“Ano’ng sabi mo Brix?” kalmado ngunit malamig kong tanong.
’’’Yan, ang daldal kasi!” One of his friends pushed him.
“Ikaw pala, Y-yanna. . .” Nagkamot siya ng ulo. “K-kanina ka pa ba d’yan?”
“Ulitin mo ’yung sinabi mo,” malamig kong ani. Hindi ko kayang balingan si Khenzie kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.
“A-ano. . .”
“Elein.” Kita ko sa peripheral vision ang paglapit ni Khenzie sa ’kin. Nang hawakan niya ang braso ko ay agad ko itong binawi.
“Brix, bakit hindi mo ’ko masagot?” hamon ko. Hindi pa rin pinapansin si Khenzie.
“Yanna, stop that.” Hinawakan ulit ni Khenzie ang braso ko. This time, hinarap ko na siya at hindi lang pagbawi ng braso ang natikman niya sa ’kin. Isang lumalagapak na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Alam kong masakit ’yon. Bukod sa napabaling ang mukha niya sa kabilang banda, namanhid ang palad ko.
Nagsimula sa isang patak ng luha hanggang sa hindi ko na mapigilang umiyak. “I can’t believe you,” matigas kong sambit sa tulalang Khenzie.
Ilang beses akong umiling sa kanya, pinalis ko rin ang luha sa pisngi ko bago siya tinalikuran.
I gritted my teeth and maintained my closed fist na tila ba dito nakasalalay ang lahat ng lakas ko.
“Oh, what happened?” nag-panic si Rhea nang makitang umiiyak ako. Nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko. Sa lakas nang pagkakahila sa ’kin ay agad akong sumalampak sa dibdib niya.
Madali akong nakabawi at agad siyang tinulak. Nagtagumpay ako sa paglayo sa sa kanya pero ayaw niyang bitiwan ang braso ko.
“Bitaw,” malamig kong ani.
“What’s happening?” Rhea asked. Pagod akong tiningnan ni Khenzie, para bang nagmamakaawa siya.
“Ang sabi ko bitiwan mo ’ko Khenzie!” sigaw ko na talaga sa kanya. Nakaka-frustrate siya! Pinalis ko ulit ang luha gamit ang libreng kamay.
“Yanna, pwede kalma ka muna?” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko.
“Kalma, Khenzie?” muntik na ’kong matawa. “Paanong kalma? Sabihin mo sa ’kin paano ako kakalma pagkatapos nang narinig ko?”
“Look, ayokong mag-explain habang galit ka. Mas lalo lang gugulo ang lahat kaya you need to calm down and hear me out.”
“Khenzie, I don’t need your explanation! Walang depikto ang tainga ko at malinaw ang mga narinig ko!” sigaw ko sabay bawi ulit ng braso ko sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko mapagtagumpayan ang gustong gawin.
“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi ka kumakalma, okay? Huwag mong isarado ang utak mo Yanna. Don’t make conclusions!” Sa sobrang galit ko na talaga sa kanya ay nasuntok ko ang mukha niya.
“Oh, my gosh!” Naghiyawan ang mga nakakita sa ginawa ko. Agad na nabitiwan ni Khenzie ang braso ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong umalis.
Patuloy ako sa pag-iyak at pagpalis ng luha. Halos lakad takbo na ang ginawa ko para lang makalayo. Saglit akong natigilan nang makasalubong ko ang gulat na Principal ng Trivino High. Alam kong nakita niya ang ginawa ko pero nawalan na ako ng pake.
I felt betrayed. Parang gusto ko na lang sumabog sa galit at sa sakit na nararamdaman. I always want to keep the pain in me, ginagawa ko ’yon dahil ayaw kong makasakit ng iba. Pero sa ginawa ni Khenzie ngayon? I don’t know if I can handle it. Something from what happened triggered me.
ESTÁS LEYENDO
Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |
Novela Juvenil| Edited Version | Yanna Elein Samonte is your typical Wattpad addict. She's talkative, loud, optimistic and easy to be friend with. Lahat kinakaya niya at dinadaan niya sa tawa at ngiti, gan'yan siya ka-masayahin at positibo sa buhay. For her posit...
CHAPTER 08
Comenzar desde el principio
