Ganito na lang ba palagi? Lagi na lang bang magsisinungaling ang mga taong nakapaligid sa akin?

All this time, I thought okay kami. I thought he’s genuine, ’yon pala tama ang first impression ko sa kanya.

Napadpad ako sa tahimik na pool area. Doon ko iniyak ang lahat hanggang sa mapagod. Muntik na ’kong makatulog sa pagod kung hindi lang nag-ring ang cellphone ko.

Nanghihina ko iyong kinuha sa bulsa ng skirt ko. Isang unknown number ang naka-register pero sinagot ko.

I cleared my throat, “Hello?”

“Hi, is this Ms. Samonte?” Babae ang nagsalita sa kabilang linya.

“Ahm, yes po,” I answered.

“Kindly proceed to the Disciplinary Office Ms. Samonte.” Napabuntonghininga na lang ako pagkatapos ng tawag. Inaasahan ko na ’to.

Dumaan muna ako sa common bathroom at doon naghilamos at nag-ayos. Naniningkit ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.

Walang gana akong naglakad papunta sa Disciplinary Office. I was surprised by the crowd inside. Akala ko ang aabotan ko lang ay si Khenzie at ang principal, nandito rin ang mga kaibigan niya. Saglit kong pinasadahan si Khenzie na ngayon ay putok ang labi.

“Magandang hapon po,” bati ko sa principal. 

“Settle yourself Ms. Samonte,” istriktang sabi nito. Tumango ako at agad na umupo sa tapat ni Khenzie. “Papunta na ang guardian ninyong dalawa,” aniya sa akin

Dumapo ang tingin ko sa nameplate niya sa table. Dr. Madellaine E. Trivino III ang nakasulat doon. May katandaan na siya pero malusog pa rin at istrikta.

Nilibot ko ang tingin sa malamig na opisina, ito yata ang first time kong ma-guidance.

“Habang wala pa si, Mrs. Reñieva sisimulan ko na ang discussion.” Napaubo ako nang tumingin ito sa akin, mukhang ako yata ang unang magigisa. “Ms. Samonte, binasa mo ba ang handbook ng school?”

“Opo,” walang ganang sagot ko.

“Kung ganoon, nabasa mo ang tungkol sa violence?”

“Opo.”

“Bakit ka nanuntok ng kapwa mag-aaral mo kung ganoon?” Hindi ako makasagot. Ginawa ko ’yon dahil sa galit at kagustohang bitiwan niya ’ko. “Kababae mong tao nanununtok ka ng lalaki. Tomboy ka ba, Ms. Samonte?”

“Hindi po!” Natawa ang mga barkada ni Khenzie kaya inirapan ko sila.

“Ano’ng nakakatawa boys? Did you read the school’s handbook?” baling sa kanila ng Principal.

“Opo,” sagot nilang lahat. Mukha silang natokhang sa boses at mga itsura nila.

“I assume na nabasa n’yo ang tungkol sa gambling?” Gaya sa ’kin ay wala ring nakasagot sa kanila.

“Disappointment!” Umiling siya at hinilot ang sentido. “Nakakahiya kayo alam n’yo ba ’yon? Nandito kayo sa school para matuto ng mabuting asal pero kabaliktaran ang naging resulta!” Napapitlag ako nang tumaas ang boses nito. 

“Hindi ba kayo nahihiya sa parents ninyo? Ikaw, Ms. Samonte? Nasa ibang bansa ang Mama mo hindi ba? Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niya ’to?” Napayuko ako sa sinabi ng Principal. She’s right, kapag nalaman ’to ni Mama siguradong magagalit ’yon.

“Kayo boys? Hindi ba kayo nahihiya sa mga magulang ninyong pinaghihirapan ang pera para makapag-aral kayo rito? Tapos ipangsusugal n’yo lang?” Medyo nagulat ako sa sinabi ng principal. Sugal?

“Lola, kumalma po kayo,” nagsalita si Khenzie. I was surprised of how he addressed the Principal. Lola niya si Mrs. Trivino? Oo nga pala, Trivino ang middle name niya.

“Manahimik ka Cyan Khenzie! I’m dissapointed of you. Every action has a consequence. You need to accept your consequences. Matagal ko na ’tong pinag-iisipan. At dahil sa ginawa ninyo na trigger ulit ang isyu na ito. I finally made my decision. Simula rin bukas, banned na ang gadgets sa Trivino High.” Finality is in here voice. I have nothing to say kaya nanatili akong tahimik.

“Paano na po ang mga projects na kailangan ng gadgets?”

“Importante po ang cellphone, huwag naman po ganoon.” 

“Ayaw ninyong ma-banned ang cellphone kasi hindi na kayo makakapag-mobile legends? Edi mabuti!” si Mrs. Trivino.

“Yanna? ’Di ka tutulong sa pangungumbinsi? Ikaw rin hindi ka na makaka-wattpad sa school.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Khenzie. Sino’ng nagbigay ng karapatan sa kanya na kausapin ako?

“Pake ko? I can still read wattpad through books.” Umirap ako at hinarap ang Principal. “I agree po, mas mabuting e-banned ang cellphones and gadgets sa Trivino High.

“Lahat kayo, except kay Ms. Samonte. Bring your parents or guardians tomorrow, mag-uusap pa tayo. Ms. Samonte, deal with your consequence.”

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now