Chapter 11

369 26 0
                                    

MIKO

Kahit nanlalaki na ang aking mata ay wala pa rin akong makita. Purong kadiliman lamang, at ang tanging pandinig at pang-amoy lamang ang aking maasahan laban sa tikbalang.

[Debuff: Flash Blind will lose your sense of sight and any sensing skills for 10 seconds.]

Bawat kalmot sa akin ng tikbalang ay hindi ko masundan. Kung saan-saan itong direksyon tumitira na may dumobleng bilis, at dumobleng sakit.

[Monster Sensor is disabled.]

'Ni hindi ako makaiwas dahil sa pamamanhid ng aking katawan.

[5 seconds remaining.]

"Ah!" Napaubo ako ng dugo pagtama ng kamao niya sa sikmura ko.

[Your Health dropped to 16%.]

[Health: 27/50.]

Shit!

[3 seconds remaining.]

Wala siyang sinayang na oras. Dumoble pa lalo ang bilang ng suntok at kalmot na natatamo ko sa tikbalang.

[Flash blind has been lifted.]

Katapusan mo na, Petra!

[Monster Sensor Activated.]

Tumaas ang balahibo ko sa 'king batok nang tila may magnet na humahatak mula sa aking likod. At nang mahugot ang aking hininga ay agad akong napalingon sa likuran at dinamba ng yakap ang napagkalaking tikbalang. Hindi ko inalintana ang kanyang bigat nang buhatin ko siya palipad habang nakasalo ako sa ilalim ng kanyang kilikili.

Humihiyaw ang tikbalang at nagwawala – kinampay-kampay niya ang paa niya kaya nawawalan ako ng balanse sa pagpagaspas ng aking pakpak.

"Tingin mo makakatakbo ka pang kabayo ka! Hindi mo na ako matatakasang gago ka!"

Binitbit ko ang tikbalang ng sobrang taas na tipong mababasag ang bungo niya kapag nahulog siya; hanggang sa marating na namin ang ituktok kung saan nanliliit na kami sa gitna ng napagkalaking bilog na buwan.

Dumagundong ang alulong ng tikbalang na siyang nagpatililing ng aking pandinig at nagpasikip ng aking noo. Sa tindi ng pagbigat ng ulo ko ay akala mo puputok na ang ugat sa aking sentido.

[Debuff: Horse power causes migraine within 30 seconds.]

"Fuck! Gaano ba kadami ang kapangyarihan mo, ha?"

Shit!

[25 second remaining.]

Kanina ay nawalan ako ng piningin, ngayon naman ay pangingilo. 'Ni hindi ko na magalaw ng maayos ang aking katawan kaya nawalan na ako ng control sa aking paglipad.

Kapag nagpatuloy ang pagbulusok ko ay parehas na mababasag ang aming bungo!

Anong gagawin ko?

Pagbaba ng tingin ko sa balikat ng tikbalang ay biglang umawang ang labi ko.

Napalunok ako sa panunuyo ng aking lalamunan at nag-iwas ng tingin.

Bakit palagi na lang ganito?

Ngayong naipit na ako sa ganitong sitwasyon at iyon na lang ang nakikita kong solusyon ay bigla kong naalala ang sinabi sa akin ng mama ko: "Hay nako, ang gusto lang naman niyan ay kumain at magpakasarap sa buhay niya. Iyan tuloy at saka siya magkakaundagaga kasi hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. Hindi naman tayo nagkulang sa pagsuporta sa kanya."

Alam kong matakaw ako. Oo.

Dahil sa oras na nalulungkot ako at nahihirapan iyong lang ang tanging bagay na nagpapagaan ng pakiramdam ko. Iyon lang ang bagay na nagpapasaya sa akin dahil kung hindi ay tatakasan na ako ng bait dahil sa pait ng aking reyalidad.

Beast-Eating HeroWhere stories live. Discover now