Chapter 20

342 26 0
                                    

MIKO

"Kung gano'n ay"—biglang niyang inilihis ang kanyang cardigan hanggang sa ma-exposed siya sa 'king hubad baro—"kainin mo ako!"

Na siyang ikanalaglag ng panga ko.

"A-Ano?" natatangang tanong ko.

Hindi pa siya nakuntento at dumukwang pa siya palapit sa akin.

"Para lumakas ka at maghilom ang iyong mga sugat."

[Health: 21/500]

Impit na natawa ako sa kanya. "Aswang ako o kung anu-ano pang halimaw pero hindi ako kumakain ng tao. Kapwa halimaw ko lang din ang kinakain ko."

"Kumakain ka ng halimaw?"

Tatango-tango akong dumukwit ng kapirasong laman ng gabunan at kinain ito. "Nakukuha ko ang abilidad ng mga halimaw kapag kinakain ko sila."

[You gained +2 Speed.]

[You gained +1 Strength.]

Nagpatuloy ako sa pagdukot ng kapirasong laman ng gabunan habang siya'y pinapanood lamang ako sa pagkain nito. "May lason nga lang kaya huwag mong subukan. No'ng una nga muntikan na talaga ako, kasi kumain ako no'n ng aswang sa sobrang gutom ko. Mabuti na lang talaga hindi tumatalab sa akin ang lason."

[You have consumed a poison.]

[Poison Immunity has countered the poison.]

[You gained +1 Recovery.]

[You gained 91% Health.]

[Health: 143/500]

Habang patuloy na kumakain ay tumataas ang recovery rate ko kaya naman mas bumibilis ang paghilom ng sugat ko. Samantalang siya naman ay panay ang tanong sa akin na pinapaliwanag ko naman habang kumakain.

"Kung gano'n ay hindi ka lamang isang aswang, kung hindi isa kang nilalang na may pinagsama-samang abilidad ng madaming halimaw?"

Tumango ako kay Sumakwel na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa akin.

"Kailangan kong palakasin ang sarili ko para mapatay ko ang Marcupo ro'n sa nakaraang misyon ko."

"Marcupo?!" Muling nalaglag ang panga niya.

Kumibit balikat ako. "Muntikan na rin ako ro'n sa Marcupo, at mas mahirap nga na kalaban na iyon kaysa rito. Ang kaso nga lang dito sa bayan ninyo ay may mga tao akong kailangang protektahan kaya parang naging mahirap din."

"Kahit na kapalit ang iyong buhay ay isinangga mo pa rin ang iyong sarili para sa kanila," sabi niya.

Napakibit balikat ako. "Isa akong katalonan, ang misyon ko ay misyon ko rito. Kung hindi ko kayo ililigtas ay mapapahamak ako at ang mundo ko."

[You leveled up.]

[You have replenished your Health.]

[You have replenished your Mana.]

Tiningnan ko ang dibdib ko at nagsara naman na siya. Medyo malambot pa nga lang at namumula pa ang balat pero okay na.

Iyong pakpak ko naman ay nagkadikit na rin at gano'n din sa likod kong naghilom na rin.

"Kung gano'n ay . . .." Tumayo ako at napapagpag ng kamay matapos kong kumain. "Tapos na ang misyon ko rito!"

"Saglit!"

Nilingon ko si Sumakwel na napatayo na rin at mukhang may sasabihin sa akin nang mapatikom naman siya ng bibig.

"Pupugutan mo pa rin ba ako ng ulo?" basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Beast-Eating HeroWhere stories live. Discover now