Chapter 19

308 22 0
                                    

MIKO

Napalingon ako sa direksyon ni Sumakwel na tumawag sa akin. Doon ay nakatayo siya sa gilid ng pinagbagsakan kong kubo kanina. Napatulala siya habang marahas na humahangos at tagatak ng pawis mula sa kanyang pagtakbo.

Parang kanina lang ay gusto na niya akong pugutan ng ulo, ngayon naman ay parang nag-aalala na siya sa akin.

[Health: 220/500]

Bumaling ako pabalik kay Amilay na hawak lamang ang puso ko. Nag-uumapaw na ang kanyang kamay na aking dugong masaganang umaagos; ngunit wala man lang siyang pake ro'n.

Nakatingin lamang siya rito na para itong tubig na dumadausdos sa kanyang katawan; at hindi man lang natatakam tulad ng kung paano siya mauhaw sa dugo ng ibang tao kanina.

"Bakit hindi mo pa ako patayin?" tanong ko sa kanya.

Ngayong nakabukas na ang aking katawan ay naririnig ko na rin ang pagtibok ng aking puso. Paniguradong isang piga niya lang rito ay titigil na ito sa pagtibok.

[Health: 210/500]

"Hindi ka isang tao," sagot niya.

Sabay na nangunot ang aming noo dahil sa tugon niya.

"Hindi ako natatakam sa dugo mo, o sa lamang loob mo. Walang sumisigaw sa isip ko na kainin kita dahil hindi ka isang tao."

Sa sinabi niya ay bigla kong naalala ang Unknown Species Detected kanina. Kung gano'n ay may nagbago nga sa pagkatao ko.

"Sino ka?!" Mas lalo pa niyang diniinan ang paghawak sa puso ko habang nakatunghay na sa mga pakpak ko. "Isa ka bang manananggal?"

[Health: 200/500]

Dumiin ang pagkakahawak niya sa puso ko nang agad kong pinalaki ang aking katawan—abilidad na nakuha ko mula sa kapre.

[You are using shapeshifter.]

Sa paglaki ng katawan ko ay hindi na nagkasya ang puso ko sa palad niya't nabitawan niya ako. Sa wakas ay nagawa kong makalayo sa kanya at muling ibinalik sa dati ang katawan ko.

[You have used 9% Mana.]

[Mana: 155/500]

"Isa ka ring kapre?"

Napakibit balikat ako. "Oo?"

Naggitgitan ang ngipin niya sa inis. Kulang na lang ay sumabog siya sa galit.

" 'Wag kang makielam sa 'king halimaw ka!" Tinalikuran niya ako at tumakbo siya pabalik sa batang lalaking sinakal niya kanina sa ere.

"Isa rin pala akong calag."

Bago pa siya makalapit ay tinuro ko sa kanya ang aking hintuturo. "Aboominal." At pinasabog ang kanyang tiyan.

[You used 39% Mana.]

[Mana: 95/500]

Tumilapon siya paluhod sa lupa, samantalang ako naman ay napasapo ng aking sentido nang umikot ang paningin ko.

Hindi gaya ng ibang aswang na sumasabog talaga ang katawan. Si Amilay naman ay sumusuka lang ng dugo habang nakasalampak sa batuhan.

Pumalahaw naman ng iyak ang batang lalaki sa kamuntikan nang sumakabilang buhay. Napasalampak ang bata sa panghihina niya samantalang ang kanyang ina naman ay nanginginig na ang tuhod at pilit siyang inaaalalayan patayo.

Lalapitan ko na sana sila nang mas lalong lumakas ang iyak ng bata. Natigilan ako at kalmadong tiningnan ang natatarantang ina na pilit na inaalo ang kanyang anak.

"Umalis na kayo diyan. Lumayo na kayo rito," malumanay na utos ko sa mag-ina na nabato na sa kanilang kinalulugaran. Hindi sila makakuha ng lakas para tumayo nang biglang lumapit sa kanila si Sumakwel at tinulungan sila.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon