Chapter 24

334 23 0
                                    

MIKO

"Tulong!"

Magulong bayan ang bumungad sa amin. Umaatungal sa gutom ang mga amalanhig at kinakain ang nahuhuli nilang tao. Ang mga taong kanilang nakakagat ay mangingitim din ang balat at mangungulubot gaya nila hanggang sa sila'y maging amalanhig na ring hayok sa katawan ng tao.

"Inventory!"

Mula sa hangin ay inilabas ko ang mahabang kalis—isang espadang balubaluktot. Wala mang lason pero may basbas naman ng diwata upang tapusin ang mga gumagalaw na bangkay.

ITEM

Name: Kalagan

A sword passed from the generations of legendary katalonans.

Item Class: S+
Type: Kalis
Effect: Divine Cut can end the evil intention of the dead by the blessing of Bathala.

Mabilis na tinawid ko ang distansya namin ng dalagang nadaganan ng amalanhig sa gitna ng kalsada; at walang pagdadalawang isip na pinutulan ng ulo ang amalanhig.

"T-Tulong," hikbi pa ng dalaga habang yakap ang kanyang sarili.

"Ahh!" Paglingon ko sa kaliwa ay may lalaking tumaktabo naman mula sa tatlong amalanhig na humahabol sa kanya.

"Mama!" Ang iba ay nagtatago sa loob ng sasakyan habang may amalanhig na inuuntog ang kanyang ulo sa salamin para mabasag ito.

Nagkalat ang umaatungal na amalanhig at saklolo ng mga tao hanggang sa maaabot ng aking paningin. Maging sa ituktok ng matatayog na building ay may mga taong binabasag ang bintana at tumatalon mula sa ika-anim na palapag para lamang makatakas sa dose-dosenang amalanhig.

"Sumakwel!" Paghanap ko sa kanya ay abala siya sa pagsunog ng mga amalanhig at sa pagbakod sa mga batang nasa tabi niya.

Napalingon siyang saglit sa akin at muling bumalik sa kanyang ginagawa.

"Aboominal."

Hanggang sa abot ng aking paningin ay sumabog ang lahat ng amalahig.

[Mana: 499,000/500,000]

"Protektahan mo ang mga tao." Inabot ko ang aking kamay sa babae at hinatak siya patayo. "Pipigilan ko ang pagkalat ng amalanhig."

Mabilis na bumulong ng inkantasyon si Sumakwel sa anito ni Makilum-sa-bagidan at wala pang isang minuto ay pinalibutan ng pader na apoy ang gitna ng highway.

"Magpunta kayo rito! Poprotektahan namin kayo!" sigaw ni Sumakwel at agad namang nagtakbuhan ang mga tao papasok sa sa pader na apoy.

Madami-dami ang nagtungo rito kaya nilakihan pa ni Sumakwel ang sakop ng safe zone, hanggang sa kasing laki na nito ang pinagsamang dalawang basketball court.

Ako naman ay huminga ng malalim at pinakiramdaman ang buong paligid.

[You are using Monster Sensor.]

[Mana: 498,500/500,000]

Tila kuliglig ang maliliit na ingay sa lahat ng direksyon at mabilis itong kumakalat palabas ng baranggay.

Inarko ko ang aking likod at mabilis na sumulpot ang aking pakpak.

[You have equipped Bat Wings.]

[Mana: 498,000/500,000]

Habang mahigpit ang hawak sa 'king kalis ay lumundag ako paitaas na umabot hanggang sa panglimang palapag. Patuloy akong lumilipad habang inuusisa ang buong paligid.

Beast-Eating HeroWhere stories live. Discover now