilo raw siya. Curve ang daan kaya nakakahilo talaga, medyo delikado rin dahil bangin ang ilalim.
Sa labas pa lang ng bahay ay marami ng tao. Busy at halatang may pinaghahandaan talaga.
“Ang laki mo na Khenzie!” Tita Madrid hugged me. Maging si Yanna at Khaiden ay niyakap niya rin.
Kabababa pa lang namin ng van abala na agad si Mama sa sa pagbati sa mga kamag-anak namin.
”Pasok na kayo, dali!” alok sa ’min ng isang hindi ko kilala.
“Khenzie!” Sinalubong ako ni Flyn nang makita niya ’ko. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap.
“Lodi cakes!” sigaw ko nang makita si Fyel, kapatid ni Flyn. Palagi ko siyang ka-duo sa ML.
“Kamusta?” tanong ni Flyn. Bago ko siya sinagot ay binalingan ko muna si Yanna.
“Ayos lang ako. Ito nga pala si, Yanna. Yanna, sina Flyn at Fyel, mga pinsan ko,” pagpapakilala ko sa kanila.
Tipid na ngumiti si Yanna sa kanila, nahihiya. “Ah, Yanna nga pala.”
“Hello, Ate!” Kumaway si Fyel sa kanya. Pinanliitan naman ako ng mata ni Flyn bago lumapit kay Yanna.
Dalawang oras akong nakatulog dahil sa pagod, gano’n din si Yanna. Mabuti na lang at parehong oras kami nagising. May video pa kaming gagawin tungkol sa food delicacies.
“Matutuloy ba si, Lola?” tanong ni Fyel. Nasa sala kaming lahat magpipinsan kasama si Yanna. “I talked to her earlier. Ang sabi ni Mama ay bukas pa raw sila makakarating,” Tita Madrid said. Ang lola na tinutukoy nila ay ang principal ng Trivino High.
“Sila?” Fyel asked.
“Oo, kasama ni Mama si, Elias,” sagot ni Tita. Napatingin sa ’kin si Yanna kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Sinong Elias?” si Fyel sa tabi ko.
“Si, Tito Elias ay pinsan nila Mama. Anak ng kapatid ni Lola Madellaine,” Flyn explained. Napatango naman si Yanna. “Sina Stevan at Tito Elton kaya?” tanong ni Flyn.
Stevan. . . sobrang tagal ko ng hindi naririnig ang pangalan niya, ah.
Sasagot na sana si Tita nang sumingit si Mama. “S-si, Elton pupunta?” gulat na aniya sabay baling kay Yanna.
“Ha? Hindi, nasa ibang bansa si, Elton ’di ba?” nagugulohang sagot ni Tita Madrid. My mother sighed, bumaling ulit siya kay Yanna.
Tito Elton is a family friend, kababata siya nila Mama at Tita Madrid. Dati silang magkapitbahay.
Pagkatapos ng usapang ’yon ay dumating na si Kuya Ben dala ang mga pagkaing kailangan namin. Tinulongan din kami ni Fyel na e-set up ang lamesa at mga pagkain sa likod ng bahay nila.
YOU ARE READING
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Teen Fiction| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 11
Start from the beginning
