Chapter 10

467 24 7
                                    

MIKO

"Hay nako! Siraulo pala iyang kaibigan mo! Kaplastik! Traydor!" Napalipad si Rula mula sa tuhod ko at pinagtatadyakan ang nagkalat na dahong hindi nasunog.

Tipid akong natawa sa kanya. "Gano'n talaga, lahat nagbabago. Hindi mo alam kung hanggang kailan mo ba kaibigan ang isang tao."

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang aking slacks matapos ng aking mahabang kuwento sa kanya.

"Dapat maghigante ka ro'n kapag nakabalik ka na sa mundo niyo. Pugutan mo ng ulo tapos isabit mo! Para kapag nakikita mo ulo niya, makakalimutan mo lahat ng sakit na dinanas mo rito."

Napangiwi ako ro'n. Seriously? Halimaw ba siya?

Napabuntong hininga ako at inilabas lahat sa kabilang tenga ang kagaguhang sinabi niya. Nakalimutan ko. Maligno nga pala ang kaharap ko na ito ngayon.

"Oh? Saan punta mo?" tanong niya.

Bumalik ako sa iniihaw kong manananggal at pinutol ang pakpak nito.

"Hoy! Kawawa naman iyong manananggal."

Nangasim ang mukha ko sa kanya. "May awa ka pala."

"Anong ibig mong sabihin do'n ah?" Nanlaki ang butas ng ilong niya't pumamewang ulit sa tapat ko.

Hindi ko siya pinansin at bumalik sa manananggal. Pati isang pakpak nito ay madali kong naputol dahil sa malutong rin ang pagkakaluto nito.

Hawak ang dalawang pakpak ay nag-concentrate akong magbago ito ng anyo at maging karne ng baboy. Hindi nagtagal ay naamoy ko ang pamilyar na inihaw na pork chop.

[You have used Pigified.]

[Mana: 15/50]

"Bakit hindi mo na lang siya kainin ng buo?" Dinuro ni Rula ang manananggal na nangingitim na't tanging sa hulma na lang nito siya makikilala.

"Baka maputol rin kasi ang kalahati ang katawan ko." Napahawak ako sa tiyan kong umimpis na rin ng hindi ko namamalayan.

Napa-ahh siya.

Hinanda ko ang aking sarili sa pagkain. Muli kong tiningnan ang dalawang pirasong karne na aking hawak at hiniling na maging maganda ang makukuha kong kapangyarihan.

Pigil hininga kong kinagatan ang karne sa pag-aakalang maduduwal ako nang malasahan kong baboy pa rin ito.

[You have consumed a poison.]

[You loss 11% Health.]

[Health: 16/50]

[You gained 100% Mana.]

[Mana: 30/50]

Nanlaki ang aking mata at ganadong inubos ang karne ng manananggal.

[Poison Immunity has countered the poison.]

Napadighay pa ako pagkatapos kumain.

[You gained 100% Health.]

[Health: 32/50]

Ay ang sarap! Gusto ko rin sana ng coke.

"Hindi ka naman busog niyan?"

[You gained +1 Speed.]

"Gusto mo rin ba?"

Napangiwi siya. "Ayaw ko nga!"

[You have obtained Bat Wings.]

Bat wings?

"Character Status."

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon