I can literally feel my heartbeat on its fast beating. Tulala akong napatitig sa mga mata niyang maaamo pero malakas maka-inis kapag nang-aasar.

Napakatahimik ng paligid para sa ’kin, bumaba ang tingin ko sa naka-awang niyang labi. Wala sa sariling nakagat ko ang pang ibabang labi habang tinitingnan ang kanya.

Muli kong binalik ang titig sa kanyang mga mata kaya naabotan ko siyang nakatitig din sa labi ko. Sa gulat ay napa-atras ako dahilan para mawala ang kakaibang nararamdaman ko.

“Ah, a-ano.” Nangangapa ako nang sasabihin. “Ah, m-may assignment pa p-pala ako!” I stuttered. Binawi ko ang kamay at nagmamadaling tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Sinandal ko ang likod sa pinto nang makapasok. Hinihingal ako at sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

Wala sa sarili kong sinampal nang paulit-ulit ang sarili dahil hindi ko maiwasang hindi matulala. “What’s that Yanna? Why are you feeling this way? Why did you acted that way?” 

Kinagabihan ay nahirapan akong matulog kaiisip sa nangyaring ’yon. Nanaginip din akong ikinakasal! 

Sa panaginip ko ay nakasuot ako ng pink na ballgown habang naglalakad sa gitna ng aisle kasabay ng pag-ulan ng mga petals. Sa dulo ng aisle ay may naghihintay sa ’king lalaki na blurred ang mukha. Akala ko nga ikakasal na talaga ako sa fictional character, kaso biglang naputol ang panaginip ko. 

***

Sa biyahe papuntang school ay pareho kaming tahimik ni Khenzie. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging awkward ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Naglalakad kami ni Rhea sa hallway malapit sa locker area, pinag-uusapan namin si Nicole na wala ngayon. Ang bruha kasi ay bigla na lang pumasok sa council office, may crush kasi siya roon.

Nakita ko sina Khenzie at Brix sa malayo kaya natahimik ako. Malakas ang boses ni Brix kaya habang palapit kami nang palapit ay mas lalo ko siyang naririnig.

“Kamusta ang bet mo kay Yanna?” Kumunot agad ang noo ko nang marinig ang pangalan. 

“Bet,” si Khenzie.

“Mukhang nagtatagumpay ka na sa pagkuha ng loob niya, ah! Ano’ng gusto mong premyo?” si Brix sa kanya.

Nasa locker area sina Brix at Khenzie. Nagkukumpolan sila kasama ang iba pa nilang barkada na parehong gamer.

“Kapag nagtagumpay ka sa pagkuha ng loob ni Yanna, kawawain mo si, Brix! Total siya naman may pakana nito. Saka Khenzie, masyado nating ginagalingan, ah?” Nagtawanan silang lahat, si Khenzie naman ay nakangisi lang habang nakasandal sa locker. 

“Hindi ba dati naiirita ka roon? Desperado ka na bang paalisin sa bahay—”

“Yanna!” Saka lang ako natauhan nang tawagin ni Rhea ang pangalan ko. May sinasabi siya pero mukhang namanhid na ang buo kong katawan. Pakiramdam ko ay sinemento ang paa ko dahil hindi ko makuhang gumalaw. Dahan-dahang bumigat ang paghinga ko, pati gilid ng mga mata ko ay nag-iinit.

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Patuloy sa pagsasalita si Brix na tuwang-tuwa sa ginagawa. At dahil pareho silang nakatalikod sa akin ni Khenzie, hindi nila napansin ang paglapit ko.

“Hey, Yanna!” sinigaw ni Rhea ang pangalan ko kaya natigilan si Brix. Ang grupo nilang maingay kanina ay bigla na lang natahimik.

Bumaling sina Khenzie at Brix sa ’kin, pareho silang gulat at mukhang hindi makagalaw. 

I stared at them coldly. Sa bigat ba naman ng loob ko pagkatapos marinig ang pinag-uusapan nila, ewan ko na lang kung kaya ko pang magpanggap na masaya gaya ng lagi kong ginagawa.

Ms. Wattpader Meets Mr. ML Player ( Trivino Series 03 ) | Edited Version |Where stories live. Discover now