Chapter 38

340 26 0
                                    

MIKO

Umaalon ang ulap sa pulang kalangitan, nangingitim ang daan sa dilim at papalapit na ang mabagal na pag-akyat ng buwan sa araw.

Tumalilis ako sa pagtakbo tungo sa burol kung nasaan ang pinakamalaking balete ngunit hindi ko maiwan ang mga taong nadadaanan ko.

Kahit saan ako tumingin ay may mga baleteng nagbubukas ang lagusan at may mga halimaw na naglalabasan. Panay ang pagtulong ko at pagligtas sa mga sibilyan. At mabuti na lang ay may mga katalonan na sumasaklolo sa amin.

"Miko!" Tinutukan ako ng espada ng mga katalonan. "Halimaw! Paano ka nakatakas?!"

Susugudin na nila ako ng biglang may sumulpot na segben sa pagitan namin. Nasangga niya ang matalim nitong ngipin gamit ang kanyang espada.

Kinuha ko itong tiyempo na makatakas. Nagtungo akong muli sa burol nang mabato ako sa kinatatayuan ko pagkarating sa gitna ng palayan. Dati ay isa lamang itong kapatagan na may malinis na damuhan noong binaba ako ni Rula rito.

Pero ngayon . . . ngayon ay nagkalat na ang dugo rito't bangkay ng tao. At walang pakielam silang tinatapak-tapakan ng mga naglalabang katalonan, aswang, gabunan, amalanhig, tikbalang at iba pang halimaw.

Tss. Naging pabaya ako.

Napigilan ko sana ito dahil alam ko nang mangyayari ito.

Nanlambot ang katawan ko hanggang sa tumulo sa damuhan ang braso kong naging malapot na lason.

[Poison Mimicry Activated!]

[Poison Mimicry: Transform into or have a physical body made up of poisonous substance.]

Tahimik akong nag-obserba at inalam ang mga nangyari nang matagal akong makulong.

"Hazel!"

Napalingon ako sa humahangos na baritonong boses. Nakapalkat ang palakol ni Robert sa ulo ng gisurab at nahihirapang siyang hugutin ito; dahil ang kanyang buong atensyon ay na kay Nurse Hazel na walang malay at buhat ng lumilipad na manananggal.

Dinala ng mananggal ang walang malay na si Nurse Hazel sa may tapat ng kumpulang bangkay. At doon ay inihiga siya sa kamang gawa sa bato.

"Diwata Taligatos, tanggapin ninyo ang panibago naming alay," nakakakilabot ang mahinahong wika ng isang lalaking na nakatalukbong ng puting kapa kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Gago ka ba!" sigaw ni Robert.

Patuloy lamang ang lalaki sa pagbigkas ng hindi pamilyar na lenggwahe habang nakaharap sa napakalaking balete. Sa ituktok ng puno ng balete ay nakapagitna ang araw, at kaunti na lang ay magdidikit na buwan at araw.

Gumapang ako palapit sa altar. Tila maduming dugo lamang akong nagkalat sa sahig kasama ang mga dugong sumisirit sa bangkay kaya walang naghinala sa 'kin.

"Stop this madness, you monster!" sigaw ni Abigail.

Inulan ng hindi mabilang na nagliliwanag na pana ang lalaking nasa tapat ng altar ng may malakas na ihip ng hangin ang humawi rito.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng hangin ngunit hindi ko masilip dahil sa kasalukuyang anyo ko ngayon—isa lang naman akong pulang lason sa lupa.

Nagpatuloy ako sa paglapit sa may altar hanggang sa maaninag ko ang nakapikit na lalaking nagpapaganito.

Saglit. Siya? Paano niya nagawa ito?!

Naglabas siya ng punyal at itatarak na kay Nurse Hazel na walang malay.

[You have disabled Poison Mimicry.]

Naipon ang nagkalat na lason sa kinatatayuan ng lalaki hanggang sa tumaas ito at ako'y maging katawang tao. Sa 'di nila inaasahan ay nasalo ko ang punyal na nalusaw at nagkalat sa altar.

Beast-Eating HeroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora