Chapter 17

336 23 5
                                    

MIKO

Mahimbing akong natutulog nang magising ako sa malamig na humahaplos sa akin. Nagtatayuan ang balahibo ko sa bawat pagdampi ng basang telang sa katawan ko at mukhang nililinis niya ang katawan ko.

"Ano ba!"

Tinulak ko ang kamay niya at pumatagilid sa matigas na kama. Pinagpatuloy ko ang pagtulog ngunit patuloy rin siya sa pagpunas ng aking hubad na katawan.

Wait, hubad?

Pikit mata ako dahil sa bigat ng talukap ng aking mata. Napakapa lang muna ako sa aking sarili at shit!

Wala nga akong damit!

Balikwas akong bumangon nang mauntog ako pabalik pahiga sa kama.

"Aray naman," daing ko habang iniinda ang pagkirot ng aking ulo.

Napasapo ako sa aking sentido habang inaaninag ang walang hiyang nagmamanyak sa napakakisig kong katawan.

"H-Hoy!"

Nakasalampak siya sa may sahig at una kong napansin ay ang mahaba niyang itim na buhok na lumagpas sa kanyang bewang. Kahit mahaba ay hindi ito makalat dahil sa diretsyong-diretsyo ito, at malinis din na nakapusod ito gamit ang maliit na gintong bilog sa may bandang balikat niya.

Ang kakaiba pa ro'n ay ang kanyang tan skin na madaming itim na simbolong nakaguhit mula sa kanyang collarbone hanggang sa sakong.

Habang tinutulak ng estrangherong lalaki ang kanyang sarili patayo ay at saka pa lamang naging malinaw sa akin ang lahat.

Kakaiba rin ang kasuotan niya na may pagkahawig sa kasuotan ng mga halimaw na nakalaban ko sa nakaraang balete-damit na gawa sa makalumang panahon.

Mayroon siyang pulang telang nakatali sa kanyang ulo, pulang sleeveless cardigan na umabot hanggang sa kanyang sakong, at black shorts na pinatungan ng malapad na gintong belt.

Sa dami ng ginto niya ay paniguradong makakaahon ako sa kahirapan kapag ninakawan ko siya.

Mayroon pa siyang tatlong gintong bracelet sa kanang kamay, isang gintong nakapaikot din sa kanyang kaliwang balikat at isa pa ulit sa ibabaw ng kanang tuhod.

"Poon," nag-aalalang hahawakan na niya ako nang itulak ko ang kamay niya.

"Huwag mo akong hahawakan!" paos kong hiyaw.

Hanggang ngayon ay may nagtutusok-tusok pa rin sa ulo't katawan ko dahil nahigop ang buong lakas ko nang dumaan ako sa balete kanina.

Napangiwi ako habang tahimik na iniinda ang sakit ng aking katawan; habang siya ay nanatiling nakaluhod sa tabi ng kamang kinauupuan ko.

Kahit na gawa pa ito sa kawayan ay madami namang telang nakapatong kaya komportable pa rin ako sa aking pagtulog.

Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng malaking bahay kubo, karamihan ng gamit dito ay ataol at basket.

Hanggang sa dumako ang aking paningin sa lalaking nakaluhod pa rin malapit sa akin habang minamatyagan ako.

Kahit wala man lang siyang emosyon ay nakakahugot hininga pa rin ang gintong mata niya na binagayan ng kanyang makapal niyang kilay at prominenteng panga.

'Di ko maiwasang matulala sa kanya nang bigla siyang yumuko at bumati, "Magandang araw, aking poon. Ikinagagalak kong nagkamalay ka na."

Napadasog ako palayo sa kanya at kusang naitaas ko pa sa aking dibdib ang kumot na kumikubli ng hubad kong katawan.

"Sino ka, ah? Anong ginawa mo sa akin?!" hiyaw ko na nagpabalisa sa kanya.

Tatayo na siya nang muli niyang ibagsak ang kanyang sarili paluhod at hinampas palapat ang noo sa kawayang sahig.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon