"Nakita ko siya. Ang ingay mo kasi masyado eh, nagising tuloy ako," medyo natatawa pa niyang saad.

Gusto pwede lang lumubog, sana lumubog na lang talaga ako dahil sa kahihiyan.

I creased my nose. "Ah, ano, wala 'yon, 'Tay, kaibigan ko lang."

Tumawa siya sa naging reaksiyon. "Alam mo ba, bumalik kahapon 'yong lalaki."

My eyes widen in shock. Hindi ko alam ang sinasabi ni Tatay. Jusko, wala akong alam na pumunta dito ang lalaki. Wala din naman itong sinabi.

"'Tay, seryuso?" I nervously asked.

Tumango siya. "Oo, habang wala ka dito, pumunta siya. Alam mo ba ang sinabi niya?"

Tatay gently caresses my hair. Umiling ako.

"Ang sabi niya sorry daw kasi naging boyfriend mo daw siya at naging girlfriend ka niya nang hindi mo alam. Alam mo bang nagalit ako dun?"

Umiling ulit ako.

He nodded his head. "Oo, 'Nak, nagalit ako dun kasi siyempre anak kita tapos magiging girlfriend ka niya tapos wala lang alam, aba hindi pwede 'yon. Pero alam mo ang sabi niya? Paninindigan niya ang ginawa niya. May sinabi pa siya sa akin na hindi mo pa pwedeng malaman. Tapos alam mo ba, nagpaalam siyang liligawan ka. Hindi mo pa alam kasi ang sabi niya, gusto niyang sa 'kin muna magpaalam para daw kahit hindi ka pumayag, basta't pumayag ako ay tutuloy pa rin siya."

While looking at my father, telling me what happened yesterday when I was gone, smiling like he admire Henrick for what he did, it warms my heart.

Tiningnan niya ako sa mata. "Mabait na bata ang lalaki. Kaya kahit bata pa kayo, hindi ako tututol sa kung ano mang relasyong meron kayo basta't alagaan niyo ang isa't-isa, masaya na ako dun."

At that time, I hugged my father. Ang buong akala ko kailangan ko pang itago sa kanila ang nangyari, hindi na pala. Because you know what, instead of gatubg what Henrick did, I'm starting to like it. Mas hindi ko yata gugustuhin kung wala siyang ginawa para i-deny ang sa kanila ni Sheryl.

Monday morning, it was just four am but I'm already awake. Simula pa kagabi, nag-o-overthink na ako sa kung ano ba ang mangyayari sa akin sa pagpasok ko. For sure, the issue has been spreading! Mga chismosa pa man din ang mga kaklase at kaibigan ko.

"Jasmin, kanina ka pa parang bulate diyan. Ano bang problema mo?" kunot noong sabi ni Nanay habang naghahain ng pagkain.

Kinakabahan man, umiling ako. "Wala, 'Nay."

"Siguraduhin mo lang, jusko. Nung isang araw ka pa ganiyan."

Pagkatapos kumain at agad akong nag-ayos. I don't know, I just found myself in front of the mirror, continuously combing my hair.

"Anak, maganda ka, siga ka lang kumilos, tama na 'yan. Kanina pa naghihintay ang kuya mo sa 'yo sa labas."

Sa sinabi ni Tatay, parang gusto ko na lang sumalampak sa kwarto at magdamag na matulog. Pero wala akong nagawa. Nanghihina akong lumabas dala ang bag at nakabusangot ang mukha.

Agad kong nakita si kuya katabi ang motor niya.

"Ang aga aga, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Sumakay na lang ako at pumikit. For the rides in my rides to school, this is the first time I wish we would take long in the road. But it didn't happen. Dahil ilang minuto lang ang nakalipas, nakita ko na lang ang sarili na nasa tapat na ng gate.

"Jasmin, ano ba, nandito na tayo, bumaba ka na," naiinis na na sabi ni Kuya.

Makuha luha ko siyang tiningnan. "Kuya, pwedeng umuwi na lang."

To Forget (Destined Series #1)Where stories live. Discover now