Chapter 14

341 26 3
                                    

MIKO

Madami akong pangarap sa buhay, iyon ay dahil madami akong hilig na gawin sa buhay, at araw-araw ay masaya akong natututo sa iba't ibang bagay.

Kaya naman palagi akong highest honor noong high school, pero nang magdating na ang college ay nahirapan na akong mamili sa kung anong gusto ko. Either gusto kong kunin lahat, o hindi ko lang talaga alam kung anong gusto ko.

At sa tuwing nasa kalagitnaan na ako ng isang kurso ay nawawalan na ako ng gana sa inaaral ko. That happens several times hanggang sa 'di na ako nakatapos sa pag-aaral. At kinakailangan kong mamasukan sa iba't ibang trabaho, para lang may maipundar sa sarili ko.

Ang hirap dahil hindi ko matanggap na ang isang highest honor na tulad ko ay nagpapakahirap sa trabaho ng ganito. Imbes na gamitin ko ang utak ko sa trabaho ay kinakailangang kumayod ng mabigat kong katawan sa mga manual labour.

Hanggang sa dumating din ako sa punto na sisihin ang sarili ko dahil sa mga desisyon ko sa buhay. I thought it was all about brains and hard-work para marating mo ang pangarap mo, but now I realized that its all about our decision.

Our decision whether to endure or not. Our decision to believe and trust the progress. And our decision to create an opportunity for ourself.

This decision comes from the will on our heart. Na sa bawat hamon na hahadlang sa ating pangarap doon matitimbang kung hanggang saan mo kayang harapin ang lumalaking problema at kung malalagpasan mo ba ito?

I'm always been running away dahil ayaw kong masaktan at ayaw kong ma-disappoint. Pero ang pagtakas ko pala na iyon ang mas dudurog sa sarili ko dahil sa bawat oras na lumilipas ay tanging sarili ko lang din ang sisihin ko sa bagay na hindi ko ginawa.

And now I'm cornered, hindi naging madali ang kalbaryo ko rito sa kabilang dimensyon, pero paunti-unti ay lumalakas ako hanggang sa lumakas nang lumakas at hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa lakas kong taglay ngayon.

And I'm really thankful to my past self, thank you for not giving up sa kabila ng mga masalimuot na pangyayari.

Dahil ngayon ay nakatayo na ako sa tapat ng balete, kung saan nakalihis na ang mga baging at nagliliwanag na ang loob ng katawan nito.

Congratulations!

You have cleared the quest.

"Alam mo timawa ka talaga." Biglang sumulpot si Rula sa gilid ko. "Hindi mo pa talaga pinalagpas iyong Marcupo at kinain mo pa! Grabe! Dinaig mo pa iyong mga aswang."

Simpleng kumibit balikat ako. "Sayang ability."

Napalingon ako sa tabi ng balete kung saan ko nilibing ang mga bangkay ng mga taong na kasama ko rito sa loob ng kabilang mundo.

Matapos ay nilibot ko ang aking tingin sa mahamog na kagubutan. Ang saksi ng madaming trahedyang hindi ko makakalimutan.

Hindi nagtagal ay bumaba na rin ang matagal ng nakatirik na buwan, at lumitaw mula sa direksyon ng balete ang malaking araw.

Nilamon nang mainit na sikat ng araw ang malamig na hamog, at sa 'di inaasahan, bawat pagdampi ng liwanag na ito sa lupa ay may damong tumutubo, at ang patay na puno na biglang lumalago.

Napanganga ako hanggang sa magliwanag ang buong kapaligiran. Naglitawan ang mga nag-aawitang ibon, ang mga hayop na maganang kumakain at ang mga nagliliwanag na alitaptap paikot sa balete sa kabila ng mataas na sikat ng araw.

Beast-Eating HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon